Kabanata 61

1.6M 35.6K 19.2K
                                    

Warning: SPG ulet.

Sorry sa paulan ng SPG. Nagkataon lang na nagkasabaysabay.

---------------------------------------------

Kabanata 61

Rooftop

Nilagay ko sa box yung gown ni Shan at nilagay ang address ng office ng manager niya. Ipapadala ko na lang ito sa driver namin. May text sakin si Wade kanina...

Wade:

Boarding to Davao. I miss you, Reina. Do you still love me when I'm gone?

Tumawa ako sa text niya. Nireplyan ko kaagad.

Ako:

Stop the drama, Wade. Bilisan mo na lang para magkita na tayo. I love you.

Nakangiti ako buong hapon habang iniisip at naeexcite sa pagbabalik niya galing tour. Pero napapawi ang ngiti ko tuwing naaalala yung party na sinasabi ni Liam at Noah.

"Ready?" Untag ni Warren sakin nang nag alas sais na.

"M-Masyado naman yatang maaga yung partyng sinasabi niyo."

"Because we're hosting that party, Reina." Sabi ni Liam. "Magbihis ka na. Kinukuha na ni Noah si Coreen. Sa Tribe Lounge na lang daw tayo magkita."

My goodness! Pinagpapawisan na ako ng malamig habang nagbibihis. Alas nuwebe mag ta-touch down ang eroplano ni Wade galing Davao. Kaya ko kayang pumunta sa condo niya bago ang oras na iyon?

"What's wrong with you, Reina?" Tanong ni Liam habang nagtatawanan sina Warren at Joey sa likod ng sasakyan niya.

"N-Nothing..." Sabi ko at tumunganga sa kawalan.

Do I need to tell Wade?

Itetext ko na sana si Wade nang narealize kong may tao dapat akong nilapitan kanina pa...

Si Rozen!

Ako:

Rozen, can you please kidnap Coreen or something. I need to escape. Mamayang 8:30.

Nagreply siya ng nakakapagtaka at nakakainis na text.

Rozen:

Can't Reina. That's her choice.

Oh my gosh! Nawawalan na ako ng pag asa nang nakarating kami sa parking lot ng Tribe Lounge. Naaninaw ko si Coreen na bihis na bihis.

"Reina! I missed you." Sabay yakap niya sakin.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon