Kabanata 73

1.5M 39.2K 21.7K
                                    

Kabanata 73

Pre Nuptial

Buong araw, iyon lang ang laman ng news. Ipinakita sa TV ang umiiyak at nag wewelgang mga fans sa labas ng istasyon at Moon Records.

"Hindi naman kami lahat yung nambully kay Reina! Bakit nasali kami?" Sabi nung isang umiiyak at may dalang tarpaulin ni Wade.

Ibalik si Wade! - Yun ang laman ng mga tarp at karatulang dala-dala nila.

Gigil na gigil na akong puntahan si Wade pero dahil nangako ako sa kanyang hindi ako lalabas ng bahay.

Sa sobrang paranoid ko, napatalon na ako nang narinig kong tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako sa buong pamilya ko, kasama si Liam at Coreen na pare-parehong nakatitig sakin. Para bang gusto rin nilang sagutin yung cellphone ko.

Tumayo ako at umalis para pumuntang kwarto.

Nang nakalapit na ako sa hagdanan ay halos masamid na ako sa pagtakbi papuntang kwarto...

"Hello, Wade?" Sabi ko nang nakarating na sa pintuan ng kwarto ko.

"You okay?"

Halos maiyak ako sa tanong niya. Pagkatapos ng ginawa niya, tingin niya matitinag pa ako? Hindi na! Hinding hindi! Kahit ano pa yang ibato sakin, okay na okay ako. Simula palang, siya naman talaga ang nagbibigay ng lakas sakin. Lagi niyang pinaparamdam sakin na ako yung bumubuo sa pagkatao niya. Pero ang totoo nito ay siya itong bumubuo sa pagkatao ko. Hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob kung wala siya... Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung wala siya.

"B-Bakit mo ako tinatanong?" Nabasag ang boses ko.

Hindi ko na mapigilan ang pag iyak ko.

"Are YOU okay? Ikaw itong umalis ng showbiz. It's your dream, Wade. Why leave your dream just for me?"

Naisip ko yung pagiging walang kwenta ko noon. Iniwan ko siya. Hindi sapat na dahilan yung excuse ko noon sa pag iwan ko sa kanya... hindi sapat yun para saktan ko siya.

"Of course, I'm okay kung okay ka... Kaya are you okay, Reina?"

Humikbi pa ako lalo. I can't take this. He's just too darn good for me...

"Yes, I'm okay pag nandyan ka." Pumikit ako.

"Bakit ka umiiyak?"

Natawa ako sa tanong niya, "Ikaw ba marinig yung speech mo sa TV, hindi ka ba maiiyak?"

Humalakhak din siya.

"Is this okay, Wade? Yung pag talikod mo? How bout the band? Madidisband? You're the vocalist, for God's sake? What about Zac? Austin? and Adam? Mr. Manzano?"

"Nasabi ko na sa kanila, Reina. Besides, wala naman silang magagawa. Mag eexpire na ako next month. Wala na silang hold sakin."

"Wade, this isn't a joke. It's your career."

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon