PART 56

24 1 4
                                    

NILO POV

" Pare. Saan ka talaga nagpunta kagabi? Kasi hindi ako naniniwala na sinama ka ng kaibigan mo para ipasok ka doon sa pinagtatrabauhan niya."

" De wag kang maniwala. "

Sabi ko saka ako nagpatuloy sa paglilinis ng tricycle ko. Hinuhuli ako ng mokong. Kailangan di ako magpahalata.

Lakasan mo ang loob mo, Nilo!

" Kung sila mapapaniwala mo. At napaniwala mo na.. Ako hindi! ibahin mo ko! Alam ko ang takbo ng utak mo! Alam ko kung kelan ka nagsisinungaling at kung kelan ka nagsasabi nang totoo."

" Nagsasabi nga ako ng totoo. Pinapasok ako ng kaibigan ko bilang isang security guard sa isang night club."

" Nang ganung katagal? Anong oras tayo nasa inuman?? 8! Anong oras ka umuwi? 5 am. How many times did you spent para lang samahan ka nung kaibigan mo na maging guard? 1 2 3 4 5 6 7 8 9 hours! Wow ha! Gabi na pala ang pila sa pag aapply sa night club na yan. At ang haba pa nang pila ha 9 hours ka nawala e! Kakaibang kakaiba yang pinag applyan mo, Pare. Open 24 hours. Kapanilaniwala nga. Samahan mo ko mamaya mag aapply na din ako."

Natahimik nalang ako. Bakit ba napakagaling manghuli at mambasa ng katotohanan tong lalaking to.

Napaniwala ko na sila kanina pero hindi ko alam na siya pala ay hindi naniniwala.

Tumayo ako saka ako tumingin sakanya. Naglilinis din kasi siya ng tricycle niya.

" Di ko naman gustong magsinungaling."

" Ayun! E di umamin ka din! Gusto mo pa nang mahabang deskusyon para mapaamin ka.
So... Saan ka nga galing?"

" Masamang pangyayari sa masamang lugar ng isang desperadang lokaloka." Sabi ko saka ako bumalik sa ginagawa ko.

Hindi ko na naman maiwasang mainis nang maisip ko ang nangyari kagabi na hindi ko naman talaga ginusto, pero kinakabahan ako.

" Ha? Di ko gets? Nagpapaka genius ka na naman sa mga hidden words mo."

" Di ko talaga gusto, Paul. Kilala ko ang sarili ko at ayaw ko sakanya!"

" Ano? Hindi kita maintindihan! Ano? Babalibagin ba kita ng timba para sabihin mo yung totoo?"

" Pinagsamantalahan ako."

" what the!!! Hahaha. You make me feel laugh! Pare ano ka ba! Nagpapatol ka sa bading! Shet!"

" Gago!" Sabi ko saka ko siya binatukan.

" Aray! E ano ba yung sinasabi mong pinagsamantalahan ka? Kung babae ang nagsamantala sayo! Mag thank you ka nalang!"

" Si Kelly lang ang mahal ko."

" Mahal ka ba? Hindi diba? Wag kang tanga, Pare! "

" Mahal ako nun."

" Paano mo nasabi? Sige nga! Prove it!"

Hindi ako nakapagsalita nang sabihin niya yun.
Wala akong pakielam kung mahal niya ko o hindi. Basta ako mahal ko siya.

" Ewan ko sayo! Wag kang maingay ha. Ayaw kong magalit sila sakin."

" ligtas ka sakin, Pare. Pero... Hindi ka ililigtas ng tadhana. Malalaman at malalaman din yan. Lalabas at lalabas yan. "

" Oo nga. Pero wag muna ngayon, Pre. "

" Di mo naman mapipili yun. Kaya kailangan maging handa ka.."

Hindi na ko sumagot sakanya sa halip ay itinuon ko ulit ang aking sarili sa ginagawa.

" Nga pala... Sino nga pala ang babaeng bumihag sayo? Haha"

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon