Chapter 4 . Silhouette

17.7K 272 4
                                    

"Breathing.."


*Ryle POV*

"Ryle.."

Napa-angat ako ng tingin sakanila. Nagla-lunch kami, kumunot ang noo ko dahil biglang seryoso ang mga ekspresyon nila.

"Hmm?" sagot ko dahil may pagkain pa ako sa bibig.

"Wala ka ba talaga maalala?" tanong nila sakin. Napalunok naman ako sa tanong nila para makapagsalita ako nang maayos.

"Wala talaga.. my mom asked the doctor bakit may specific things ako na nakalimutan and the doctor said na.. based on his research at sa mga cases na ganito.. yung mga bagay na pinakamasakit na nangyari sakin ang mga nakalimutan ko.. kaya napaisip ako kung may ginawa bang masama sakin sila james.." sabi ko sakanila.


Yun lang ang naisip kong dahilan kung bakit ko sila nakalimutan. Why of all people.. sila pa.

"Hindi ko alam kung bakit mo nakalimutan sila james pero wala naman silang ginawa sayo. Yung kay luke naman.. iniwan ka niya sa kasal niyo pero okay na kayo eh.. kaya I dont have any Idea" saad ni Tin. Napaawang ang labi ko at nabitawan ko ang kutsara ko.

"Kasal? Agad? What the heck guys! No way."

I can't imagine myself getting married. Baka pinilit lang ako or what.

"Totoo yon.. pero wala na tayong magagawa eh. Nandyan na.. alam ko naman na maalala mo din yun eventually." Napailing ako. Did I really agreed to get married?

"Sab.. totoong fiance mo ba si nico? Parang imposible kasi eh? Hindi kaya arranged lang kayo?" mabilis niya akong binatukan dahil sa tanong ko.

"Baliw! We really love each other. Naging saksi ka rin don. Nakalimutan mo lang" She said while smiling.. so she really love that guy huh?


Biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa table. Mariin ko itong hinawakan at bumigat ang paghinga ko. Nakita ko na nagulat sila sa nangyayari sakin.. pero parang hindi ko marinig ang sinasabi nila... nagbublurred narin ang paningin at pandinig ko.


Napadaing ako at napahawak sa ulo ko.


'Today.. I dont regret being your fiance'


'Lahat ng gagawin ko para sa ikabubuti mo'


'I Love you Ryle'


'I'm sorry'


'I'm here'


'Don't worry.. Ill always be here'


May boses akong naririnig na sinasabi yan sa akin. Ang sakit parang.. gusto ko siyang maalala pero palayo ng palayo sa akin.


"Ryle?!"


"Ryle?! are you okay"biglang nagising ang diwa ko.

Huminga ako nang malalim at napaayos ng upo. "Ah.. oo. Medyo sumakit lang ang ulo ko" sabi ko sakanila.

What the heck is that? It was so scary.

Book 2 : Forget The Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon