Your Wish is My Command

5 0 0
                                    


Isinulat Ni Kathaim Christine Joy Villanueva (IcjaeInfinity)

Opening line: #WishIMay

"'WAG mong isipin 'yun mahal ka 'nun!"
Napalingon ako ng marinig ang isang pamilyar na boses. Isang tipid na ngiti lang ang naitugon ko sa binatang nakatayo sa likuran ko.
"Anong oras na?" tanong nito.
Tumingin ako sa cellphone na dala ko, "Ala-una na."
"Your wish is my command."
"Ha?" Hindi ko naintindihan ang sinabi n'ya dahil masyado itong mahina.
"Wala."sagot nito. "Simula nang dumating ako, hindi pa kita nakikitang ngumiti."
"Nakangiti naman ako a, para kang ewan", sagot ko sa naging pagpuna nito.
Umupo ito sa tabi ko bago nagsalita,"Hindi man ako kasing talino mo, alam ko naman ang pinagkaiba ng ngiting masaya, sa ngiting pilit lang."
"Matalino? Ako? May matatalino bang na-di-dismissed sa school na pinapasukan n'ya?", hindi maipagkakaila ang pait sa bawat salitang binitawan ko.
Alam ko at ramdam ko na nakatingin s'ya sa akin ngayon. Alam ko rin na nararamdaman n'ya ang bigat na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi n'ya ako masisisi, edukasyon na lang ang tanging bagay na maipagmamalaki ko. Hindi ako maganda kagaya ng iba, at hindi ako talentado kagaya ng iba. Pero pati ang edukasyon iyon, nawala pa.
"May babasahin ako ha? Makinig ka."
Napatingin ako sa kanya ng maramdaman ko ang paggalaw n'ya. Lumipat s'ya sa bandang unahan ko at doon naupo. Hawak n'ya ang isang piraso ng papel na sa hindi ko malamang dahilan ay pamilyar sa akin.
"December 31, 2013, 09:16pm
I wrote this letter kasi na-tripan naming magpipinsan. Lahat ng bagay na gusto naming talikuran at lahat ng bagay na gusto naming makuha ngayong darating na taon, isulat daw naming at saka namin ibigay sa isang taong pinagkakatiwalaan namin.
San ba ako mag-uumpisa? Hmmm... unahin ko siguro ang mga bagay na gusto ko.
Una, gusto kong maging kagaya ni Kuya Hope. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan n'ya, kasi kahit ang dami nilang pinagdadaan ng pamilya n'ya, punong-puno pa rin s'ya ng pag-asa. Para bang hindi s'ya napapagod ngumiti. Sa araw-araw na pagkikita namin lagi lang s'yang nakangiti. Kaya gusto ko ring maging positive thinker kagaya ni Kuya.
Pangalawa, gusto kong ... makita ang halaga ko bilang isang tao. Hahahaha! Nakakatawang isipin pero, pakiramdam ko talaga worthless akong tao. Useless. Alam mo 'yun? Naiingit kasi ako sa ibang tao, may iba na kayang kumanta, sumayaw, mag-drawing, umarte at mag-excel sa klase. Ako kasi hindi e. Kaya kong gawin lahat 'yan, pero hindi ako nag-e-excel. Tsaka natatakot ako na baka akala ko lang kaya ko, paano kung hindi pala? Edi napahiya pa ako sa ibang tao.
Pangatlo, gusto kong mahanap ang truelove ko. Hohohoho, alam kong bata pa ako, pero malay natin di'ba? Malay mo s'ya na pala ang makapagpapasaya sa akin.
Masarap sa pakiramdam 'yun di'ba? 'Yung may taong magtatanggol sa'yo. 'Yung may taong magpapatahan sayo kapag umiiyak ka. 'Yung may taong magpapalakas ng loob mo kapag down na down ka na. 'Yung may taong magpapasaya ng araw mo at bubuo nito. Atsaka 'yung taong maaasahan mo, sa oras na kalian mo. "Yung taong mag-aalaga sayo. 'Yung may mag-aalala sayo at 'yung magagalit kapag hindi ka kumakain ng tama. Ahahaha, sa dami ba naman ng mga romance stories na nabasa at napanuod ko, ayan tuloy ang resulta.
At ang mga bagay na gusto ko nang talikuran... Ayoko ng maging duwag. Ayoko ng maging mahiyain. At ayoko ng maging iyakin.
Malaki na ako pero ang ugali ko para pa rin akong isang batang paslit.
'Yun lang naman ang gusto ko.
At ibibigay ko ito kay ..."
"Naitago mo pala 'yan?" tanong ko dito nang bigla itong tumigil sa pagbabasa.
"Oo naman, yes! Baka sakalin mo ako 'pag naiwala ko ito," natatawang sagot nito.
"Hindi naman ako ganun kasama."
Ngumiti ito at may kung anong kinuha sa likod n'ya, at saka iniabot sa akin.
"Aanhin ko ito?" takang tanong ko habang hawak ang isang asul na papel at asul na ballpen.
"Kagaya ng dati. Gusto kong isulat mo d'yan ang mga hiling mo ngayon Pasko."
Bahagya pa akong napaisip, pero mukhang wala akong magagawa dahil ngiting-ngiti itong kasama ko. Nagkibit-balikat na lamang ako, bago inumpisahan ang pagsusulat.
Lumipas ang ilang minuto at mabilis din naman akong natapos.
Nang iaabot ko na sa kanya ang sulat, pinigilan n'ya ako. "Gusto ko ikaw ang magtago n'yan. At mamaya pagsapit ng alas-dose ng gabi basahin mo ulit."
"Bakit?"
"Gawin mo na lang okay? Trust me."
Tumango na lang ito bago itinago ang sulat sa bulsa ng pantalon ko.
"Affected ka talaga sa pagka-dismissed mo ano?" Natigilan akong bigla sa itinanong n'ya.
Hindi ako manhid, at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata ng lalaking kasama ko.
"Syempre, ang hirap kaya makapasa sa entrance exam nila. Limang oras kang ngalay sa pagkakatungo mo habang nag-eexam. Tapos nung nakapasa ka, pipila ka naman ng mahaba bago ka maka-enroll. At isa pa, bata pa lang pangarap ko nang makapasok dun e. Tapos dahil lang sa pagiging duwag ko, nawala lahat. Pati 'yung hirap ng mga magulang ko para lang mapag-aral ako dun e, nawala. Wala akong kwenta, wala akong kwentang tao. Wala akong kwentang anak."
Naramdam ko ang pagdampi ng malambot na kamay ng pinsan ko sa pisngi ko.
"Hindi mo kasalanang magkasakit. Kagaya ng sinabi walang nag-inform sa inyo na 'No Dropping Policy' pala sila during summer. "
"Pero kasalanan ko dahil naging mahina ako at nagpadala ako sa sakit ko. At na wala akong alam sa mga rules nila."
"Hindi naman yata pwedeng pumasok ka habang alam mo na dumarating ang oras na hindi ka makahinga."
"Hindi lang naman 'yun. Dapat natuto din akong magsalita 'nung mga oras na 'yun. Baka sakali di'ba? Naintindihan ako ng professor ko sa tatlong linggong pagkawala ko sa klase n'ya. Nakakatawa kasi kung iisipin napakababaw lang ng problema ko, pero bakit ganun? Ang sakit. Parang dumagdag 'yun dun sa paniniwala ko na masama akong anak, na hindi ko kayang patunayan na karapat-dapat akong maging isang anak."
Unti-unti, naramdaman ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.
"Bumabalik lahat, araw-araw. Gusto kong bumawi sa mga magulang ko. Sa lahat ng pagkakamali at pagkakasala ko sa kanila. At 'yun lang naman ang alam kong paraan, ang makatapos ako ng pag-aaral ng may karangalan para maipagmalaki nila ako. Ayokong marinig ulit na, hindi ... hindi ginusto ng mga magulang ko na ako ang maging anak nila. Ayokong marinig na walang-hiya akong anak, at walang kwenta. At ayokong makita ulit na lumuha ang aking ina pati na ang aking ama ng dahil sa mga pagkukulang ko bilang isang anak. Ayoko. Ayokong magsisi sila na ako ang naging anak nila. Ayokong nang maulit 'yun. Ayoko na, pakiusap. Pero wala akong magagawa ngayon. Basura talaga ako. Walang kwenta."
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang tila walang katapusan sa pag-agos mula sa mga mata ko. Hanggang sa naramdaman ko, ang mga bisig ng taong kanina pang nakikinig sa akin.
"Mabuti naman at naisipan mo nang maglabas ng sama ng loob kahit papaano. Masaya ako kasi pinagkatiwalaan mo ako. Sige lang, iiyak mo lang lahat 'yan. Kung 'di ka iiyak ngayon, kelan pa di'ba? Nandito lang ako. Magiging maayos din ang lahat. Lakasan mo lang ang loob mo at tandaan mo na sa bawat laban mo hindi ka nag-iisa."
Hindi ko maiwasan mapangiti sa kabila ng mga luhang patuloy na kumakawala sa mga mata ko. Masuwerte pa rin ako dahil kapamilya ko siya.
"Your wish is my command."
"Ha?" nagtaka naman ako sa huling sinabi n'ya, "Your wish is my command."

KATHAIM's Christmas Special (OS Writing Contest)Where stories live. Discover now