MI VI.

39 7 3
                                    

F R A N C H E S K A

"Without you I feel torn like a sail in a storm!"

"Ano ba yan Audrey, ang aga aga pa, papaulanin mo na agad!"

I pouted while putting my hair up into a messy bun.

"Ate naman! Can't you just support me nalang?"

"How can I support you if there's nothing out there to be supportive about?"

Ay, grabe!

"Dinadaan mo na naman ako dyan sa english mo!"

She chuckled a little while giving me my lipgloss na madalas ay tambay lang sa make-up kit ko, make-up kit na hindi ko naman talaga ginagamit. Bigay lang ni ate. And I'm forced to bring it to school.

"Oh maglipgloss ka. Ang pale ng mukha mo."

"And you know what, magpaint ka nalang. Baka sakaling suportahan pa kita," dagdag pa nya.

"Oo na! Ang sama, hadlang ka talaga sa music career ko," but of course I was just kidding. I love painting more than anything else.

Bago ako lumabas ng bahay ay pinasadahan ko pa ang suot ko sa salamin one last time. Plain gray shirt lang at black skinny jeans. Naka sneakers din ako at syempre di mawawala ang choker necklace. Nakapusod ang buhok ko habang may konting strands sa magkabilang gilid na nakalaylay. I smiled as I put on my sunglasses and grabbed my backpack.

"Bye na ate, lalayas na ko! Harsh mo eh."

Napatawa naman sya habang binebeso ako.

"Ingat ka!"

"Ipaalam mo nalang ako kay mama pagbalik nya ha," pahabol ko habang lumalabas ng bahay.

Tiningnan ko muna yung mga ulap kung uulan ba o ano. Hindi sya makulimlim pero hindi rin mainit. Mahangin at maulap sya ngayon. Great! Sumakay na ako sa bike ko at nagpedal papuntang school.

This is what I like about Saturdays. Everything's calm. Hindi nagmamadali. Walang flag ceremony na dapat abutan. Walang rush hour-- well, konti lang. At ang pinakagusto ko, nakakapagbike ako. I get to take the time I need to think about life. Goals, achievements, and failures.

Well sa lagay ko ngayon, obviously mas marami akong naaalalang failures. But it's alright, I still have a lot of time for learning.

Halfway to LU na ako nang may makita akong pamilyar na lalaking naglalakad mag-isa sa sidewalk. Binilisan ko ang pagbike para maabutan sya.

Nakaheadphones.

Matangkad.

Maputi.

"Jared?"

Napalingon sya at tama nga ako, si Jared nga! Parang nagulat naman sya at agad na tinanggal ang headphones nya.

"A-audrey!"

"Papunta kang school?" Binagalan ko na ang pagbike ko para magkasabay kami. Sya naglalakad, ako nakabike.

"Oo eh. Report ng clubs."

"Kaya nga! Ay ano palang club mo?"

"Music," obvious nga kuya. Palagi ka ba namang nakaheadphones. "Ikaw?"

"Visual Arts."

Napatingin sya sakin at nagtanong kung saang field daw ba ako.

"Painting."

He turned to me and a big 'Weh' is written all over his face.

"Talaga?"

"Oo nga! Para namang wala kang tiwala sa talent ko," I even pouted para mas convincing.

"No, no, i-it's not like that," napakamot pa sya sa batok.

I eyed him suspiciously.

"Hindi nga! Gusto ko lang sanang makita ang mga gawa mo."

Agad naman akong napaisip kung aling painting ang ipapakita ko sa kanya. I have so many. My room is full of them. Some are hanging on the wall, yung iba naman nakahilera nalang sa baba kasi wala nang space.

I paint whenever I'm bored. I paint whenever I'm happy. I paint whenever I'm sad. In short, painting is where I express my feelings. It's my own way of meditation. It's my getaway ticket from this world's harsh reality.

"Alin ba ang gusto mong makita?"

He paused, para ata mag-isip ng sasabihin.

"Kahit ano nalang, besides I am totally clueless when it comes to painting."

---

"Riiii!"

I stopped mixing blue and red paint on the pallette nang marinig ko ang boses ni Roe. Nagmamadali syang pumasok sa room na inooccupy ng Visual Arts at mukhang galing pa sa mahaba-habang pagtakbo.

"Quiet," saway ni Ate Rica, ang president ng club.

"Ay sorry Ate, pakausap lang kay Audrey saglit ah," she said in between deep breaths.

Hinihingal din syang kumuha ng upuan sa stock ng monoblock chairs at pabagsak na umupo sa tabi ko.

"Roe, anong ginagawa mo dito? Wala ba kayong report?"

"Wala akong club, Ri. Pero mabilis lang to. Birthday ngayon ng kapatid ko at pauwi na rin ako."

Nahalata ko naman kung gaano sya nagmamadali kaya binilisan ko na rin ang mga sinasabi ko.

"Ah, pakisabi happy birthday ah, at more birthdays to come kamo."

"Salamat, pero pwede bang makuha number mo?"

Maraming nang nakatingin sa amin na kaclub ko. Para kasi kaming nasa rap battle. I'm sure pag naalala ko tong eksenang to mamaya, matatawa talaga ko!

"Huh? Bakit, aanhin mo?"

Medyo natigilan sya, pero agad din namang nakabawi at sumanib na naman si Abra.

"Basta you know, para text text tayo ganyan. Friends naman na tayo eh."

"Ah okay sige wait," at dahil nga nadala ako sa intensity ng moment ay agad agad na akong pumunit ng papel at sinulat dun ang number ko.

"Oh eto," mabilisan ko din sa kanyang inabot.

"Sigurado kang tama to ah?" Chineck ko uli yung numbers para makasiguro at nang sure akong tama talaga, tumango na ako.

"Sige ha, thanks Ri! Alis na ko," nagbeso muna sya sakin (mabilisan parin syempre) at kumaripas na ng takbo palabas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now