PART 2

68 9 4
                                    

Pag kapasok ni Kelly sa loob ay dumiretso siya agad sa kusina kung saan nandun ang mga katulong at si Digna.

Tumulong siya sa pagluluto upang mapabilis ang trabaho at matapos agad. Habang tumutulong ay hindi nila naiwasang magkwentuhan.

" wala po bang sinabi yung matanda kung kelan?" Tanong ni Digna.

" Ha?"  Naguguluhang sagot ni Kelly.

" Ibig ko pong sabihin kung may sinabi yung matanda na specific na araw." Sarkastikong sabi ni Digna, ngunit hindi naman ito minasama ni Kelly dahil alam niyang ganun lang makipag usap si Digna kahit kanino. Pero kahit ganoon pa man, ay hindi niya naisip na paalisin ito dahil alam niyang mapagkakatiwalaan ito lalo na't tatlo lamang ang katulong niya sa kaniyang bahay.

" Wala e."

" Haay naku, Ma'am. Wag mong pansinin yang si Digna. Ang isipin mo nalang... Hindi magkakatotoo yun. Dahil una sa lahat, mabait kang tao. At walang sinoman ang magtatangka magplano para gawan ka ng masama."

" Sana nga, Manang. Pero, alam mo... Kahit anong gawin kong pagkalimot tungkol doon.. Pilit pa ring binabalik ng sistema ko yung sinasabi ng matanda."

" kung totoo man yang hula sayo,... E sino naman kaya yung tinutukoy niyang ahas?. Tao ba yun? O... Hayop?."

Nagkatinginan silang tatlo at halos walang nagsalita. Natahimik sila sa tanong ni Manang at maging si Manang sa tanong niya.

" Haay naku!. Wala na palang Vetsin!. Teka lang ha!. Bibili lang ako. Digna!. Yung niluluto ko ha!."

" Sige po." Pag sang ayon ni Digna saka umalis si Manang.

Naiwan ang dalawa sa kusina at hindi nila naiwasamg hindi mag usap. Hindi naman sila ilang sa isa't isa dahil matagal na silang magkakasama sa loob ng bahay na to. Kaya upang buksan ang kwento si Digna ang nagsimula.

" Sa tingin mo. Sino yung tinutukoy na ahas?"

" ewan ko... Wala naman akong nagawan ng masama. Wala naman akong kaaway. "

" Sa tingin mo ba... Tao yung sinasabi? Malay mo... Literal na ahas pala."

" ewan ko. Basta alam ko. Natatakot ako. At ayaw kong mangyari ang hindi dapat mangyari." Nanlalatang sani ni Kelly.

Pamaya maya habang parehas silang tahimik ay may narinig silang isang ingay galing sa Sala.

" Sino yun?" Tanong ni Digna.

" Manang?! Manang ikaw po ba yan?!" Sigaw ni Kelly ngunit hindi siya sinagot nito.

" Ako na. " sabi ni Digna saka tumayo at pumunta sa sala.

Nang maiwan naman si Kelly ay tumayo siya si kinauupuan niya upang tingnan ang pinakukuluan nilang Pata ng baboy at ang niluluto ni Manang na Sinigang.

Nang buksan niya iyon ay amoy na amoy ang sarap at ang asim ng pagkain kaya bigla siyang ginutom at parang gustong gusto niyang kumain.

Naisip niyang kumuha ng plato para kumain sana, ngunit pag talikod niya ay nakita niya si Digna.

" Digna?. Sino ka?! Ano gingawa mo dito!?" Sigaw ni Kelly sa lalaking nakatayo habang hawak hawak si Digna sa leeg at nakatutok dito ang baril.

" Bitawan mo siya!!!" Sigaw ulit ni Kelly habang patakbong susugod sa lalaki ngunit binaril siya nito at nadaplisan siya sa braso, dahilan para mabuwal siya sa sahig.

Agad namang kumawala si Digna sa hawak ng lalaki at tumakbo kay Kelly.

" Ma'am... Okay lang po ba kayo? Ma'am!..... Hoy! Hayop ka!. Sino ka bang hayop ka!" Sigaw ni Digna sa lalaking nanlaob sa bahay nila.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigWhere stories live. Discover now