Ignoring the truth (part 2)

3.3K 91 162
                                    


Isang araw, hindi inaasahan ni Barry na magiging bisita nya si Alfred. He sincerely offered friendship at hindi kayang tanggihan ni Barry ang kabutihang loob ng binata. Ilang araw ng lagi syang dinadalaw ni Alfred at kung madalas ay kasama nito si Mildred. Pinipilit ng dalawang kaibigan na bigyan sya ng companionship para daw makaiwas syang magisip o gumawa ng isang bagay dahil sa sobrang depresyon.

It's been almost four weeks na hindi nya nakikita si Dean, ni tawag o text mula sa lalaki ay wala syang natatanggap. At sa panahon ng kalungkutan at pangungulila kay Dean ay karamay nya ang mga kaibigang sina Mildred at Alfred.

Simula ng mapag-usapan nila ni Mildred ang abortion ay hindi na sya iniwan ng kaibigan, kahit na nga nagbitaw na ng salita si Barry na wala na syang balak ituloy ang malaking kasalanang iyon ang hindi pa rin palagay ang loob ni Mildred. Duon na pumasok si Alfred sa eksena, tinawagan ito ni Mildred para mayroon syang kapalitan sa pagbabantay kay Barry.

Katulad ngayon, si Alfred ang kasa-kasama ni Barry sa hapunan. Pumapasok pa rin naman si Barry sa agency, hindi pa naman halata ang kanyang tiyan kaya hindi pa sya nagiging tampulan ng tsismis sa kanilang building. Napagkasunduan nila ni Mildred na pag malapit ng mahalata ang kanyang pagbubuntis ay titigil na muna sya sa pagpasok sa agency hanggang sa makapanganak na sya.

Barry is eight weeks pregnant at hindi pa rin sya nakabubuo ng desisyon kung ano ba ang gagawin nya sa bata. Her child is the only chained that will bind her and Dean at kung ibibigay nya ang bata kay Mei Ann ay mawawala ang nag-iisang dahilan para maitali nya si Dean sa isang commitment.

But then reality checks, either with a child or not mali ang makipag-commit pa sya kay Dean. Una, asawa ito ng best friend nya. Best friend o hindi, the fact na may asawa ito ay hindi sila maaring magpatuloy ni Dean. Pangalawa, kasal si Dean kay Mei Ann at totoong mayroong annulment sa Pilipinas at may pagkakataon si Dean na gawin iyon so he will be free sa sumpaan nila ni Mei Ann pero ang sumpaan ay sumpaan. Pangakong pinagtibay ng isang papel na tinatawag na marriage contract and it wasn't just a contract.

Ang kasal ay sagrado at hindi lamang ito basta pangako o isang pirasong papel. It's a covenant, a solemn and binding agreement at hindi mabubuo at tatatak ang kasabihang "ang pinagsama ng Diyos ay hindi maaring paghiwalayin ng tao" kung walang katuturan ang mga salitang iyon. Kamatayan lamang ang ang maaring makapaghiwalay sa isang mag-asawa. Iyon ang dapat! Iyon ang tama!

Pangatlo, kumpare nya si Dean...Ang paulit-ulit na sagradong aral ng mga salitang kumpare at kumare. Pang-apat, delicadeza, pang-lima, moral values at kung ano-ano pa. gustong sumakit ng ulo ni Barry dahil matay man nyang isipin ay iisa lang naman din ang kasagutan. Mahal nya si Dean, pag-ibig na pilit man nyang pigilan at kalimutan ay hindi nya yata makakayanan. At ang sagot na iniibig nya si Dean ay sapat ng dahilan para kalimutan ang lahat ng dapat isaalang-alang. Ang nararamdaman nya ay katulad ng kasabihang "Pag-ibig pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang."

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Alfred kay Barry ng makita nyang hinagod ni Barry ang noo papunta sa kanyang ulo hanggang sa may batok nito pagkatapos ng malalim na buntong hininga.

"I'm good." Pinilit ngumiti ni Barry, unfair sa kaibigang si Alfred na nagsasakripisyo para samahan sya ngunit heto sya at parang wala sa sarili.

"You should eat well." Concern na sabi ni Alfred kay Barry, halos hindi kasi nagagalaw ang pagkaing nasa plato ni Barry. "The baby needs to be healthy pero mas lalong dapat na pangalagaan mo din ang sarili mo."

Para namang hinaplos ang puso ni Barry, most people would say 'you need to be healthy for the baby.' At wala namang masama at mali duon. Pero parang kaiba ang mga salita ni Alfred, he's concerned with the baby pero concern din sa kanya. Hindi katulad ng salitang kaylangan mong maging healthy para sa baby, para kasing yung baby lang ang concern pag ganun. And she can't help herself but wonder paano kaya kung si Dean ang kasama nya ngayon? Would it be 'you should be healthy for the baby' or 'take care of yourself and be healthy dahil kaylangan kita at ng magiging anak natin.'

"Does he care?" hindi napigil ni Barry na itanong kay Alfred ang laman ng kanyang isip tungkol kay Dean.

"Even if he does..." alam ni Alfred na si Dean ang tinutukoy ni Barry "it wouldn't change the fact that he's married with Mei Ann." naawa si Alfred kay Barry ng yumuko ito para itago ang pangingilid ng luha. "I'm not a huge fan of Dean's decisions but doing the best he can to do the right thing... I won't argue with that."

"Are you saying I should do too?" pumatak na ang luha ni Barry ng tumingin sya kay Alfred.

"I can't tell you what you should do Barry." Hinawakan ni Alfred ang isang kamay ni Barry "but I can ask you to please stop torturing yourself." Hinila ni Alfred ang upuan para mas makalapit kay Barry, he gently wiped Barry's tears with his fingers "I understand how hard this is for you, to forget the person you love but you could at least try, kahit gaano kasakit... kasi minsan yun ang dapat at yun ang mas makakabuti para sa sarili mo."

"And how did you know how hard it is to forget the one you love?" bahagya ng ngumiti si Barry, sa pagkakaalam nya ay wala namang sineryosong babae si Alfred at hindi pa ito nai-in love talaga, kaya nga hanggang ngayon ay binata pa rin ito.

"I know because that's what I am going through for God knows how long...with you." Makikita ang sinseridad sa mga mata ni Alfred. Hindi naman nakaimik si Barry, awang ang kanyang mga labi sa pagkabigla. Hindi nya akalaing ganun kaseryoso si Alfred sa kanya.

"Please close your mouth, nagkakasala ako eh." Kakamot-kamot sa ulong sabi ni Alfred, he let go of Barry's hand at ibinalik sa dating pwesto ang upuan, awkward kasi ang moment.

"Please don't give remarks like that when my mouth was opened." Nagbabanta ang tinig ni Barry.

"I'm sorry I didn't mean no disrespect" nag-aalala namang paliwanag ni Alfred "I didn't mean to offend you or to be sound like a perv..." hindi na natapos ni Alfred ang sasabihin, Barry cuts him off.

"That's what Dean always said to me, every time I acted surprised and slightly opened my mouth that's what he would say to me, that's why I don't want you to say that." paliwanag naman ni Barry.

"Oh, okay...I get it." Nakahinga na ng maluwag si Alfred, then the thought na kahit yata ano ang gawin nya para maibaling ni Barry ang pagtingin sa kanya ngayong tapos na ang lahat dito kay Dean ay magpapaalala lamang lahat kay Barry ng tungkol kay Dean sa halip na makapagpalimot dito. Katulad ng dinner, white roses, pati ang bahagyang pagbuka ng labi nito. Everything reminds Barry of Dean.

"Alfred, I was just curious..." sabi ni Barry "Are you really..." hindi maituloy ni Barry ang gustong sabihin, nagsisisi na si Barry kung bakit pa nya naisipang naitanong.

"Really what?" nakangiting tanong ni Alfred.

"You know..." nagkibit ng balikat si Barry "That forgetting the one you love?" nag-aalangang pagpapatuloy ni Barry.

"Kung sinagot mo ba naman ako nuong niligawan kita di sana..." kakamot-kamot ulit sa ulo si Alfred habang nagsasalita.

"Pa'no naman kitang sasagutin nun e hindi ka naman mukhang seryoso." Natatawang sagot naman ni Barry.

"Bakit ano ba ang basehan mo ng seryoso?" natatawa na ring tanong ni Alfred, napaka-light ng mood at parang nagbibiruan lang sila ni Barry.

"Ewan ko, basta hindi ko na-feel." Nakatawa pa rin si Barry ng sumagot.

"Ano ba gusto mo? Gusto mo yung may paluhod-luhod pa gaya nito." Tumayo si Alfred mula sa kinauupuan at lumuhod sa harapan ni Barry, hinawakan nya ang mga kamay ni Barry saka seryosong sinabing "I love you Barry, I really do...if you'll let me I will help you forget Dean, kahit hindi mo ako mahalin...kahit gamitin mo lang ako so you could forget him."

"Rebound?" nakangiting sagot naman ni Barry. Nang ma-realized ni Alfred na parang biruan pa rin ang lahat kay Barry kahit na nga seryoso na sya ay dinaan na lang din nya ang lahat sa biro.

"Hindi... panakip butas." Sabi ni Alfred at sabay silang nagkatawanan ni Barry.

And at Barry's surprised bigla na lang sumulpot si Dean mula sa likuran ni Alfred, pinitsaran ni Dean ang kaibigan para maitayo mula sa pagkakaluhod sa harap ni Barry kasunod ng isang malakas na indayog ng suntok sa panga ng binata.

"Dean!" mabilis na tumayo si Barry at umaawat, hinila nya ang isang braso ni Dean na magpapakawala sana ulit ng isa pang suntok sa napahigang si Alfred "Are you out of your mind!" galit na sabi ni Barry na nagpahinto kay Dean.

?

How Often Is Sometimes? (kilig, luha at saya ng umiibig book 3)Where stories live. Discover now