Caribbean Tour

4.3K 108 78
                                    

******

I do apologize for not keeping my promise, after i post the 'GOOD NEWS' chapter something came up later that afternoon (personal matters) i never had the time to go online. I hope you understand and i hope you will continue on supporting this story. Thank you for your patience.

Now with the story...

******

"I am so enjoying this tour." Malapad na malapad ang ngiti ni Mei Ann kay Barry, nilapitan sya ng best friend nya na katatapos lang makipagsayaw sa isang lalake. Nakaupo si Barry sa lamesa na kinuha ng kaibigan para sa kanila. Nagmamasid lang si Barry hindi nya iniiwan ng tingin ang kaibigan.

"Do you know that guy?" tanong ni Barry sa kaibigan na ang tinutukoy ay ang lalakeng kasayaw nito kanina.

"Who?" sagot naman ni Mein Ann.

"That handsome hunk you're dancing with a minute ago." Tukoy muli ni Barry sa kasayaw ng kanyang best friend kanina.

"Nope.!" Mabilis na sagot ni Mei Ann "I just met him on the dance floor."

"You just met him on the dance floor?" Nanglalaki ang mga mata ni Barry "E kung makayap sa'yo wagas!" Parang hindi pa rin naniniwala si Barry na hindi nga kakilala ni Mei Ann ang lalake.

"Sus, ka namang makapag-react best friend!" Umirap pa ng bahagya si Mei Ann "Carribean tour ito kapatid, enjoy the moment."

"May asawa ka na Mei Ann." Sabi naman ni Barry.

"Oh, please." Sagot naman ni Mei Ann "what are you my mother? For Christ sake Barry nakikipagsayaw lamang ako as if naman nagtataksil na ako kay Dean kung makapag-react ka."

"Hindi nga..." Tiningnan muna ni Barry ang kaibigan at tinantya nya ito "Pero medyo nakakarami ka na ng naimom at hindi na normal ang kilos mo."

"Bakit?" kunot noong tanong ni Mei Ann medyo may bahagyang taray na sa tono ng boses nito "Ano ba pinag-gagawa ko? wag ka ngang KJ Barry!" sabi pa ni Mei Ann sa kaibigan.

"Hindi naman ako sa nagki-KJ kaya lang nangako ako sa asawa mo na poprotektahan kita." Paliwanag naman ni Barry.

"I don't need your protection!" pabiglang sagot ni Mei Ann "Besides, I'm too old para pagsabihan mo pa ako, I know what I am doing." Iyon lang at iniwan na sya ng kanyang best friend sa lamesa.

Iiling-iling na lang si Barry habang tinatanaw ang palayong best friend. Muling lumapit ang lalakeng kasayaw nito kanina at nagsayaw muli ang dalawa sa isang sweet music. Tipsy na si Mei Ann, naunawaan naman ito ni Barry dahil ngayon lang ulit nakalabas ang kaibigan nya. Nakulong ito sa pagiging asawa ni Dean at ng kanyang inaanak na si Ben.

Nang maisip si Dean ay may lungkot na humaplos sa puso ni Barry. Kumusta na kaya sya sabi ng isip ni Barry kasabay ng pagtunog ang kanyang cellphone. Lumabas si Barry dahil masyadong maingay sa lamesang kinauupuan nya. Hindi na sya umabot na masagot ang tawag ni Dean, paglabas nya ay missed-call na lang ang tawag nito. Barry decided to dial Dean's number.

"Hello!" medyo galit ang tinig ni Dean ng sumagot sa kabilang linya "Why aren't you answering my call?" parang naiiritang sabi ni Dean kay Barry.

"I'm sorry Dean, medyo maingay kasi sa loob..."

"Bakit nasaan ba kayo?" galit pa rin ang boses ni Dean.

"We are having some fun." Malumanay na paliwanag ni Barry sa mister ng kanyang kaibigan.

"What kind of fun?" parang nakikinikinita na ni Barry na kunot ang noo ni Dean sa galit, may pagka-possessive si Dean lalo na at ang misis nito ang involve, naging saksi si Barry sa pagiging seloso nito kay Mei Ann kaya nga mas pinili na lang ni Mei Ann ang maging isang plain housewife. Pero sunod ang luho ng kanyang kaibigan sa asawa.

"We are in a restaurant. Having some wine. Don't worry Dean, hindi naman masyadong umiinom si Mei Ann." Kasinungalingan iyo dahil medyo lasing na si Mei Ann, pero alam ni Barry na malaking gulo pag nagkataong sinabi nya ang totoo kay Dean.

"Are you sure about that, because you are not such a good liar Barry!" intimidating ang barintonong boses ni Dean. "You are not in a restaurant dahil dinig na dinig ko ang music. You are in a disco!" Sabi pa ni Dean.

"Dean please, Mei Ann needs this. Pabayaan mo namang mag-enjoy ang asawa mo, she deserves all of this after seven years ngayon lang lumabas si Mei Ann." Paliwanag pa rin ni Barry.

"Alright." Dinig ni Barry ang malalim na hiningang hinugot ni Dean "You're right, My wife needs this, mabuti na rin yung paminsan-minsan ay nag-eenjoy ang babe ko." Parang nakakaunawa naman ng sabi ni Dean.

Buntong-hininga naman ang naging sagot ni Barry, 'basta talaga para kay Mei Ann' sabi ng isip ng dalaga, may selos syang nararamdaman, lumakad si Barry sa barandal ng yate at tinanaw ang dagat, bilog ang buwan kaya naman malinaw na nakikita ni Barry ang alon ng dagat.

"How are you?" biglang sabi ni Dean sa kabilang linya.

Bahagya namang nagulat si Barry, is Dean asking her? Tanong ni Barry sa isip. "I'm good." Bahagya ng nakangiti si Barry.

"Are you enjoying the tour?" muling tanong ni Dean.

"Yeah I do." Mababakas sa boses ni Barry ang kasiglahan.

"Kahit na para kang yaya ng asawa ko." Nagbibiro na ang tono ni Dean.

"Hindi naman." Nakangiting sagot ni Barry pakiramdam nya ay kaharap nya ang asawa ng kaibigan, malinaw na naiimagine ni Barry ang mukha ni Dean, ang mga mata nito pati na rin ang mga ngiti nito sa labi. "Mabait namang alaga ang misis mo kaya okay lang." ganting biro ni Barry kay Dean.

"Pasensya ka na sa akin Barry." Hinging paumanhin ni Dean "Hindi lang kasi ako sanay ng malayo ang misis ko sa akin kaya medyo paranoid ako."

"Naintindihan ko, don't worry wala kang dapat ihingi ng pasensya." Sagot naman ni Barry.

"Any men would be lucky to have you Barry, ikaw na yata ang pinaka-understanding na taong nakilala ko." Sabi ni Dean.

Para naman hinaplos na muli ang puso ng dalaga. Kapag nagbibigay ng compliment sa kanya si Dean ay hindi mapigilan ni Barry ang hindi kiligin.

"Tsk..." narinig nyang palatak ni Dean "Sayang!" dugtong pa ni Dean sa palatak nito.

"Anong sayang?" bahagyang natawa si Barry.

"Kung hindi ko sana nakilala ang best friend mo." Sagot naman ni Dean.

'Oh my god!' sabi ng isip ni Barry 'kataksilan ito sa aking kaibigan' dagdag pa ng isip nya. Bago pa makasagot si Barry kay Dean ay narinig nya ang malakas na pagbangga ng bakal sa isang bagay. Bahagyang yumugyog ang yateng sinaskyan nya. Pagkatapos ay narinig ni Barry ang hiyaw ng isang tauhan ng barko.

"KAPITAN BUMANGGA TAYO!"

"I have to call you back Dean." Nagmamadaling pinindot ni Barry ang end button ng kanyang cellphone, naririnig pa nyang nagtatanung ng bakit si Dean pero hindi na nya ito sinagot. Humahangos na tinungo ni Barry ang kaibigang si Mei Ann, pero hindi nya ito makita. Unti-unti ng nagkakagulo ang mga taong sakay ng yate. Habang si Barry naman ay tulirong hinahanap ang kaibigan.

How Often Is Sometimes? (kilig, luha at saya ng umiibig book 3)Where stories live. Discover now