PART 80

27 1 3
                                    

DIGNA POV

" Manang Coring saan po ba nagpunta si Joshua? Baka naman po alam niyo, pakisabi naman po sakin."

" Naku, Iha hindi ko rin alam. Akala ko nga'y nasa kwarto lang niya siya kagabi dahil pag uwi niya galing sa libing ni Lambert ay dumiretso siya roon pero wala naman siya doon nung dalhan ko siya ng pagkain. "

" Satingin niyo po? Saan po siya nagpunta?"

" Naku, Ma'am hindi ko po alam. Mula po noong nawala si Sir Lambert ay marami nang pagbabago ang nangyayari, Si Sir Joshua ay naiintindihan ko kung bakit ganoon siya umasta dahil sa lungkot niya, pero ang pagkawala ni Sir Enrico at hindi manlang pagsilip sa burol ni Sir Lambert ay di ko maintindihan. Hangganh ngayon ay di pa rin siya bumabalik. Ilang araw na ang nagdaan. "

Ako man ay nagtataka sa bagay na yan. Mayroon din akong nararamdaman na kakaiba kay Tito Enrico pero hindi ko ito pinahahalata. Lalo na nung araw na umuwi si Joshua galing daw sa Bulacan dahil nasiraan daw sila ni Lambert ng sasakyan.

Hindi ako naniniwala kay Joshua noon, dahil may kakaiba sa kilos niya at mga pananalita niya.
At lalo ko yung napatunayan mula noong sinabi ni Tito Enrico na..

Hahanapin niya ang taksil na nanloob sa opisina niya.

Ako man ay kinabahan sa sinabi niya. Dahil hindi ko alam kung sino ang pinariringgan niya saming mga nandoon. At kung ano ang ibig niyang sabihin at maari niyang gawin.
Kakaiba kung kumilos at magsalita si Tito Enrico. Sigurado siya lagi sa mga sinasabi niya at mga kinikilos niya.
At ang isa pang bagay na nagpapalito sakin sa mga sinasabi niya ay ang pagbibigay niya ng mga salita na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin at kung ano ang ibig niyang iparating.

Pero noong oras na yun,
Kitang kita ko ang pagbabago ng reaksyon ni Joshua kahit na nakayuko ako. Parang nilalamon siya ng kaba at takot. Naging balisa siya sa pagkakataong iyon.
At iyon din ang nagbigay sakin ng ideya para mag isip tungkol sa kanilang kinikilos lalo na sakanilang magpinsan.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin pero satingin ko ay may alam na sa pagkatao ko si Joshua, kaya siya naging malamig at nagbago sakin. Bagay na ayaw kong tanggapin sa pagkatao ko, Bagay na ayaw kong mangyari at di ko pinangarap mangyari. Sa tingin ko ay sinulaulan na siya ni Lambert.

Buti nga sayo't namatay ka.

Pinilit kong lambingin siya nitong mga nakaraang araw, pero sinigawan, nilayuan at sinaktan niya lang ako.
Inisip ko na baka dahil lamang ito sa pagkawala ng pinsan niyang madaldal kaya siya ganoon makitungo, pero sa pagkawala niya ngayon nang di nagpapaalam ay parang may iba kong nararamdaman. Napagtanto kong... May iba talaga siyang rason kung bakit siya umiiwas at nagagalit sakin nang ganoong katindi, Pero ayaw ko pa ring tanggapin at isipin na buking na ko sakanyang isipan at hindi lang niya ito isinisiwalat.

Minsan rin ay narinig ko at nakita ko si Tito Enrico na may kausap sa labasan. Noong gabi na hindi umuwi sila Joshua.
Tatlong lalaki ang nakita kong kausap niya at hindi ko ito mga kilala.

Sayang lamang at hindi ko naabutan ang pag uusap nila mula umpisa.
Basta ang alam ko lang ay inabutan niya ng pera ang tatlong lalaki at may sinabi siyang kidnappin daw ang babaeng nasa larawan at dalhin sa hide out. May paalala pa siya noon na, wag magmadali at wag magpadalos dalos sapagkat ay pag isipan daw mabuti at manmanan ang kilos nang pinupuntirya nila para daw mas maging maganda at tahimik ang kalalabasan ng lahat.

Naging palaisipan sakin ang mga narinig at nakita ko. Iniisip ko kung sinong babae ang pinapakidnap niya.

Posible kaya na ako yun?
Pero??

Bakit naman?
Wala naman akong ginagawang masama sakanya. Ang ganda nga nang pakikitungo ko sakanya.
Pero napansin kong ang ganti niyang pakikitungo ay parang laging may pahiwatig.
Kahit nararamdaman ko ang kakaiba roon ay nakukuha ko pa ring ngumiti sakanya at tanggapin ang mga salita niya bilang isang biro, Wag lang niya kong mahalata na nagdududa at kinakabahan sakanya.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon