MI IV.

35 9 0
                                    


F R A N C H E S K A

"Uhh, Francheska--"

"Audrey."

"Huh?"

"You can call me Audrey nalang. Actually, I am Francheska Audrielle. Ang haba diba? So I insist on calling me Audrey for short," pinakita ko sa kanya yung 33 teeth ko. Ay, 34 ata yun o 35?

"Ahh, I see. That's a very nice name. Ako naman, you can call me Jared."

"Okay! Wait Jared, ilan nga uli yung teeth natin?"

He looked at me weirdly at dun ko lang narealize kung gaano kabobo yung tanong ko. Ano ba naman yan Audrey! Nakakahiya ka talaga! 2nd year ka na tanga ka pa rin? Argh!

Mag-isip ka ng palusot dali!

"B-basta sagutin mo nalang! K-kasi ano, may tricky question ako sayo."

"Okay? Sa pagkakaalam ko we generally have 32 teeth."

"Ahhh," ayun naman pala!

"So?"

"So ano?"

"So, ano na yung tricky question mo?"

"Huh? Ay hala, ano nga ba ulit yun!" Napasapo pa ako sa ulo ko para mas convincing, "Ano, nakalimutan ko na!"

He giggled a little. "Basta alalahanin mo ah."

"Ay oo nga pala Jared! Ano yung sinasabi mo kanina? Ang layo na ng narating natin," pag-iwas ko sa topic. Aba, kailangan noh! Ultimo ngipin nga wala akong alam, makapag-isip pa kaya ng question question na yan! Tricky pa ha!

By the way, naglalakad kami ngayon sa corridor papuntang gate. Tapos na ang free time at uwian na. Hindi kasi nagbubukas yung gate pag di pa time kaya hinintay ko pa at nagpalipas oras nalang dun sa library.

Ito namang si Jared nung nagbell na, makikisabay daw sya! Binalik nya naman yung ID ko so hinayaan ko nalang.

"Ay oo! Audrey, bakit walang nakakakilala sayo dun sa building?"

Patay! Kahihiyan.

"Ay ano kasi, 2nd year high school palang ako! At, ano. Se-second to the last section. Nasa kabilang building kami eh nakahalo sa Maritime Education."

Konti lang kasi ang aspiring seamen sa university namin kaya yung building nila, may mga bakanteng rooms pa. Dun pinatapon yung mga lower sections ng high school. At ano pa nga ba, kasama ako syempre!

"Ahhh, kaya pala."

Napatungo nalang ako at napatakip ng mukha. Francheska Audriella, isa kang malaking kahihiyan!

"Uy, bat nagtakip ka ng mukha?"

"Nakakahiya kasi eh!"

Narinig ko syang tumawa.

"Oh see? Tinatawanan mo ko!"

Nahinto yung pagtawa nya at ramdam ko yung sincerity ng boses nya nang tawagin nya ko.

"Audrey."

Tinanggal ko yung kamay ko sa mukha ko at dahan dahang lumingon sa kanya.

"Listen, okay? I won't judge you. I am not judging you. Hindi yun nakakahiya. Well kung para sa iba oo, akin hindi. Mataas ang standards ng university na to, at ang makapasok lang dito ay malaking bagay na. At isa pa, pito lang naman ang sections kada year diba? So ibig sabihin, sixth section ka. Mataas na yun kumpara ibang schools diba?"

Automatic na gumaan ang aking pakiramdam at tumaas ang self-esteem ko.

"Oo nga noh! Wow, ang bait mo pala Jared! Ang galing! Friends na tayo ah," nilahad ko yung kamay ko sa kanya. "Wait, ikaw ba anong section?"

"Third year na ko, first section."

Agad na namutla yung mukha ko.

Jusko po! Ang talino pala ng batang ito!

Babawiin ko na sana yung kamay ko nang bigla nya tong tinanggap.

"Friends?"

"F-friends!"

Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now