Chapter 7 . TROUBLE

14.1K 261 16
                                    

"There is light in the dark.."


*Ryle POV*


"Guys.. pwede ba bukas na tayo lumabas? Pahinga muna tayo this day?" tanong ko sakanila. I'm too tired. Hindi pa kasi masyadong nakaka-recover ang katawan ko.


"Okay.." saad ni Tin at ngumiti. 

Kumakain palang kami.. katabi ko sa upuan si Sab at sa kabilang gilid ko si Ailee.


"Just tell us that you are lazy" sabi naman ng asungot. What is his problem?

"Shut up seff!" Nakakainis na siya.


"Wait. Why are you always fighting? Do you like her, Seff?" napaawang ang labi ko sa tanong sakanya ni Cedric. Liningon ko siya at kita ko na natigilan din siya.


Sinamaan niya ng tingin si Cedric at nagpatuloy nalamang sa pagkain.


"Okay.. I'm sorry" saad ni Cedric at kumain nalang din. Napailing nalang ako at pinabayaan sila.

Halos sabay-sabay lang kami natapos sa pagkain.


"Sige.. lets rest na" sabi ko sakanila at nauna na akong tumayo. Inabot sa akin ni Sab ang plato niya.


"We will wash the dishes"sabi ni renzo sabay hawak sa kamay ni ailee. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Well kung gusto nila.. why not? Kung nag-eenjoy sila sa paghuhugas, who are we to stop them?

"Anong we? Ikaw nalang. Dadamay mo pa ko." sabi ni ailee at inaalis ang kamay niya sa kamay ni renzo.



"Pero diba may papakita pa ako sayo?" tanong ni renzo sakanya. Namula naman bigla si Ailee. Nacu-cuious tuloy ako.. ano kaya yun? Well.. hindi naman ako pinalaki na chismosa kaya hayaan ko nalang.

Pero ano kaya yung papakita na 'yon?


*Ailee POV*

Gusto kong sumabog! Ano ba naman.. minsan masungit, minsan makulit, minsan parang kaya niya akong protektahan. Sino ba talaga si enzo?

"Hoy! Tulungan mo nga ako maghugas" sabi niya sakin. 

Humalukipkip ako at tinignan siya ng masama.

"Sino ba nagsabi na tutulong ako? Ikaw yung nag volunteer eh" sabi ko sakanya. 


Nanahimik nalang siya at siya nga lang yung nag hugas. Na guilty tuloy ako.. sakanila na nga 'tong resthouse, hindi kasi ako makapag concentrate!

"Tara na?" Tanong niya sakin. 

Tumango nalang ako at sumama. Sumakay kami sa kotse niya at nag drive na siya.. tahimik lamang kami sa buong byahe. Kumakabog ng sobra ang puso ko. Nakatingin lamang ako sa labas at hindi ko alam kung saan kami pupunta. 

Napaawang ang labi ko nang makitang nasa isang cliff kami. Lumabas kami ng sasakyan at medyo lumayo ako nang bahagya dahil natatakot ako.


"Hindi kita ihuhulog. Halika dito" lumapit ako sakanya. Kinuha naman niya ang kamay ko. Alam ko naman na hindi niya ako ihuhulog.

"Bakit tayo nandito?" nagsalita na ako kasi wala siyang ginawa kung hindi titigan ako.

"My mom told me to bring here the girl that I want to be with" Napalingon ako sakanya dahil hindi ko akalain na ito ang rason ng pagpunta namin.

"Pero alam ko na.. mahal mo si james" nakita ko ang mga lungkot sa mata niya. Para akong tanga hindi ako makapag salita.

"Alam ko na tanga ako renzo.. madaming babae na nagkakandarapa sayo pero ito ako sinasaktan ka. Gusto ko sanang maging selfish ngayon.. importante ka sakin, sigurado ako doon. Hintayin mo lang na maghilom yung sugat ko.." Ayoko naman maging unfair sakanya na sasabihin lang niyang gusto niya ako ay gugustuhin ko na rin siya.

Darating din naman doon..

"Don't worry.. I am just here, I won't go anywhere." Napangiti ako sa sinabi niya. Yinakap niya ako at napapikit ako.


Pagkabalik namin sa rest house. Nakita namin sila na nasa living room lahat at kumakain.

"Hindi kami ang maghuhugas--" napatigil ako nung may nag doorbell.

"May bisita ka ba?"tanong ko kay renzo. Umiling siya. Lahat kami napatayo at napalapit sa pintuan. Sumilip kami sa may glass sa tabi ng pintuan.

"Oh my gosh!" Napaurong si Sab.


Napatakip ako sa bibig ko.

"Paano nila nalaman to?" Rinig kong tanong ni Tin. Nakasilip pa rin siya pero mabilis din siyang lumayo doon.

"I don't have any idea" sabi ni Sab na nakaupo na.

"Bakit ba ganyan sila? I mean they are your fiance, boyfriends or what so ever but they don't have the rights.. can't you just hang out or something without butting their selves" Inis na inis na si Ryle. Nakaupo na siya at nakahalukipkip.

Lahat kami nagulat nung pinindot ni Renzo yung pang open ng pintuan.

Napakagat ako sa labi ko nang makita si Luke at Charles na pumasok.

"Lets go" sabi ni charles kay Tin.

"Can't you see? I am having a vacation with my friends" sabi ni Tin kay charles.

"You don't need to have a vacation with them!" napalakas na ang boses ni charles. Kumunot ang noo ko. Are they going to fight in front of us?

"Bakit? nung kasama mo ba yung mga flings mo pinigilan ba kita? No! And here I am just having a peaceful and fun vacation with them, you are here ruining it!" napasigaw na rin si Tin.


Ito ang nakakatakot sa relasyon. Pag kayong dalawa ay may hawak na sa isa't isa. Mahihirapan ka gumalaw. It will be like.. may mga DOs and DON'Ts na.

"You're coming with me, whether you like or not!" napasigaw na si charles.

"Bro.. lets talk about this" piniglan siya ni cedric pero sinuntok siya ni charles. Napatayo ako at pati na rin si Ryle.

"CHARLES!" biglang sinampal naman ni tin si charles.. nakatulala lang kaming lahat.

What the heck?!

"GO!" sumigaw si Tin. 

Biglang umalis si charles. Si luke naman nakatingin kay ryle.

"Oh? Umalis na yung kasama mo." sabi ni ryle. Kita ko ang panlalambot ng mata ni Luke. Hinawakan niya ang kamay ni Ryle. Hindi ako galit kay Luke kahit na naki-trespass siya dito.. 


"Come with me" sabi niya pero biglang may sinabi si ryle na pati ako ay masasaktan kung ako yon.


"Why would I? I don't even know you" napabitaw nalang si luke at siya na mismo ang umalis ng kusa.

Book 2 : Forget The Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon