Kabanata 17

1.5M 35.5K 6.1K
                                    

medyo spg sa tema.

---------------------------------------

Kabanata 17

Gusto Kong Marinig

Ugh! Pinukpok ko ulo ko dahil sa kahihiyang nadarama. Sht naman, oh! Bakit ang green ko na? Hindi naman ako dating ganito?

Umayos agad ako nang narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Lumabas siya ng may dalang Betadine at bulak.

Tinitigan niya ulit ang tuhod ko. Ngayon, syempre alam ko na kung bakit.

"Uhm... Yung sa kamay na lang muna-"

Pero bago pa ako natapos magsalita ay lumuhod na siya sa harapan ko. WTF? Agad kong tiniklop agad ang nakaawang kong mga hita. Uminit ang pisngi ko at nanlaki ang mga mata.

Tumingala si Wade. His jaw clenched...

"Itaas mo yung pants mo hanggang tuhod, Reina. Para magamot ko yung sugat mo."

Napalunok ako. OO, NA! Ako na ang green! Pero masisisi niyo ba ako kung nag-iba na ang tingin ko kay Wade. Hindi na siya gentleman! Playboy na siya sa paningin ko.

"Tsss..." Bumaling siya sa binti ko at marahang tinupi ang pants ko pataas.

Naramdaman kong tumindig ang balahibo ng binti ko pagkahaplos ng daliri niya sa legs ko. Natigilan siya ng ilang sandali saka nagpatuloy sa pagtutupi ng pants ko.

"Hindi na kailangan, Wade." Sabi ko.

"Next time, kung balak mong pumunta sa mga gig ko, sabihin mo para mabigyan kita ng VIP pass. Hindi yung nakikihalo ka sa mga tao." Seryoso niyang sinabi.

Lumakas, bumilis at lumipad ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita kasi barado ang lalamunan ko sa puso kong pilit na lumalabas sa dibdib ko.

"Alam kong galit ka sa mga nalaman mo sakin kaya hindi ko ineexpect na manonood ka. Kaya nga nanlalamig ka sakin ngayon, hindi ba?" Tumingala siya habang tinutupi ang kabila.

Napalunok ulit ako. Yung tipong bawat dampi ng mga daliri niya sa binti ko ay nanginginig ang sistema ko. Pero para sa kanya ay parang wala lang. Just the usual thing. That's why I hate playboys! Naghuhuramentado ka na dahil sa ginagawa nila, pero para sakanila, nakakaantok pala.

"Hindi naman sa nanlalamig, Wade. Nabigla lang ako. Hindi ko inasahan. Buong akala ko mahal mo si... Zoey." Humina ang boses ko sa huling salita.

Marahan niyang nilagyan ng Betadine galing sa bulak yung sugat ko sa tuhod. Maliliit na galos lang naman iyon, pero tinatrato niyang parang malaki at sensitive.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon