Pag-asa

14 0 0
                                    



Isinulat ni Kathaim GM Austero

#WishIMay Tanging hiling ko naman ay ang kasiyahan ng ibang tao.

Anim na taon. Ang tgal na rin mula nang mangyari ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga pangyayaring iyon. Naalala ko pa ang bawat anggulo. Ang mga salitang binitawan niya sa akin bago siya lumisan.

"Ren, tulala ka na naman. Ano na naman ba ang iniisip mo?" tanong sa akin ni Lea, ang girlfriend ko.

"Wala naman. Ikaw, bakit ka nga pala nandito? Hindi ka ba papasok sa opisina ngayon?" tanong ko. Pero mukhang hindi siya papasok dahil hindi siya naka-formal attire.

"Gusto mo bang lumabas muna para naman kahit papaano ay malibang ka kahit. Ilang linggo ka na rin kasing ngkukulong dito sa bahay mo,"

"Sige." Tanging naisagot ko saka tumungo sa kwarto para makapagpalit ng damit.

Ilang linggo na nga ba ako nagkukulong dito sa bahay? Mula nang mangyari ang insedenteng iyon, halos wala na akong ganang lumabas man lang ng bahay. Pakiramdam ko, kapag lumabas ako ng bahay ay baka maulit ang nangyari sa akin, sa amin ng pamilya ko.

"Tara na? Para naman marami tayong magawa ngayong araw" Tanong naman nito pagkababa ko at tanging pagtango na lamang ang naisagot ko sa kaniya.

Si Lea na lang ang nakasama ko magmula nang mamatay ang buong pamilya ko sa isang car accident anim na taon na ang nakalilipas. Ang mas masaklap pa, nawala sila sa mismong araw ng Pasko.

"Robert," pagtawag ni Mama kay Papa. Kami naman ay abala sa paghaharutan ng mga kapatid ko sa likod nila.

"O, bakit? May problema ka ba?" tanong naman ni Papa na may halong pag-aalala. Napakaswerte ko sa mga magulang ko dahil bukod sa sobra silang mabait sa amin, mapagkalinga rin sila sa ibang tao. Nagtayo sila ng isang organisasyon na tumutulong sa mga taong may mga pangangailangan.

"Hmm....naisip ko lang kasi kung pwede tayong pumunta ng bahay-ampunan bukas para naman mabisit natin ang mga bata doon. Alam mo na, baka nalulungkot sila ngayong Pasko," rinig kong sabi ni Mama. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan.

"Sige ba. Mga anak, gusto niyo rin bang sumama?" tanong naman ni Papa sa amn. Walang pag-aalinlangang tumango kami bilang sagot. Gusto naming sumasama sa mga lakad nina Mama at Papa. Masaya rin kasing makita na nakakapagpasaya kami ng ibang tao. Minsan kasi, hindi kami magawang isama nina Mama kasi masyadong malayo ang pinupunthan nila.

Nasasabik na kaming pumunta sa sinabing bahay-ampunan ni Mama. Malayo-layo rin daw ang biyahe kaya kailangan naming magbaon ng kaunting pagkain at damit. "Kids, dalian niyong kumilos d'yan. Baka gabihin na tayo ng dating doon sa sobrang tagal ninyong kumilos," saad naman ni Papa na halatang naiinip na.

Dali-dali naman kaming bumaba ng mga kapatid ko habang bitbit ang mga malalaking back-pack. Animo'y pupunta lang sa isang camping kasi halos pumutok na ang bagahe.

"'Yung totoo? Saan talaga ang punta natin?" tanong naman ni Mama sa amin na nakapamewang pa.

"Sa bahay-ampunan po. Ano po bang klaseng tanong 'yan. Kayo po ang nag-aya sa amin tapos ganiyan kayo makatanong," sagot naman ni Jane, bunso naming kapatid at minsa'y pang-outer space ang utak sa sobrang layo ng iniisip.

"Hahaha. Nakakatawa ka talagang bata ka. Tara na nga't baka bumagsak na ang ulan. Mahirap na at matarik ang daanan papunta doon," sabi ni Papa at isa-isa naman naming inilagay ang mga bagahe namin sa likod ng kotse. Ramdam ko ang pananabik nila kasi ang lalapad ng mga ngiti nila habang ako ay kabado sa hindi malamang dahilan. Marahil ay magkahalong pananabik din tulad nila.

KATHAIM's Christmas Special (OS Writing Contest)Where stories live. Discover now