Chapter 22 . Run Away

11.7K 228 23
                                    

"Everything seems to fall apart again.."


*Ryle POV*

Grabe.. gutom na gutom na ako.. hindi naman sa hindi niya ako pinapakain pero ako talaga ang tumatanggi. Ayokong kainin yung hinahain niya sakin baka ano pang nilagay niya doon.


"Hi Babe!"Here he go again. May ibabaliw pa ba siya?

"I told you that I am not a pig and besides.. bakit mo ba ako dinala sa isang basketball court? Kung itatali mo lang naman ako sa dito nagsasayang ka lang ng oras." sabi ko sakanya at inirapan siya. Nakakairita siyang tignan.

"Hindi naman ako ang nagpadala sayo dito" Natigilan ako sa sinabi niya at muling tinignan siya. Is he making fun of me? Kung hindi siya? Sino pa?

"What?" mahina kong tanong. May iba pa bang may gusto akong masaktan?

"I'm not the one who wants you here, tied up. There is another person who ordered me" sabi niya sakin. Sino naman? Wala naman akong kaaway.


Alam kong hindi siya nag sisinungaling. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Who?" tanong ko pero bago pa siya mag salita.. natigilan na siya dahil bumukas ang pintuan sa court.

Halos mabaliktad ang sikmura ko nung makita ko kung sino.. bakit ganito? Bakit siya? Anong kasalanan ko sakanya?

She smiled sweetly at me.

"Mrs. S-Scott?" nauutal kong binigkas ang pangalan ng ina ng taong mahal na mahal ko..

"Yes my dear.. you're right. It's me" sabi niya sakin. Hindi ko alam kung totoo ba to o panaginip lang pero kung papipiliin ako.. sana panginip nalang to.

Bakit? Bakit siya?

"Kayo po ba ang may kagagawan nito?" tanong ko sakanya.

"Yes darling.. you're right again. You are really smart, sayang lang at magkapatid kayo ng anak ko" sabi niya sakin.. hindi ko na napigilan umiyak.. kapatid? Kapatid ko si Luke?


Wala ng sasakit pa sa mga sinasabi niya sa akin. Para akong sinasaksak ng paulit ulit. I would rather hate Lance.. sana siya nalang ang may pakana ng lahat ng ito.

"Ano po? Kapatid ko si luke?" dahan-dahan kong sinabi.

I don't even want to hear her reply.

"Hmm.. hindi naman sa ganun.. don't worry I'll tell you the whole story" sabi niya sakin. Hindi ko alam pero parang rineady ko na ang sarili ko sa kung anong sasabihin niya.

"Your dad and I are ex lovers.. we are happy, perfect and so in love"

I was shocked. Nagulat ako pero nakita kong may lungkot din sa mata niya.. pero biglang parang umapoy ang mata niya..

"But your mom ruined it all! Your dad broke up we me for that woman! And he married her! Pero bago pa mangyari yun.. nagbunga na ang pagmamahalan namin and it's Luke" sabi niya sakin.. parang hindi ako makahinga.. yung mga information. Tuloytuloy lang na nag loload sa utak ko..

Naiyukom ko ang mga palad ko. Bakit sinisisi niya si mommy? It's not her fault!

"Pero.. ka age ko lang po si Luke so that's impossible" depensa ko sakanya.. nagbabakasakali na nag sisinungaling lang siya but she smiled and stepped closer to me. Pinunasan niya ang luha ko pero patuloy lamang ito sa pagdaloy.

I am so much in pain.

"I'm sorry darling because you got involved but can't you see? You are just adopted.." unti-unti.. na-drain ako.. parang lahat ng alam ko sa sarili ko hindi totoo. Mas malala pa to nung nag ka amnesia ako. I dont know what to do.. sa mga oras na to gusto kong tumakbo papunta ka luke pero paano ko gagawin yun? Ngayon na nasa harapan ko ang katotohanan?

I am adopted? Hindi ako tunay na Harris? Sino ako? Sinong mga magulang ko? Bakit ako in-adopt? Hindi ba nila ako mahal? Damn this.

"Alam po ba ni luke to?" I hope not..

"My poor child.. concern ka parin sa anak ko but I'm sorry again because yes he knows it and he is the one who gave this idea.. na bawiin ang dad niya by getting close to you"


'ENOUGH!' gusto kong sabihin yan pero walang gustong lumabas sa bibig ko. Nagbagsakan ang mga luha ko. Ramdam na ramdam ko kung paano masira ang puso ko. I want to say something pero nangingig ako. 

"Wag ka ng umiyak.. papunta na ang daddy mo dito, makakalaya ka na pero sa amin na siya. Mag hihiwalay na sila ng mom mo.." nung sinabi niya yun.. naisip ko si mommy.. siguradong umiiyak yun ngayon.

This woman is crazy. Tingin niya ganon lang kadali 'yon? Ipakukulong ko siya! How dare she!

"Masaya ba kayo na nakasira kayo ng pamilya?" tanong ko sakanya pero walang ni isang kunsyensya ang nakita ko.

"No.. because his mine from the very start" sabi niya sakin at umalis na.. hindi ko namalayan na ako nalang ang magisa dito..


Narinig ko nalang na bumukas ang pintuan at nandoon ang mga kaibigan ko. Unang lumapit sakin si Luke. Gusto gusto ko siyang yakapin pero mas nanaig ang galit ko. Nung naalalis na nila yung tali ko.

Mabilis ko siyang linapitan at sinampal. Lahat sila nagulat pero si luke.. parang guilty talaga siya.. yumuko nalang siya. Kaya lalo akong napaiyak, I was sobbing and praying to stop the pain. Humarap ako sakanila at umiwas sila ng tingin.

"Saan si dad?" tanong ko sakanila.

I hope.. hindi siya sumama.

"May aasikasuhin lang daw siya" sabi ni sab at linapitan nila ako at yinakap. Looks like binalikan na niya talaga ang totoo niyang pamilya. That's it.. pumili na siya.

"Let's go and by the way luke.. don't you dare follow" sabi ko sakanya ng hindi tumitingin.

"I'm sorry" sabi niya pero tumawa lang ako.. yung mga kaibigan niya linapitan siya.

"Sorry? Bullshit" saad ko ng hindi man lang siya tinitignan. 

Nauna akong lumabas at sumunod sila sa akin.

"Saan tayo? Sa hospital muna ba? Sa pulis?" tanong ni ailee. Umiling ako..

"Sa bahay tayo.. kay mommy." sabi ko at hindi ako mapakali.. kahit ako ang pinaka naloko dito.. siya parin ang pinaka nasaktan. Nagulat ako nung hindi magtanong ang mga bestfriend ko tungkol sa nangyari.. they know me to well.


Pagkarating ko sa bahay.. tumakbo kami lahat sa kwarto nila mommy at pagkabukas ko ng pintuan.. napatakip ako ng bibig ko. Pati ang mga kaibigan ko naiyak narin.. si mommy nakaupo sa sahig.. umiiyak habang ang mga basag na vases at ibang gamit dun nakakalat. Tumakbo ako sakanya at yinakap siya, yinakap rin niya ako.

"I'm sorry for lying to you baby but you're my daughter.. no one can ever change that." sabi niya sakin habang umiiyak. I can feel her pain. I can feel it.. tumango naman ako.

"Of course mom. I know. I love you.." sabi ko sakanya.. Kumalas na siya sa yakap namin at pinunasan ang luha ko. Ngayon ko lang nakitang vulnerable si mommy. Lagi kasi siyang compose at perfect.

"Ryle, wag na natin 'to palakihin. Exposing this to the police and in public will make everything worst. This is between us. Wala naman kayong kasalanan.. your dad chose already and because I love him so much, I am willing to let him go because that's how love supposed to be. So you need to do the same. Anak.. can we just run away?"

Napahikbi ako lalo at yinakap ko siya ng mahigpit. How can she be this forgiving. I understand her love for dad. Hindi si dad ang kawalan dito, si dad ang nawalan dahil pinakawalan niya kami.


"Of course mom.. let's run away"

Book 2 : Forget The Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon