Two : Stupid

4.2K 86 1
                                    


Nasa bench kami malapit sa lake at ikinwento niya sa akin ang mga nangyari sa mga nakalipas na taon. Not bad dahil wala namang masamang nangyari except sa pag-aaway ng ilang campers na dahilan para maghiwalay sila.

"So, are you going to stay? " tanong ni Throy.

"I don't know. " sagot ko.

Hindi ko naman talaga alam dahil wala naman akong mission. At isa pa, kailangan kong bumalik sa underworld bago malaman ni Dad na wala naman pala akong dapat pagkaabalahan dito sa outside world- I mean above world. Yeah, Dad is sort of fvcking strict when it comes to me. I don't know why. Maybe because my Mom is not around, he needs to protect me. But heck, he don't need to. I can handle myself.


"Let me know what had happened to Victoria. "


He looked at me then sighed deeply. "Hindi mo gugustuhin ang maririnig mo. "

"Gusto kong malaman. "


Tumango siya bago nagpasimula. "It was five years ago.We saw her in the attic. With a knife stabbed in her chest. " he started to reminisce. "Her eyes were out in its position. "


"The heck. " I muttered. How did it happened?

"And... Her mouth was sewed. " I saw his hands clenched.


Malaman ko lang kung sino ang gumawa nun. I swear he will pay hell for it. I'll make sure he'll suffer so much pain.


"Alam niyo ba kung sino ang gumawa nun? " tanong ko at umiling si Throy.


"Wala kaming alam. " napailing siya at para bang sinisisi niya ang sarili niya dahil wala siyang nagawa. "Ni wala man lang kaming alam na may nangyari na palang masama kay Victoria. "


Her eyes were out in its position. Her mouth was sewed. Heck. It means, may kinalaman dito ang ability ni Victoria? Pero bakit kailangang tahiin pa ang bibig niya? Para hindi ba makagawa ng ingay? Oh shit. Shit. Kung kinuha man ang mga mata niya- fvck! Hindi pwede. Hindi pwedeng matransfer ang ability ng mga mata niya sa iba.


"Si Bella. " napatingin ako sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ni Bella. "Ugh. Mukhang si Freyr na lang ang magsasabi sa'yo ng tungkol doon. "


"Bakit hindi mo na lang sabihin? " tanong ko at umiling siya.

"Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. I wasn't here that time. "


"Throy— Oops. Sorry." tawag ng isang lalaki sa likod namin na tumalikod matapos makitang nag-uusap kami ni Throy.

"No. Steve, come here. " tawag ni Throy at lumapit sa kanya yung tinawag niya.

Nawala na ang pinag-uusapan namin dahil sa pagdating niya. Di bale, marami pa namang pagkakataon. Sapat na muna yung narinig kong ilang information about Victoria. Hindi ko kakayanin ngayon ang masamang maririnig about kay Bella. Masyadong nakakasuffocate.


"Steve this is Crixpien. Crixpien, this is Steve, my brother. " pagpapakilala sa amin ni Throy kaya ngumiti na lang ako at nagnod. Kailangan ko munang irestore yung tungkol sa nangyari kay Victoria dahil mukhang gustong pumaslang ng mga kamay ko sa oras na ito.


"Hi. " bati ni Steve at nag 'Hi' din ako saka nakipagshake hands.

"Was she who are you talking about, everyday-?" tanong ni Steve kay Throy at napataas ang mga kilay ko.


"Steve. " saway ni Throy. "Ugh. Don't mind him. " baling niya sa akin.


Ngumiti sa akin si Steve at parang may kung ano sa ngiti niya. Hays. I'm going to hate him soon.


Child Of Hades Where stories live. Discover now