PART 11

45 5 5
                                    

KELLY POV

" Kain na!!.. " masayang sigaw ni Nilo ng makalabas ako sa kwarto ni Mabel.

Nagtataka naman ako sa buhay ng lalaking to! Kagabi galit na galit.. Tapos ngayon ang saya niya.

Kung hindi lang ako pangit ngayon, iisipin ko may gusto sakin to.

Pero, kahit magkagusto siya.. Wala siyang pag asa dahil si Joshua lang ang mahal ko at hindi magbabago yun.

" Wow!!.. Ang sarap ng ulam!! Pakain na ko--"

" Hindi sayo yan!. Magluto ka ng iyo!" Awat ni Nilo kay Mabel ng akmang uupo ito at kakain.

" Ang sungit mo naman!. Asar ka ha! Akala mo naman napakasarap ng luto mo! Di kaya! Yung bagoong mo hilaw pa! Yung ginisang kamatis mo may uod pa oh! Tapos yung kanin mo! Ano to, Kuya!. Hahahahaha lugaw?!" Pang aasar ni Mabel kaya dinagukan siya ng Kuya niya.

" Tama na nga yan.. Sige Mabel, maupo ka na. Sabay sabay na tayong kumain." Sabi ko saka tumabi sakanila. Nag akmaan pa sila na kunwari ay magsusuntukan.
Ang sarap nilang tingnan, sana ganyan din kami ni Ate.

Haaay!!..

" Narinig mo ha! Kakain din daw ako! Pagtyatyagaan ko nalang tong lugaw mo! Wala bang tokwa't baboy?" seryosong sabi ni Mabel pero alam kong inaasar niya si Nilo.

" Margarine gusto mo? Pampatangkad!"

Natawa nalang ako sakanilang dalawa, para talaga silang bata.

" maiba ko, nasaan si Ate Tanya?" Pagsingit ko sakanila.

" Nasa Pancitan.. Ngayon lang siya kasi ulit nagbukas, e malakas ang kita doon e.. Kaya sigurado busy yun." Sagot ni Nilo.

" i see... Pwede ba kong pumunta doon? Tutulong ako sakanya."

" ay naku Ate! Pwedeng pwede!. Gusto mo tara na! Doon nalang tayo kumain ng PANCIT!!!" pagdidiin niya.

" E bakit hindi ikaw ang kumain ng Pancit! Bagay sayo yun kasi Pangit ka!"

" GGSS ka naman! "

" Ewan ko sayo, Kelly dito ka lang, ihahatid kita mamaya kung gusto mong nagpunta doon." Alok niya sakin magsasalita na sana ko pero..

" Estudyante ba siya para ihatid? Hindi naman diba! Tara na Ate Kelly.. Masarap ang Pancit doon. Kesa sa LUGAW!"

" Sige--" sabi ko pero bigla niya kong hinila kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko..

May kasunod pa yun e!!.

' pero mamaya na.. Kakain muna ko ng lugaw.'

Pero wala e... Nahila na ko kaya naglakad kami ni Mabel habang ang balabal ay nasa mukha ko. Nakatingin sakin ang mga tao kaya medyo natatakot ako.

" Wag mo nalang silang pansinin. Ako yung tinitingnan nila kasi, ako yung pinakamaganda sa lugar na to. " sabi niya kaya medyo nahiya naman ako at napahinto ako.

" Ay! Ayaw maniwala? " sabi niya kaya natawa ko at niyakap ko siya.

" Naniniwala. Kamukha nga kita nung hindi pa sunig ang mukha ko e.."

" Ay! I agree! 100%!" Sabi niya saka tumawa at hinala na ko papunta sa pansitan.

....

NILO POV

Nang umalis yung dalawa ay parang dinurog ang pagkatao ko. Minsan nga lang mag effort yung tao, lalayasan pa nila.

Iniligpit ko lang yun saka ako umalis para mamasada ng tricycle.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigWhere stories live. Discover now