Chap Vll.

14.9K 94 10
                                    

A/N:  Okay lang naman ang magexpect wag lang yung mageexpect ka wala ka namang karapatan. Wala kong masabi ehh.. Pasensya na kung may nguguluhan sa chaps ko. Intindihin nyo nalang maigi. hihi. Tumatakbo kasi sa 4 na katauhan e.  Pakicheck nalang po maigi kung kanino yung POV na nagkwekwento.

Fretzie POV.

 Ang saya ng lakad namin ni Nathalie. Kulang nalang patigilin ko ang oras para lang lagi ko siyang kasama. Hays! Di ko dapat nararamdaman to.Nakakalimutan kong may gf ako . Kakatawag lang ni Lena magchat daw kami pero wala kong gana makipagusap. For sure naman kasi mag-iinsist na naman siyang umuwi na ako ng pinas para magkita na kami. Kami na ulit, thanks to Nathalie. But should i really thank her? Yung pagkukunwari kong gusto siya nagiging totoo na at hindi na basta pagpapaselos ang ginagawa ko. Kinukusa ko na. Kagago lang to. 

Pauwe palang kami ni Nathalie.  At umuulan pa. Wrong timing lang nakakainis! 

"Hoy Fretzel! Saan ka pupunta? "  sigaw ni Natz habang tumatakbo at papunta sa isang supermarket. 

Pagpasok ko ng supermarket, luminga linga ako sa paligid at dali daling kinuha yung payong sa lagayan malapit sa sliding door saka umalis.

" O san galing yang payong mo? Wala ka namang dala kanina diba? " Tanong niya.

"Binili ko " sabay ngiti sa kaniya. 

" Binili??? " biglang siyang tawa paano kasi yung payong sira pala at ayaw tumaas nung pinakabubong ng payong. Kastress naman oh! lahat na wrongtiming.

" Salamat. Paano ka niyan? mababasa ka. "  Ginawa ko kasi hinawakan ko nalang yung dulo, yung pinakalock para bumuka ung payong at magkasilbi. Okay lang kahit mabasa na ko at mangawit wag lang tong panget na to.

" Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nababasa ? " tanong ko sa kaniya.

" Sira ka! yung sarili mo intindihin mo. Ikaw ang basa  na oh! " Nag-aalalang tanong niya while pinapagpag yung sa may balikat ko. 

" Ayos lang po . Malapit na din naman tayo e. "  Hinilig pa niya yung ulo niya sa balikat ko. Ang sweet lang ng babaeng to.  Pero yung totoo lang ngawit na ngawit na ko sa isang kamay kong nakataas kanina pa dito .Tsk! 

" Alam mo ba , yung bestfriend ko may nagugustuhan siya ngayon. "  biglang kwento niya.

" O ano naman kung meron? 'Di ba dapat nga happy ka? "  Umiling siya.

" Wala lang. Kanino na ko tatakbo kapag nagkalovelife na siya? "  Ano daw? adik lang ng tanong nito. 


" Ano ka ba .  Para mo na ding sinabing ngbestfriend ka dahil need mo ng matatakbuhan. Kung magkalovelife man na siya, You should be happy for her malungkot din mag-isa kaya. Isa pa diba sabi mo matagal ng di nagkakalovelife yun? "

" Nakasanayan ko na kasing lagi siyang andyan isang tawag ko lang. " Simangot niya.

" Ikaw talaga ! Mas matanda ka sakin pero parang ikaw yung mas bata. Ang childish mo mag-isip. " sagot ko sa kaniya.

" Hmm.. Well, ganon ako kapag nagmamahal e. Pero don't worry yung mga kachildish/an ko hindi ko yun nilalabas actually nasa isip ko lang yun o minsan sinasabi ko sa iba para atlis dun nalalabas ko. Ayoko kasing isipin ng tao na ganun ako"  pagpapaliwanag naman niya. I don't know if she's convincing herself or must i say ako.

" For me? i'd be more glad kung sasabihin mo mismo sakin na ganun ka, kasi ikaw lang mahihirapan kung itatago mo dyan na naiinis,nagagalit o naiirita kana tapos wala pa kaming alam. You'll just end up thinking it over and over. "    

SubstituteWhere stories live. Discover now