Wala na Siya

5 0 0
                                    

ni Kathaim Marie Sandoval

Hindi naman ako ganoon. Ganoong klase ng babae na magwawala sa harapan ng ibang tao, na isasawalang bahala ang lahat para makamit ang gusto, at ang pagpapalit ng mga bagay na nararapat para lang makamtan ang mga bagay na ninanais ng puso. Oo, alam kong magulo ako, ngunit ano pa bang magagawa ko kung hanggang dito na lang talaga. Kung tinanggap ko na ang hangganan ko, na ang pag-usad ay hindi na kasama sa pagpipiliin ko at kahit anong pilit ko wala na talagang magagawa ang isang tulad ko.

Itinigil mo ang oras, sabay ang pagluhang parang gripo na hindi ko na mapigilan, marahan ang pagbigkas mo sa mga salitang pumukaw sa'kin. Sa mga salitang nagbigay ng bagong pag-asa na 'di ko man lang maramdaman ngayon.

Ano bang problema ko? Nakakainis pagkat akala ko'y nariyan na ang pag-asang matatanggap nila ako, ngunit nagkamali ako.
"ANO BANG NAKUKUHA MO D'YAN!" Pag-asa? Napaismid na lang ako dahil sa pag-asang mawala sa mundong kinahihiligan ko ang ikinikintal mo sa akin. Mga hikbing pilit kong winawaksi ang madaratnan mo. 'Yan ba? Iyan nga ba ang tangi mong hiling?
Kung Iyan nga ay alay ko na sa'yo ang magulo at madramang akdang ayokong mabasa mo.

Unang gabi ay nagbigay ka sa akin ng pluma. Plumang panulat ngunit walang tinta. Pinagtiyagaan ko ito kahit makailang taktak na ako ay ayaw pa ring sumulat. Nakakagulat kasi na sinubukan mo akong suportahan o mas mainam sabihing sinusubukan mo talaga ako.

Ikalawang gabi nama'y binigyan mo ako ng papel na itim. Dalawang papel na itim, 'di ba't sinabi mo pang "Sige, kapag nakita ko ng malinaw ang mga letra sa papel na ito ay babasahin ko ng mariin ang akda mo."

Kasabay ang pagtawa mo at ang mapanuya mong pananalita.
Naghalakhakan pa nga kayo ng mga kaibigan mo 'di ba?
Ikatlong gabi ay pinunit mo ng paulit ulit ang mga naisulat ko sa itim na papel na ibinigay. Halos madurog ang puso ko sa 'yong ginawa. Hindi mo ba alam na ang inspirasyon ko doon ay ikaw. Ang klase ng pagmamahal na ipinakita mo sa akin noon? 'Yong ipinadama mong hindi matutumbasan ninoman. Na dahilan ng paghanga ko sa'yo mula noon hanggang ngayon. Tatlong beses mong ipinaduldulan sa akin na wala akong mararating na hanggang dito na lang ako, na kahit kailan at kahit gaano pa ako magsumikap ay walang mabuting maidudulot ito sa akin.

"Tanga. Hangal. Walang utak."

Ikaapat na gabi akala ko ay tapos na ngunit marami pa pala, sa sobrang dami ay 'di ko alam kung saan ako magsisimula. Utos dito, utos di'yan at walang hanggang pagsabi nang gawin mo'to; GANITO! Apat na tumataginting na kusing ang kapalit. Nagpagal ako, naghirap at halos walang makuha kapalit. Kahit kaunting respeto lang. Kahit 'yon lang.
Ikalimang gabi. Tahimik ka na, wala kang imik, hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o mas matakot. Nang gabing 'yon, kaya pala.

Napailing na lang ako dahil maging sa mga magulang natin ay nasabi mo na rin pala at di ka nakontento 'pagkat isiniwalat mo pa. Hindi mo lang alam kung ano ang ibinigay mo sa aking sakit, Sakit na nanunuot hanggang sa buto ko, humihiwa sa laman ko, pumipiga sa puso ko, naging sanhi ng sakit ng ulo at ng pagkabingi 'pagkat ayoko ng masaktan pa. Ngunit pa'no? Nagsisimula pa lang ang kalbaryo ko.

Ikaanim na araw, akala ko'y pagod ka na sa panunuya ngunit sinalubong mo ko nang umaga na may dalang anim na lapis. Alam kong mahilig kang gumuhit at sa estado ng mga lapis na bigay mo ay 'di ko na maisip kung makakaya pa nitong gumuhit. Sa Pagsulat 'di ko rin alam kung makakalimbak pa ito ng mga letra upang makagawa ng mga salita.

Napatulala na lang ako. Ano ba talaga ang gusto mo? Alam ko naming ayaw mo sa mga ginagawa ko, ngunit kahit minsan ba ay sinubukan mong basahin ito? Na kahit sa isang saglit ay sumagi bas a isip mo na sumilip sa akda ng kapatid mo? Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang galit mo. Lapis, alam mo ang kahulugan ng lapis sa ating dalawa ngunit kung ito'y pudpod na maging ang pambura ay wala may magagwa pa rin ba ito?

"Sige nga gamitin mo 'yan, Sige nga!" Napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan. Hindi ko alam kong ano ba talaga ang nais mo na maging sa harap ng nanay at tatay ay nagawa mo pa rin akong pagsabihan ng ganyan.

Ikawalong araw ng unti unti na akong nawawalan ng pag-asa. Narinig ko ang halakhak niyo. Nang ating pamilya, kung sakaling kasama pa nga ba ako sa samahang unang nag-aruga sa akin. Sobra na kasi, maging ako na mismo ang lumalayo para wala na tayong away. Sa totoo lang, unti na lang din ang mga ugat na nabubuhay upang ipagpatuloy ko ito.

Walo, walong litrato ang bumungad sa'yo ng buksan mo ang pinto ko. 'yan na sana ang regalo ko sa'yo ngayong pasko. Gayong 'yan naman ang pinagduduldulan mo sa akin hindi ba? Tanga. Hangal. Walang Kwenta. Wala kang mararating. Tigilan mo na 'yan. At ang dalawang itim na papel na ibinigay mo noon. Na pilit kong pinagtagpo tagpo muli.

Nakasabit rin sa dingding ang pluma na walang tinta noon. Nakakita ako ng tinta na kapareha noon kaya't kahit 'di ako marunong ay nilagyan ko 'yon. Maraming naging mantsa ang damit ko, maging ang kamay at daliri ay napuno na rin ng itim na tinta. Tila ba'y unti unti na rin nitong nababahidan ang noong malinis kong mga palad. Nagulat ka noon, dahil hindi moa lam ang epekto ng mga salitang tumarak sa akin sa mga nakaraang gabing paulit ulit mong ipinamukhang wala na akong magagawa kung hindi tagapin ang aking dusa. Siguro nga ay tama ka.

Pasiyam. Pasiyam na, mataimtim kang nananalangin. Waring nais marinig ang mga hinaing. Ngunit wala na. Wala na akong marinig kahit isang salita mula sa'yo. Wala na, wala na ang mga ngiti ng batang nakilala mo noon, wala na ang malambing na dalagang kahit ilang beses mong itaboy at pagsabihan ay babalik at babalik pa rin. Wala na siya, 'pagkat hindi mo narinig ang tinig niya. Ang tinig na nais lamang sambitin ang mga salitang ikaw lang ang mas nakakaalam. Sanggang dikit kayo noon, sinosuportahan mo siya at gayon din siya sa'yo ngunit bigla na lang itong naglaho ng piliin niya ang isang bagay na hindi ayon sa kagustuhan mo.

Pinilit mo siyang iwaksi ang bagong bagay na ito. Ang bagay na hindi ka sanay na ginagawa niya at pinili mong lumayo kasabay ng paglayo ng pangarap niya. Ipinaniwala mo ang sarili mong ikaw lang mas nakakaalam ng mas mabuti sa kanya. Kinontrol mo siya.

Sampong Pisi ang ihinabi mo sa katawan niya. Alinsunod dito ang mga bagay na ayaw niya. Mahal mo siya? Ngunit bakit nagkaganoon siya. Pamilya muna, 'yan ang sabi mo ngunit hindi mo rin magawa kapag andiyan na sila. Ikalawa ay ang pangarap mo na maging maayos siya. Ang paghahangad na magkaroon ng maayos na buhay. Ang kinabukasan niyong dalawa. Ang mga lugar na nais mapuntahan kasama siya. Ang mga pagkaing nais matikman kahit minsan lang. Ang mga taong nais makilala kahit hindi mo siya kasama. Ano ba talaga? Mahal mo siya? Ngunit bakit sa simpleng bagay na ito ay hindi mo siya kayang intindihin? Mahal ka niya, mahalaga ang opinion mo nang sobra na kait ikamatay niya ay kaya niyang sundin ng walang alintana.

Ikalabing isang araw na, pansin ang iyong pagkabalisa. Ang mga mata mong malamlam na tila nais ng pumikit ngunit nananatiling nakamulat sa pag-asang makita mong muli ang batang 'yon. Ngunit wala na, huli na ang lahat, sobra na ang sakit na natamo niya. Kung baga'y sa pagkakasakal ay tuluyan nang nalagutan ng hiniga ang dalaga. Labing isang liham ang iniwan niya, ngunit ni isa ay hindi mo matagpuan. Na sa sandaling sinusubukan mong pumasok sa kwarto niyang puros kalat at papel ay hindi mo man lang madungawan ang mga akdang sinulat niya.

Nakakahibang at nakakabaliw, kung bakit ba naman kasi pinaabot mo pa sa ganito ang mga pangyayari. Kailangan ba talagang mawala bago mo malaman ang kanyang halaga. Nakakasulasok. Unti-unti ka na bang kinakain ng konsensya mo? Hindi ka halos makatulog at ayaw mo na ring galawin ang pagkain mo. Anong nangyari sa'yo? Sa inyong dalawa?

Sumapit ang pasko at wala pa ring imik ang sino man sa inyo. Pumatak na ang orasan sa Alasdose, at ang malamig lang na simoy na hangin ang dumampi sa inyong mga balat. Napapitlag ka nang makita mo siya, na kahit ilang araw pa lang ang nakalipas ay lubos na ang pangungulilang nadama.

"Ate! Ate! Ate!" Lumapit siya sa'yo at iginiya ang mga kamay sanhi ng pagsagi ng mga balat niyo. Mainit pa rin siya kagaya ng dati parang araw sa gitna ng gabi. Ngumiti siya ng pagkatamis tamis at napaluha ka na lang ng makita ang mga ngiting pinawi mo sa kanya. Mga ngiting ikaw ang sanhi mula noon magpa sa hanggang ngayon.
Ikaw ang kaniyang inspirasyon.

Ngunit nawala iyon, nawala siya at hindi mo na siya maibabalik pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KATHAIM's Christmas Special (OS Writing Contest)Where stories live. Discover now