Happy Day

3.4K 82 58
                                    


Araw ng Sabado, kaarawan ni Barry. Personal na nagluto si Dean ng isang masaganang hapunan para sa kaarawan ng dalaga. Kanina ay nakaramdam pa ng lungkot si Barry dahil wala kahit isa man sa mga kasama nya sa bahay ng mga Castillo ang bumati sa kanya.

Aware ang lahat sa kaarawan nya dahil madalas ay sa bahay ng mga Castillo ginaganap ang kanyang kaarawan. Nasa malayong probinsya na ang mga magulang ni Barry at kahit na nagpupumilit si Barry na manatiling sa Maynila manirahan ang kanyang mga magulang at dalawa pang kapatid ay tutol ang kanyang mga magulang dahil may kabuhayan ang kanyang ama sa Bicol.

Pangalawa si Barry sa tatlong magkakapatid at tapos ng kursong agrikultura ang kanyang kuya na may sarili na ring pamilya na naninirahan din sa Bicol. Malapit sa nakalakihan nilang bahay ng mga magulang ang kanyang kuya at ito ang katulong ng kanilang ama sa kanilang niyugan na may limang ektarya din ang laki. Ang bunso naman nilang kapatid ay tapos na ng kursong nursing at nagtatrabaho na rin sa isang pampublikong hospital sa Naga City. Dalaga pa rin ang kanilang bunsong kapatid.

Halos sabay-sabay silang magkakapatid sa elementary, highschool at college, matanda ang kuya nya ng dalawang taon at matanda naman sya ng dalawang taon sa bunso nilang kapatid. Nang mag-elementary na ang kanilang bunso ay naging mahirap na ang buhay nila sa Bicol, napilitan ang buong pamilya nila na lumipat sa Maynila, nung una ay nakipisan sila sa isa nilang tiyuhin na kapatid ng tatay nya, isinama ng tiyuhin nya sa construction na pinagtatrabahuhan nito ang kanyang ama.

Nang makakuha ng scholarship si Barry sa isang exclusive high school at ganun din ay kanyang kuya sa isa rin eklusibong paaralan ay bumalik ng muli sa Bicol ang kanyang mga magulang kasama ng kanilang bunsong kapatid upang harapin naman ng kanilang ama ang naiwang kabuhayan sa Bicol. Nang nasa kolehiyo na silang mag-kuya ay kulang na kulang ang kinikita ng niyugan ng kanilang ama para tustusan ang pag-aaral nilang magkapatid. Kaya napilitan si Barry na magsumikap para makapagtapos ng kolehiyo. At kahit na may lupain ang kanyang mga magulang ay hindi masasabing mayaman ang kanilang pamumuhay kundi maalwan lamang. Sapat lamang para sa kanilang mga pangangailangan at ngayon ngang nakapagtapos na silang lahat ay masasabing mas mainam na ang buhay pinansyal ng kanyang mga magulang kesa nuong nagaaral pa lamang silang magkakapatid.

Tuwing pasko at kaarawan ng kahit sino sa kanyang kapamilya ay umuuwi si Barry sa Bicol. Pero sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan ay mas madalas na mag-isa lamang nyang idinadaos ang kanyang kaarawan o kaya naman ay umuuwi din sya sa Bicol para makapiling ang kanyang mga magulang at mga kapatid o kaya naman tulad nung nabubuhay pa si Mei Ann ay sa bahay ng mga Castillo nya idadaos ang kaarawan.

At may lungkot na hatid sa kanya kanina na parang walang nakaalala sa kanyang kaarawan ngayon. Nakatanggap sya ng tawag mula sa Bicol at kay Mildred pero may hatid na lungkot na mukhang hindi naalala ni Dean o ni Ben ang mahalagang araw na ito ng kanyang buhay.

At ganun na lamang ang pagkabigla nya nang sabihin ni Dean na ito ang magluluto ng hapunan. Inutusan nito ang anak na si Ben na ayain ang kanyang Ninang Mommy na manuod ng pelikula, walang nagawa si Barry kundi ang umayon sa kagusthan ni Dean. Pasado alas syete ng gabi ng dumating sina Mildred at Alfred na may dalang regalo para kay Barry. Kasunod nang pag-aaya ni Dean ng hapunan.

May limang putaheng nakagayak sa lamesa, Ginataang alimango, buttered shrimp, calderetang baka, chapsuey at pritong manok ang mga putaheng nakagayak sa hapag kainan. Nakasuot pa ng apron si Dean nang batiin nya ng happy birthday si Barry sabay abot ng regalo sa dalaga na may kasamang pumpon ng puting rosas.

Pagkatapos ng masaganang hapunan ay nagtungo ang lahat sa may sala upang buksan ni Barry ang kanyang mga regalo. Ipinagutos ni Dean na wala munang kawaksi na magliligpit sa kusina at gusto nyang ang lahat ay magsaya sa kaarawan ni Barry. Matapos ang pagbubukas ng regalo ay kinuha ni Dean ang cake para kay Barry.

How Often Is Sometimes? (kilig, luha at saya ng umiibig book 3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora