Day 09.1

48.7K 1.6K 147
                                    

July 11, 2015

Hindi ko lang talaga alam kung kanino ko sasabihin kaya pasensiya ka na, notebook. Hindi ko pwedeng sabihin kay Helga kasi baka magalit siya kay Marcus. Susungitan niya yun pag pumunta sa kanila.

Pero ang sakit lang kasi ng mga sinabi niya. Sabi niya, annoying daw ako. Wag ko raw siyang pakialaman. Tapos yung message niya, puro exclamation point! Parang galit na galit siya sa kin dahil lang binigyan ko siya ng first-aid kit.

Alam ko naman na baka ang creepy ko, kasi, sabi nga ni Helga, ang creepy nung pangalan ko. Tapos, di naman niya kilala kung sino yung nagmi-message sa kanya. Para pa kong stalker. Binigyan ko pa ng first-aid kit. Dun ko pa sa kotse niya iniwan.

Nakakahiya. Bakit ko pa ginawa yun?

Simula pa lang, hindi naman ako umaasang papansinin niya yung messages ko e. Malamang, marami namang nagmi-message sa kanya. Mr. Intrams. Tapos, varsity player. Okay naman ako dati na nanonood lang sa kanya. Sanay naman akong hindi napapansin ng kahit na sino. Yung kaklase ko nga, Jenny nang Jenny sa kin. Hindi man lang matandaan yung full name ko. Siya pa kaya ang makapansin sa kin e  ang daming nagbibigay ng atensyon sa kanya?

Kaso, lagi na kasi siyang malungkot. Tapos, hindi siya pumapasok. Tapos, may pasa siya nung nakaraan. Hindi naman ako makalapit para kausapin siya kasi ang awkward nun. Sino naman ako sa buhay niya? Hindi naman kami close.

Kaya lang, wala bang ibang nag-aalala sa kanya?

Gusto ko lang namang malaman niyang may concern sa kanya. May nagwo-worry. Napasama pa pala.

Ang sakit lang talaga. Hindi ko alam kung bakit ganito.

Hindi ko na siya kakausapin kahit kailan.

Invisible Girl Book 1 (Chat MD Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon