Sixteen : Vision

1.4K 54 0
                                    

Mukhang pintuan ng throne room ang nilabasan ko dahil naririnig ko ang boses ng mga nag-uusap sa kabila. Noong una ay narinig ko ang tawanan nila pero habang lumilipas ang ilang sandali ay tumigil sila at nauwi sa mahinang usapan. Nagtago ako sa malaking puno na malapit sa akin at nanatiling matalas ang pandinig.

"Oo. Wala na si Prometheus, pero hindi pa rin nila tayo kayang talunin. " sabi ng isang Titan.

"Di hamak naman na mas malalakas pa rin tayo sa kanila dahil tayo ang naunang mamuno sa mundo. "

"Kailan ba tayo susugod? " tanong ng isa pa.

"Anytime na gustuhin natin. "

"Pero habang tumatagal, nakakapaghanda sila. "

"Hayaan mo silang mag-aksaya ng panahon dahil matatalo pa rin naman sila. "

"Sa Olympus tayo susugod. Lahat ng makita niyong sagabal sa plano... paslangin niyo. "

Hindi ko malaman kung sinu-sino ang mga nag-uusap dahil halos parehas lang ang boses ng mga babae at ganun din sa mga lalaki.

"Wait. "

Agad akong kinabahan nang marinig ang boses na yun. Parang may hindi tama.

"Do you feel that? " tanong niya at tumahimik ang mga kasama niya.

"There's someone out there. " dagdag pa niya na feeling ko'y may tinuro siya nang sabihin niya yun.

Binalak ko nang magshadow travel pero may naramdaman akong mali. May force na nagpatigil sa akin kaya hindi ako pinalad makatakas.

Shit.

Tumigil ang paggalaw ng mga dahon ng punong tinataguan ko at hindi siya slow motion kundi nafreeze talaga. So I guess ito ang dahilan kaya napigilan ang pagtakas ko. This Titan. He must be Cronus.

Biglang bumukas ang pinto at gustuhin ko mang tumakas ay hindi ko nagawa. Nagstuck ang mga paa ko at hindi ako makagalaw.

"Oww. A bwisitor. What a surprise? " nakangiting sabi nang isang lalaking nakatago sa likod ang dalawang kamay.

"How dare you enter our property without permission? " dagdag pa niya.

Nagsilapitan sa akin ang mga kasama niya at pinag-aralang mabuti ang mukha ko. Oww shit. Ang dami nila.

"Who's this woman? " tanong niya sa mga kasama niya.

May babaeng lumapit sa akin at napaatras ako ng konti kahit halos dumikit sa floor ang mga paa ko.

"Daughter of Hades, Cronus." sagot nang babaeng lumapit sa akin. Ahh. I knew it. Sabi ko na ba eh.

"How are you, my dear grand child? " nakangiting tanong ni Cronus habang nagliliwanag na gold ang mga mata niya. "Are you glad to see me? "

Hindi ko siya sinagot at tiningnan ko lang mabuti ang mga kasama niya na kanina pa nakatingin sa akin. Nakakapang-insulto ang mga tingin at ngisi nila at nagliliyab na sa inis ang utak ko.

"Yeah. I'm fvcking glad to see you, Cronus. " sabi ko at bumuntong hininga siya.

"Oh well, like father like daughter. "saka siya umirap sa kawalan. "Now tell me, why are you here? To snoop? "

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa ilabas niya ang scythe niya na kumikinang sa talas. Oww shit.

"You know... for us, the person who's snooping must die. " sabi pa niya habang pinagmamasdan ang scythe niya. "But because, you're the daughter of my favorite son... I'll give you chance to live. " tiningnan niya ang mga kasama niyang nakapalibot sa akin at nagsi-alisan ang mga ito, kaya tatlo na lang kami ngayon.

Child Of Hades Where stories live. Discover now