MI V.

39 9 4
                                    

Okay bago ang lahat, thank you thank you thank you sentical for the pak na pak book cover! I super duper love it. Guys, kung gusto nyo rin magrequest, just visit/read her book "Graphically". Promise, mabait sya! Ang galing pa! Thank you uli ate, sorry hindi ko alam kung pano magdedicate eh!

---

F R A N C H E S K A

Cafeteria.

"Hi, can I seat here?"

Napatingala ako sa nagsalita.

One word. Syet.

Ito yung babae sa library! Jusko nakakahiya talaga.

"S-sure."

Ngumiti sya ng bahagya habang nilalapag yung mga pagkain sa mesa at umuupo sa harapan ko.

"Thanks."

Tiningnan ko yung ayos nya. Mestiza sya and she have this black wavy hair na katamtaman lang ang haba. May red highlights din sya sa right side ng buhok nya. Ay, ang cute! Biglang nawala ang kahihiyan ko sa katawan.

"Hello! I am Francheska Audrielle Mendez nga pala. Ang ganda naman ng hair mo," nilahad ko yung kamay ko. Sana naman makipagshake hands sya! Naku teh ha, pag ako pinahiya mo gugupitin ko yang highlight mo!

Tila nagulat sya sa biglaang approach ko. Nilunok muna nya yung nginunguya nya habang pinupunasan ang kamay.

"H-hi! I am Gennica Roe Olea naman. Genice tawag nila sakin. Nice to meet you, Francheska," we shook hands and can I just say na ang dami nyang singsing sa kamay? Hindi kaya sya nangangawit?

"Thanks nga pala," pahabol nya pa.

"Pwede bang Roe nalang itawag ko sayo? Mas feel ko eh."

Matagal-tagal syang napatulala. May nasabi ba ako?

"Genice? Okay lang naman kung ayaw mo," masyado ka atang nagpakafeeling close Audrey!

"Ay hindi! Okay lang! Sure, Ri."

"Ri?"

"Haba ng pangalan mo, mas okay kung one syllable lang. Tsaka ayaw mo yun, Roe and Ri. Oh diba, match."

I laughed at kumagat na uli sa baon kong personalized Monde Mamon frosted with Nutella.

Inalok ko na rin sya since may isa pa, "Gusto mo? Nutella."

"Uh, no thanks. Not a big fan of nutella."

"Really? Sayang naman, ako kasi adik dito eh."

"Oh, more on vegetables kasi ko."

Napatingin ko sa kinakain nya, vegetable salad nga. Napansin nya ata yung tingin ko kaya nagpaliwanag pa sya.

"Diet ako noh!"

"Wow lang ha, sa lagay na yan magdidiet ka pa ba?"

"Ay grabe."

Then we both laughed.

---

"So, nakausap mo na pala si Jared?"

Mapanukso akong tinitingnan ni Roe. Naglalakad na kami ngayon papuntang classroom. Napag-alaman kong same year lang pala kami. Ang pinagkaiba, 1st section sya. Di ko kinaya!

"Uhm, oo?"

Hinampas nya ko sa braso na nakaani ng isang matinding aray galing sakin. Ewan ko ba kung bakit pero nakagaanan ko na ng loob si Roe.

"Ay, OA mo naman Ri," ako pa ha?

"Pero seryoso, anong tingin mo sa kanya?"

"Tingin? Mabait sya."

"Mabait lang?"

"Matangkad."

"Matangkad lang?"

"Teka nga, teka nga," gumilid kami at napalabi ako.

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Na gwapo sya?"

"AYUN!"

Nagulat pa ako sa biglaang pagsigaw nya.

"Ayun, Ri! Yun nga!"

"Hi Genice, A-audrey."

Parehas kaming napatingin sa nagsalita.

Si Jared.

Nakasuot sya ng simpleng school uniform at nakaheadphones. He's smiling a little that causes his dimples to say hi to us.

"Hi Jared," sabay naming pagbati sa kanya. Naramdaman ko ang pagkurot ni Roe sa kamay ko.

"Roe ano ba ang sakit," pasimple kong bulong sa kanya. Para namang wala syang narinig.

Nakita ko kung paano sya humawak sa batok ng sabihing, "Kumain na kayo?"

"Oo na. Kumain na kami dun sa north-wing ng building."

Parehas na kumunot ang noo nila Jared at Roe at sabay na mahinang tumawa.

"Ri, meron lang tayo ditong east and west wing."

"A-ah ganun? Hehe. Akala ko may north," nagpilit nalang ako ng ngiti.

Francheska Audrielle, kailan ka ba hindi mapapahiya ha? Kung magiging pera lang lahat ng pagkakataong pumalpak yang utak mo eh aba, trilyonarya ka na!

"Cute," may binulong si Jared pero di ko naintindihan.

"Ano?"

Napatingin sya sakin na nanlalaki ang mga mata.

"W-wala!"

Naman, baka nilalait na ko nito sa utak nya!

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon