Twenty seven : He's giving up

1.4K 43 0
                                    

Kinain na ng dilim ang paligid pero hindi ko pa rin nakikita si Throy. Hindi pa rin siya bumabalik simula kanina at nababahala na ako. Meron kaya akong bagay na hindi ko pa nalalaman na alam niya? May naramdaman akong nakatingin sa akin kaya nilingon ko yun.


"Throy? "


Nasa gilid siya ng isang puno habang nakapamulsa at tumungo nang tingnan ko.


"May problema ba? " lumapit ako sa kanya at tumingin siya sa akin.


"Ikakasal ka na. " ang boses na yun. Parang kagagaling lang niya sa pag-iyak. Pero bakit?


"Oo. Ikakasal na ko sa'yo. " napabuntong hininga siya at tumungo. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ang aura niya na parang ang lahat ng energy niya ay naubos dahil sa laban.




"Ikakasal ka na sa iba. " mahina at walang lakas niyang sabi.



"Pa'no mo nalaman? " gusto kong makita ang mukha niya pero nanatili siyang nakatungo.




"Bakit hindi mo sinabing ikakasal ka na pala? "



"Hindi ko yun alam. At hindi ko kilala kung sino man yung ipapakasal sa akin. " huminga ako ng malalim. "Yan ba ang dahilan kung bakit mo ko iniiwasan kanina? "




"Hindi kita iniiwasan. Nilalayuan. "




"Pero bakit? Ikaw ang mahal ko. Sa'yo ako ikakasal. Alam mo yun di ba? "




"'Your love is forbidden. ' Sana pinaniwalaan ko yung sinabi mo na yun. "



"Pero hindi yun totoo. " lumapit ako at kinuha ang kamay niya. "Believe me. " pero binitiwan niya ang mga kamay ko at ibinalik sa bulsa niya. Tsk!



"Marry the man who's destined for you. "


"Are you giving me up? " doon na tumulo ang luha ko. Yun naman ang ibig niyang sabihin di ba? He's giving up. Ipinamimigay na rin niya ako.



"Just... go back to your world. "




"No. " ngayon lang siya napatingin sa akin pero binawi din niya. "Kinausap ka ba ni Dad?" tumalikod na siya sa akin at naglakad pero hinigit ko siya pabalik at niyakap.



"Please... just go home. You're not belong here. "




"Tell me you love me. Tell me you don't want to lose me. Please... "






"You're right. We both get hurt if we try to pull ourselves together. I'm... sorry. " kumawala siya sa yakap ko at tinalikuran ako.




"Throy! " napaupo na lang ako at hinayaang bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko alam na ganito pala ang kahahantungan ng lahat ng 'to. Akala ko ba ipaglalaban niya ako? Di ba dapat ganun? Kapag mahal mo, ipaglalaban mo anuman ang mangyari.


Bumalik ako sa underworld at pinuntahan si Dad na nasa Grove of Persephone mag-isa.


"Anong sinabi mo sa kanya? " marahan naman niya akong nilingon at bahagyang kumunot ang noo. "Anong sinabi mo kay Throy? "




"Why would I talk to him? "



"Because you want to separate us. "





"Kahit hindi ko yun gawin, yun pa rin ang mangyayari. "





"At kahit nagtagumpay ka, hindi ko pa rin pakakasalan si William. "




Child Of Hades Where stories live. Discover now