Day 55.3

27K 831 154
                                    

06:14 PM

Jenessy : Sino yung nasa status mo, bestie?

Helga : May hinala na kasi ako e...

Helga : Kung sino yung kumuha ng phone mo.

Jenessy : E? Totoo?

Jenessy : Sino?

Helga : Isipin mong mabuti... Bukod sa ting dalawa, sino lang ba yung pwedeng maghinala na ikaw si En?

Jenessy : E... Sino?

Helga : Sino lang ba yung pwedeng magkunwaring ikaw?

Helga : Siyempre, dapat lower classmen din. Sophomore. Tapos, may scholarship.

Helga : Na tahimik. Kahit na hindi awkward, okay lang. Hindi naman madali i-differentiate yung awkward at tahimik.

Jenessy : Hala...

Helga : At sino lang ang pwedeng makakilala sa phone mo? Nasa table din naman yung phone ko nun at ni Marcus. Pero eksakto talagang nakuha yung sayo.

Jenessy : Hala... Si Carmi?

Helga : Bingo!

Helga : Remember, siya yung kasama ko dati sa library para kunin yung gift mo. Baka mula run siya naghinala sayo. Tapos, usisera mode pa siya sa status mo noon! Na sync sa status ni En!

Helga : Kaya nga, binawalan na kita nun na mag-status ng kasabay ni En Visible, di ba? Kasi, kapag may naghinala sayo, mao-obvious!

Jenessy : E kahit na... Pano naman niya masisiguro na ako si En?

Helga : Baka dahil sa status? Remember, tinutukso ka niya dati na kilala niya yung super crush mo, di ba?

Helga : Hindi ka lang umaamin!

Helga : Tapos, pwede namang sinilip lang muna niya yung messenger mo para makasiguro.

Helga : Nung sure na siya, e di kinuha na niya!

Jenessy : Pero kaibigan natin siya e.

Helga : Sus! Walang kaibigan kapag tinamaan ng ambisyon! E di malamang, type niya rin si Marcus!

Helga : Maraming may gusto kay Marcus after nung nanalo siya sa Intrams! Tingnan mo nga, nagka-basher pa si En!

Helga : Saka, panay status naman kasi ni Marcus na mukhang in love e! Tapos, sa status pa, mukhang hindi kilala ng mga trolls yung girls.

Helga : Tapos, one time pa, nagreply ka as En! Obvious na dummy account si En!

Helga : Di ba? Ang daming possibilities!!!

Helga : Naku, nanggigigil ako sa kanya a.

Jenessy : Hala. Hindi ko alam ang iisipin ko.

Jenessy : Mabait naman sa kin si Carmi e.

Jenessy : Wag ka munang ma-beastmode diyan!

Helga : Sus! Ilan na ba ang mabait sayo tapos tinraydor ka?!

Helga : Tsk. Yun nga ang krus mo, di ba? Yung mga kaibigan na hindi naman pala kaibigan.

Helga : Buset. Lalo akong naiinis.

Helga : Siya talaga hula ko e.

Helga : Lalo na, after mawala ng phone mo, lumalayo na siya sa tin.

Helga : Hindi na sumasabay mag-lunch. Nag-iba ng pwesto sa lab. Hindi na rin nakikipagkwentuhan.

Helga : Baka nga kasama pa siya sa bashers mo!

Jenessy : Pano kung mali tayo?

Helga : Hmp. Malapit na ang Friday! Pag na-confirm lang talaga ni Marcus na siya yung kumuha ng phone mo, tingnan mo. Sabunot talaga siya sa kin!

Jenessy : Hala, wag naman. Napahiya na nga siya kay Marcus e.

Jenessy : Sabi ni Marcus, iniwan daw niya yung nagkunwaring En sa kung saan sila nagkita e.

Helga : Hindi pa sapat yun! Inggitera siya! Nangsasabotahe!

Helga : Ibang level ng malisya yun, bestie! Hindi dapat basta palampasin.

Helga : Imagine, nagnakaw ng cellphone? Tapos, nagkunwaring ikaw? Tapos, nakipag-meet pa kay Marcus?

Helga : Ibang level ng ambisyon yun! Kontrabida siya! Ilalampaso ko siya!

Jenessy : Basta wag ka munang ma-beastmode diyan hanggat hindi pa naman confirm.

Helga : Alam ko. Pero kailangan nating mag-ingat!

Helga : Lalo ka na! Kasali pa man din siya sa Arts Club!

Helga : Bukod sa ating dalawa, yung kumuha ng phone lang ang nakakaalam na ikaw si En.

Helga : Who knows what she will do?

Helga : Kaya subukan niya lang!

Helga : Isang maling kilos niya laban sayo, ilalampaso ko talaga siya!

Helga : Grrr... Kagigil!!!

Jenessy : Kalma ka na. Tingnan mo na lang uli yung flowers ni Ashton.

Helga : Hmp. ♥__♥

Jenessy : Haha! Ang bilis magbago ng mood! (∩_∩)

Helga : Ganun talaga. Hihihi.

Jenessy : Bestie, magsi-seven na kasi. Out muna ako.

Helga : Na naman? Bakit?

Helga : Nakakaduda ka na a!

Helga : May iniiwasan ka ba pag 7pm?

Jenessy : E kasi... kailangan ko nang gawin yung schoolworks para mamaya pag message ni MM ko, okay na.

Helga : Wow! MM mo talaga!

Helga : Hala, hala! Wala namang umaagaw!

Jenessy : Hihihi. (∩_∩)v

Helga : Jusko! Possessive! Haha.

Jenessy : Possessive din naman siya e. Hindi ko nga lang pinapansin lahat ng 'ko' niya kasi natutuwa ako e. (>///<)

Helga : Ang landi nyo! Huhuhu... Nakaka-bitter!!! (T_T)

Jenessy : Haha. Bukas na uli a. Daldal tayo. :3

Helga : Tss. Magre-rehearse tayo nung confession mo! Haha.

Helga : Goodnight na!

Jenessy : Goodnight! (∩_∩)

Invisible Girl Book 1 (Chat MD Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon