Chapter 24 . Taking Off

11.6K 215 9
                                    

*Ryle POV*


Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko.. kasama rin si Charles, Nico, James , Seff, Renzo, Cedric, Alexander para sa despidida party ko. Natouch na man ako dahil umuwi pa si James nung malaman niya yung nangyari pero naging awkward para kay Renzo, Ailee and James.


"Are you really leaving? I mean is that necessary?" napatingin ako bigla kay seff. Lumapit siya sakin habang pinapanuod ang mga kaibigan namin na nagtatawanan.

"Woah.. ano to? Concern ka no?" tanong ko sakanya at tumawa kahit na medyo mahirap.

"Of course.." nagulat ako sa sagot niya.. ngumiti ako at muling tumingin sa mga kaibigan namin.

"Talaga? Thanks pero yup I need to go"sabi ko habang pinipigilan ang mga luha ko.

"You can cry.. don't stop it" sabi niya sakin at yinakap ako, bumuhos na rin ang luhang pinipigilan ko.

Hindi na ata ako napagod umiyak.

"Honestly.. I don't want to leave but if I will decide for my mom so she can be happy again.. I know that this is the right thing to do" sabi ko sakanya at yinakap din siya.

"I am sorry for not being there with you" sabi niya sa akin pero umiling ako. I appreaciate everything pero mas okay na siguro na ganito lahat ang nangyari. 

Everything happens foe a reason..

"No.. it's not your fault. It's mine for being stupid" humalakhak pa ako.

"If only I saved you from being kidnapped.. maybe this won't happen" Umiling ako sa sinabi niya.

It was bound to happen. Everything is bound to be this way.

"Then the truth won't be revealed.. sometimes someone needs to get hurt before realizing something" Hinawakan ko siya sa kamay at ngumiti. I learned so much from this, yun nalang ang iisipin ko. Nag-mature ako at marami akong natutunan, nasaktan man ako pero ganun talaga.

"I know.. I hope when you come back--"

"Don't worry. When I come back, I'll make sure buo na ako ulit. I am someone who will be look up to." sabi ko sakanya at ngumiti. This time, nakaramdam ako ng pagluwag sa puso.

"So.. see you?" sabi niya sakin.

I nodded. Lumingon ako muli sa mga kaibigan ko.


"See you seff" sabi ko sakanya at nag lakad na kami pabalik sa mga kaibigan namin.



"Anak are you ready?" tanong ni mom sakin at umupo sa kama ko. Nakaimpake na lahat ng gamit namin.

Tumingin ako sakanya at hinawakan siya sa kamay. We can do this.. together, we can do this. I need to be strong for her.

"Yes mom.." sagot ko. Yinakap naman niya ako. Napangiti ako dahil doon, I am happy that we are much closer now.

"Bababa na ako.. sumunod ka nalang." sabi niya at tumango naman ako. I watched her step outside.


Naglakad ako papunta sa drawer ko at napatingin sa anklet na nakapatong doon. Hinawakan ko ito and a tear fell from my eye. Damn this feelings.

"Goodbye bad and good memories.. I am glad that you became mine even if its just a short period of time.." Huminga ako ng malalim dahil nakaramdam ako ng paninikip ng puso.

I held the anklet and hugged it for a couple of seconds. It's so hard to let go.

"But today and on wards.. I'm leaving you behind to move on and be happy again.. Goodbye.."

Tinignan ko ito sandali at mapait na ngumiti.

Linagay ko na yun sa drawer ko at bumaba na. Nagbyahe na kami ni mommy papuntang airport at dumeretso na sa flight namin pero nakita ko ang mga kaibigan ko na umiiyak lahat.

Natawa ako at linapitan sila.

"Ano ba kayo? wag kayong umiyak.. babalik pa naman ako." sabi ko sakanila at yinakap sila isa-isa.

"Oh.. Sab, wag mong masyadong pahirapan si nico ah.. chill lang" tinanguan naman niya ako. She hugged me again kaya natawa ako. 

"Oh ikaw Ailee, gisingin mo na 'yang puso mo. Masyado mo ng pinapatagal. I don't have any plans to tell you this pero sasabihin ko na, alam kong mahal mo pa rin si James. Eighty percent sure ako pero nasa sa'yo pa rin." bigla naman niya akong yinakap at may binulong na ikinagulat ko.

"Yeah.. you really know me." Natawa ako sa sinabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Sabi ko na nga ba.. I hope na maging maayos na sila. I like James for her, may mga pagkukulang si James pero ganon naman talaga, nobody is perfect.

"Hoy Tin! wag mo ng pahirapan si charles.. masyadong OA na ah." Binalingan ko si Tin at yinakap niya ako. Tumawa siya at pinunasan ang luha ko.

"Ryle.. mamimiss ka namin" sabi nila at yinakap nila ako sabay-sabay.

"I'm gonna miss all of you too" sabi ko at kumawala na sa yakap.


Lumingon ako kay mommy na nakangiting naghihintay sa akin. Huminga ako ng malalim.. somehow, breathing was hard. 

"I need to go guys.. see you" sabi ko at kumaway sakanila habang palayo ako.

Pumasok na ako sa eroplano at tinabihan si mommy.

"Let's be happy?" tanong ni mommy pagkaupo ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya.


"Yes mom.. we will be"sabi ko at nag take off na ang eroplano..

Isa lang ang naiisip ko bago ako nakatulog..


Luke's face

Book 2 : Forget The Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon