Twenty : Tsunami

1.5K 46 0
                                    



Pinuntahan ko si Dad sa trono niya kasama si Hugo sa likod ko. Nakatingin siya sa kawalan at may kung ano siyang tinitingnan na tanging siya lang din ang nakakakita. Napansin ko ang pag-ngiti niya na kung tutuusin ay ngiti yun ng mga taksil.



"Dad! " kahit masakit ang katawan ko ay nagawa ko pa ring tumakbo sa kanya.



"Teka, anong ginagawa mo dito? Di ba dapat nasa kwarto ka at nagpapahinga? " napatayo niyang sabi.




"Dad, kailangan ka ng Olympus ngayon. "



"So? It's not my problem anymore. " umiiling niyang sabi saka naupo ulit. "I'll just watch how Olympus will be raze by Titans. "



"Dad pamilya mo ang nasa-"



"I don't want to hear the word 'family' from you anymore. Wala na akong pakialam sa kanila. Ang problema nila, problema nila. Hindi na ako kasali dun. "




"Dad please... kahit ito na ang kahuli-hulihang pagkakataon... "



"Hindi mo ako naiintindihan. " tumayo siya at naglakad palapit sa akin. "Sinira ni Zeus ang buhay ko. Sinira niya tayo. Itinakwil na nila ako simula nang mapasaakin ang kaharian na 'to. "



"Hindi totoo yan. " umiiling ko nang sabi. Bakit ba kasi kung anu-ano na lang ang sinasabi niya?


"Ginagamit ka lang nila. Dapat alam mo na yun noon pa man. Alam nilang may silbi ka sa kanila pero sa oras na wala na... Sisirain ka din nila. " nararamdaman kong sincere siya pero alam kong mali yun.



"Dad, uupo ka na lang ba dito hanggang matapos ang digmaan habang ang mga nangangailan ng tulong mo ay nasisira at nauubos na?! " nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko dapat siya nataasan ng boses lalo na sa ganitong sitwasyon pero kailangan ko siyang makumbinsi.




"Anumang pagkukumbinsi ang gawin mo, hindi na magbabago ang isip ko. " umiling siya at bumalik sa trono. "Hayaan mo na lang sila. Problema nila yun. Palarin man sila o hindi, wala akong pakialam. "




Bakit ba ang dali-dali para sa kanyang sabihin yun? Bakit hindi niya iniisip ang pamilya niyang nasa itaas na nangangailan ng tulong niya?





"Bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga. " utos niya at napailing ako.




Pahinga. Pahinga. Pahinga. How many times do I have to do that? Lagi ko na lang ginagawa yun ever since na umalis at bumalik ako rito. If I have the time to take my last rest, I think I already did few hours ago.



"Fine. Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo. " tumalikod na ako sa kanya at pinipigilang bumagsak ang mga luhang nabubuo sa mata ko. "You need to get some rest too, Dad." hindi ko alam kung narinig pa niya yun o hindi dahil hindi na yun mahalaga. If you're not going, then I will.




Pumunta agad ako sa storage room malapit sa kwarto ko dahil doon ako may alam na nakatagong mga gamot na ginawa ni Apollo hundred years ago. Mabisang gamot ang mga yun kaya lang ay may disadvantages na dahil matagal na. Ginawa niya yun para makatulong sa mga demigod at ngayon ay hindi ko alam kung bakit meron si Dad nun dito. Ramdam ko na ang pagpintig ng sintido ko at ang pangingilig nang buo kong katawan dahil sa biglaan kong paggalaw. Nahanap ko naman agad ang box na pinaglalagyan nun at si Hugo ay nakatingin sa akin. Nalilito sa mga kinikilos ko. Binuksan ko na yung box at kinuha yung mga syringe na nasa loob na may mga laman na.




Hindi ko alam kung makakatulong ba ang mga gamot na 'to sa akin dahil una sa lahat, hindi ako demigod o mortal para mabilis na umipekto ito. Pangalawa, hindi rin ako sure kung effective pa rin ba ito. At pangatlo, bahala na dahil kailangan ko ang mga ito ngayon. Kumuha ako ng dalawang syringe at sinaksak sa braso ko. Hindi ko alam kung gaano ba karami ang kailangan ko nito ngayon pero... Tsk. Bahala na. Kumuha pa ako ng tatlo at isinilid sa bulsa ng pants ko sa gilid. Hayyy. Mukhang effective pa rin ang gamot na 'to dahil dinaig pa ang adrenaline. Nawala ang masama kong nararamdaman kanina pati ang mga humahapding mga sugat pero hindi ako sure kung hanggang kailan ito magiging effective. Bumalik na ako sa kwarto ko at nagsuot ng jacket at bago tuluyang umalis ay nilagok ko muna ang natitirang ambrosia sa goblet. Bigla namang umungol si Hugo na kahit alam niyang mali ang ginagawa ko ay gusto niyang sumama sa akin. Nahagip ng mata ko ang dagger na binigay sa akin ni Throy noon na nagwawala na sa loob ng cabinet kaya kinuha ko ito at itinago sa likod ko.




Child Of Hades Where stories live. Discover now