MI I.

79 11 2
                                    

J A R E D

"And the over-all champion for this year's High School Intramurals who got a total of 238 points is,"

Napuno ng nakakarinding sigawan ang function hall. Metamorphically speaking ay parang magigiba na ito. Kamuntikan na nga akong magpasak ng earphones pero pinigilan ko kasi alam kong magmumukha lang akong tanga. Maririnig ko lang rin naman kasi.

"SOPHOMORES!"

"JUNIORS!"

Dalawang year level nalang ang natitira, sophomores and kaming mga Juniors. Third runner-up ang first year at nag second runner up lang ang seniors. Astig, di pinagbigyan yung mga graduating!

"THE JUNIORS! Congratulations!" Pinaghalong 'woohh' at 'booo' ang namayani sa buong hall. Sigawan na naman, nakakabanas.

But ofcourse I can't deny the fact that I'm also glad because of the success of our year level. Sulit pagod!

Nagsitakbuhan papuntang stage yung mga ka-batch ko habang sumisigaw, sumasayaw, at naglulupasay. As usual, picture taking. Well I can't blame them because we really strived hard for this.

Napailing nalang ako habang nilalabas ang cellphone sa bulsa. Makapaglaro na nga lang ng Dumb Ways. Bahala sila dun.

My momentum was interrupted when the fluorescent lights turned off and disco lights took over the dance floor. Hudyat ito na magsisimula na ang Victory Ball. A loud tune of a popular dance craze began playing that made the crowd go wild again. Halos lahat nagsipuntahan na sa gitna.

"Okay guys!" The emcee shouted. "May I request sa mga natitirang nakaupo dyan sa gilid to please stand up and join in the fun! Don't be such a KJ mga bakla!"

Nung meron pa ring nakaupo, di na nakapagtiis yung bakla. "Kung hindi kayo pupunta sa gitna, ipapahiya ko kayo!"

I mentally cursed as I stood up and walked towards the wild animals, my poker face evident.

Nakakatakot naman kasi talagang mamahiya yung si Mico/Mica, ang Student Council PIO. Ayoko pang masira ang reputasyon ko dito.

"Oh ayan! Edi masaya diba? Everybody happy!" Ha-ha. "So dahil lahat na nandyan, pumili ng partner, opposite gender! GO!"

Napangiwi ang ilan at napilitan nalang maghanap ng malapit na lalaki o babae. Oo, ganun kinakatakutan dito yun. May lumapit sa aking babae at syempre may magagawa pa ba ako?

"Yan very gooood! Ngayon, magpplay ako ng random songs and I want you to dance with your partner. Pag napalitan yung kanta, magpalit din kayo ng partner. Dapat karaka-raka! Kahit sino lang na malapit sa inyo, gora na kayo at hilahin nyo na agad ang bangs!"

May ibang naexcite. May iba ring nabanas. Gaya ko.

"Okay one, two, three, GAME!"

A song played and I have no choice but to wrap my hands around my partner's waist. Ito namang babae, kinikilig.

"A-ako nga pala si Trisha."

"Ah. Jared."

"Oo, a-alam ko."

Nanatili lang kami sa ganoong posisyon habang sumasayaw. I've got this feeling na parang gusto nyang magsimula ng panibagong conversation pero nahihiya na sya. Wala rin naman ako sa mood.

The song changed. The girl was disappointed but a guy asked her so I guess she's fine. May lumapit na naman sa aking babae. Uy kilala ko to, si Genice.

"Yow!" Bati ko sa kanya. Genice is on her second year. Meaning, sophomore.

"Hindi porket natalo nyo kami ay mayo-yow yow mo nalang ako dyan, Kuya Jared. Next year di na namin kayo pagbibigyan," mataray nyang sabi habang nakataas pa ang isang kilay.

"Woah, pumunta ka lang ba sakin para sabihin yan?" Natatawa tawa kong tanong sa kanya.

"Uhm, sort of, di ko lang kasi matanggap. Parang may dayaan atang nangyari," aniya habang nagkikibit-balikat. Nambintang pa! Napailing nalang ako.

"If you say so. Tingnan nalang natin next year."

"Sige ba!"

Wala nang nagsalita samin pagkatapos nun. Close rin naman kami nito, girlfriend kasi sya ng kabarkada ko.

Di nagtagal ay may tumawag kay Genice at di na ko nagtaka nang makitang si Laurence yun. Salubong ang kilay nya habang nakatingin samin.

"Ow. Mukhang nakakaamoy ako ng LQ ah," natatawang sabi ko sa namumutlang babae sa harap ko. She turned to me and arched her brow. Again.

"Ewan ko sayo. Basta yung sinabi ko, sinusumpa ko yun," at bago sya tuluyang mag walk-out, o sabihin na nating manuyo sa nag-aalburotong si Rence, binigyan nya muna ko ng pamatay na irap. Napailing nalang ako at inisip kung paano nakakatagal si Laurence dun sa babaeng yun.

Sinaluduhan ko si Rence at tumango naman sya sakin. Pero nung nakita nyang paparating na si Genice, aba, nagtampu-tampuhan na naman yung ugok.

Aalis na sana ko nang may humawak sa pulsuhan kong isang babae. What's weird tho, is nakamaskara sya. Balak nya bang maging Cinderella II? Mas nagmumukha lang syang kriminal! Pinulupot nya ang kamay nya sa may batok ko kaya nilagay ko nalang rin kamay ko sa bewang nya.

"Hi, what's your name?" Ako man ay nagulat din sa approach ko sa kanya. The hell? Usually babae ang nauunang nakikipag-usap sakin.

At ang mas nakakainis pa, inisnob nya lang ako. Pero di ko alam kung bakit kahit nakakainis dapat yun ay di ko magawang mainis sa kanya. Something's wrong with me! Is this another cliché story girls read?

Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now