Ten : Illusion

2.2K 62 0
                                    


Nagpalakad-lakad ako sa shore ng lake kasama si Hugo hanggang makaabot kami sa beach na malapit sa Mess Hall. Alam kong may beach dito pero ngayon lang ako nagkaroon ng time para makapunta dito. White sand at napakaganda ng view. Tsk. Naalala ko tuloy yung first beach kong napuntahan hundred years ago kasama si Ross. Parehas silang may magandang view, kaya lang ang pinagkaiba ay ang atmosphere. Mabigat ang atmosphere sa beach na yun di tulad dito na napakacalm at wala kang makikitang nasa tubig.


WHOORF!


Napatingin ako kay Hugo na tinataholan ang dagat.

WHOORF!

WHOORF!


"Hugo? "


Lumalayo siya sa tubig na tumatalsik sa tabi at nakatingin siya sa tubig. Tiningnan kong mabuti ang dagat mula sa malayo na nagbabago ng kulay from dark green to black. Sa loob lang ng ilang minuto ay naging black na rin ang maliliit na along humahampas sa tabi.

It can't be.


Sumalok ako ng kaunting tubig na ngayon ay itim na talaga at nang amuyin ko ito'y amoy bulok na basura, kaya halos maduwa ako.


"Are you okay? "

Nilingon ko yung nagsalita at isang lalaki ang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.

"The water—" naputol ang sasabihin ko nang makita ko ang asul na tubig sa dagat na kumikinang sa liwanag ng araw.


Tiningnan nung lalaki yung dagat na tinitingnan ko at napatingin ulit siya sa akin.

"May... problema ba? " tanong ulit niya at umiling na lang ako.

So it's just an illusion? Pero hindi ako pwedeng magkamali dahil nakita din yun ni Hugo.

"Ah, by the way I'm Pierre. " inextend niya yung kamay niya para makipagshake hands. "Son of Poseidon. "


"Crixpien." then nagshake hands kami.

"Daughter of Hades, right ?"


"Yeah. Kilala mo na ako? "


"Hmm. Not really. Pero kakaiba ang presence mo kaya nakilala kitang anak ni Hades. "


I frowned then he chuckled.


"Bumibigat kasi ang atmosphere kapag nandito ka sa camp. And all campers recognized that. Ikaw lang ang may ganung presence. "


"Kung ganun, dapat hindi pala ako pumupunta dito-"


"No. That's not what I mean. Sinasabi ko lang yun dahil lahat ng campers dito kilala ka dahil sa presence mo. Madali naming narirecognize kung nandito ka o wala. Ang cool nga eh. " he smiled then I grinned.


"Ganun din ba ang presence ni Hades? " tanong niya.


"I don't know. Pero naiintimidate ako kapag kasama ko siya. "


"Kung ikaw na mismong anak niya ay naiintimidate sa kanya pano pa kaya kami? " he chuckled.


WHOORF!


"Oh. Hey. What's his name? " baling niya kay Hugo na nakatingin lang sa kanya.

"Hugo. "

"Hey, Hugo. "


WHOORF!


"Nasubukan mo na bang sumakay sa tubig?" natawa ako sa tanong niya.


Child Of Hades Where stories live. Discover now