Biyaya'y Pasalamatan

4 0 0
                                    


Isinulat Ni Kathaim Micaela Marie Castro (iamems21)
Opening Line: #WishIMay

PAYAK lang ang aming pamilya. Masaya na kami kapag may fruit salad sa anumang okasyon; masaya na kami kapag may hamon o keso de bola sa hapag tuwing Pasko; at masaya na kami kapag may panghimagas pagkatapos ng hapunan... na bihirang-bihira namang mangyari.

Oo, mahirap lang kami. Hindi naman ako bulag para malaman ang estado namin sa buhay. Ngunit, hindi ito hadlang para makita ko ang iba pang magagandang bagay. Hindi rin ito hadlang para maging masaya ako.

Pero, minsan naitatanong ko rin sa sarili ko: kung hindi kaya kami salat sa yaman... ano kayang buhay namin ngayon?

"Ella, maghugas ka na ng pinggan!" sigaw sa akin ni Mama mula sa banyo. Kasalukuyan siyang naglalaba habang ako ay nasa sala at namamahinga.

"Opo, 'Ma!" balik kong sigaw sa kaniya habang naglalakad na papunta sa kusina.

Dalawang araw na lang bago ang Pasko, at hindi pa namin sigurado kung anong ihahanda namin; hindi pa namin sigurado kung masarap ba ang ihahanda namin. Ngunit, hindi naman handa ang mahalaga sa darating na Pasko, ang mahalaga ay sama-sama kaming magdiriwang ng aking pamilya-- malusog, at walang sakit.

"O, 'Pa," bati ko kay Papa habang mabagal siyang lumalakad papasok sa kusina. Medyo iika-ika pa rin kasi siya buhat ng pagkakaparalisa ng kaliwang bahagi ng kaniyang katawan noong nakaraang apat na taon. Buhat ito ng pagkaka-stroke niya.

Nagpunas ako ng kamay matapos maghugas ng pinggan.

"Ella, ikuha mo nga ako ng tubig," utos sa akin ni Papa habang marahan siyang umuupo sa upuan. Agad ko naman siyang sinunod.

"Salamat." Ngumiti lang ako kay Papa bago lumabas ng kusina.

Bigla ko tuloy naalala ang nangyari noong na-stroke si Papa. Palaging bumabalik sa isip ko ang alaalang iyon sa tuwing nakikita ko si Papa na nahihirapang maglakad habang may hawak na tungkod. Napapaluha na lang ako...

Noong na-stroke siya ay dalawang araw na lang bago ang kaarawan ko. Talagang lungkot na lungkot ako noon dahil imbis na magdiwang ay lugmok kaming lahat na nasa ospital. Nagulat din ako sa sinabi noon ng doktor na kung pumikit si Papa at nakatulog noong isinugod siya sa ospital ay baka naka-comatose na siya.Hindi ko maaatim na tignan si Papa na comatose, ayaw ko! Lumaban talaga si Papa para sa amin. Pero, ang hirap pa rin niyang tignan noon na na nakaratay lamang sa kama ng ospital. Mabuti na lang at naka-recover siya kahit papaano. Mabuti na lang din at may mga mabubuting-loob na tumulong sa amin, dahil talagang walang-wala kami noon.

"Malapit na akong gumaling!" rinig ko pang sigaw ni Papa habang naglalakad ako. Tila punong-puno ng determinasyon ang pagkakasabi niya. Natawa na lang ako sa fighting spirit ni Papa. Palaging ganiyan ang sinasabi niyan.

Pero, minsan, nalulungkot at naaawa rin ako kay Papa kasi nakailang sabi na siya ng mga katagang 'yun, pero sa loob ng apat na taon ay halos wala namang nagbabago. Isang beses, napa-check-up siya ni Mama, at ang sabi ng doktor ay kailangan daw ng regular therapy sa kaliwang paa niya para maibalik ang kaniyang paglalakad sa normal. Awang-awa ako nu'n kay Mama dahil alam niyang hindi naman namin kaya ang ganu'ng mga uri ng paggagamot. Hindi naman namin mahingian ng tulong ang mga nakatatandang kapatid ko dahil may mga kani-kaniya na silang pamilyang tinutustusan. At lalo naming hindi ko kayang makatulong dahil nag-aaral pa lang ako sa kolehiyo.

Wala na lang kaming magawa ni Mama kundi humiling sa Diyos ng himala: himala na sana, kahit walang therapy ay gumaling na si Papa, kahit pa mahirap na at halos mukhang imposible. Pero hindi ako mawawalan ng pag-asa, alam kong walang imposible sa Diyos.

KATHAIM's Christmas Special (OS Writing Contest)Where stories live. Discover now