PART 47

23 1 1
                                    

NILO POV

Nagulat ako nang maglapat ang aming mga labi. Hindi ko sinasadya at hindi ko inaasahang mangyayari yun sa gitna nang ulan.

Nagkatitigan lang kami habang ang mga patak ng ulan ay tumutulo sa amin.

" Sorry. Di ko sinasadya--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya kong halikan ulit.

Hindi na ito sadya sa pagkakataong ito. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon.

Kaya ang ginawa ko ay inilayo ko siya at inawat sa ginagawa niya.

Hindi ko gusto ang nais niya kung anoman ang gusto niya. Ginagalang ko siya at hindi ko siya minahal nang dahil lang sa ganoong bagay.

Nirerespeto ko siya, yun lang yun.

" Kelly? Ano bang nangyayari sayo?"

" Sorry... Hindi ko sinasadya." Sabi niya saka bumaba sa pagkakabuhat ko sakanya at tumakbo papunta sa loob nung Yate. Sumunod naman ako.

Hindi na ko tumakbo dahil basa na rin ako. Basta ang goal ko lang kaya ako nandito ay gusto kong mapag isa. Pero, mukhang malabo na dahil kasama ko na si Kelly dito.

Pagkapasok ko ay nakita ko siyang pinupunasan ang sarili sa pamamagitan ng kangyang kamay.

" Kumain ka na? Baka malipasan ka ng gutom... Hindi ka pa naman sanay.."

" E ikaw kumain ka na ba?"

" Sanay akong hindi kumain. Wag mo kong alalahanin. Ikaw ang inaalala ko." walang tinginang sabi ko habang nakatalikod sakanya.

Hinubad ko yung polo kong suot ko kagabi dahil nga sa basa ito.
Pagharap ko kay Kelly ay nakita kong nakatakip siya ng mata.

Kanina, nanghalik, tapos ngayon katawan ko ayaw makita.. Tsk. Tsk. Ano ba problema ng babaeng to? Hindi ko maintindihan.

Kung hindi ko lang to mahal. Baka napagkamalan ko na tong may toyo.

Mga babae talaga.. Mahirap espelengin.

" Nga pala.. Pakiramdam ko may bagyo. Hindi tayo makakauwi sa manila. Siguro kapag nawala na yung bagyo."

" Oo nga e.. Signal number 3 dito sa Batangas. Sige... Okay lang naman na hindi muna tayo mauwi ngayon. "

Hindi ko na siya sinagot at naghanap ako ng pwedeng pamalit dito sa maliit na kabinet na nakita ko. Basang basa na kami at sobrang lamig pa.

" Ano hinahanap mo?"

" Pamalit nating dalawa.... Oh... Sayo na tong t-shirt na to. Ikaw na mag suot. Isa lang yan ee.. "

" E ikaw? Baka magkasakit ka?"

" Okay lang ako. Kesa ikaw ang magkasakit. Sige na. Magbihis ka na dyan. Hindi ako titingin. "

Nang sabihin ko yun ay hindi siya nagsalita. Kaya inisip kong nagbibihis na siya.
Hinintay ko lang siyang magsalita na okay na at pwede na kong lumingon. Pero.. Ang tagal. Kaya ang ginawa ko ay nanatili lang akong nakatingin sa labas. Kung saan malakas ang ulan, hangin at ang alon sa dagat.

Kagabi ay maayos ang lagay ng panahon. Pero nang sumikat ang araw ay biglang nagkabagyo. Hay! Hindi manlang nagparamdam ng mahinang ulan.

Iba na talaga ang panahon ngayon. Pinaparusahan na tayo ng Panginoon sa mga kasalanan natin.

" Okay na. Pwede ka nang tumingin."

Noong una ay ayaw ko pang tumingin baka kasi mamaya ay nakahubad itong babaeng to. Mukhang tinotoyo. Pero hindi naman. Baka nga nabigla lang kanina.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon