Hindi Dapat (part 2)

3.2K 80 50
                                    


Nang marinig ang sunod-sunod na doorbell ay parehas na may pag-aalala sa mukha nila Barry at Ben. Nang magtanong si Manang kung bubuksan ba nya ang gate ay bahagyang tango lamang ang sagot ni Barry. Halata ang takot sa mukha ni Ben habang hinihintay kung sino ba ang nag-doorbell.

Hindi na nagtaka si Barry nang makitang humahangos sa galit papasok ng kanyang bahay ang matalik nyang kaibigan na si Mei Ann. Kasunod nito si Dean at huli na para pigilan nito ang asawa sa paghiklat ni Mei Ann sa kanilang anak mula sa kinauupuan para pagalitan ang bata sa pagkukusa nitong makipagkita sa kanyang Ninang Barry.

Nanginginig na sa takot si Ben sa nakikitang galit mula sa ina, umawat naman si Dean pero hindi nagpapigil si Mei Ann at patuloy na pinagalitan ang anak. Walang nagawa si Barry kundi ang gumitna at umawat na rin.

"HUWAG KANG MAKIALAM!" galit na baling ni Mei Ann kay Barry "Kaya lumalaking suwail itong anak ko eh, dahil sa kagagawan mo!" dinuro ni Mei Ann si Barry.

"She's just trying to help!" awat ni Dean sa asawang si Mei Ann.

"At kinakampihan mo pa yang pu*ang kabit mo!" parang wala na sa sariling pag-iisip si Mei Ann, nababalot sya ng matinding selos at hindi na sya nakaka-pagisip pa ng tama.

Ganun na lamang ang pagkabigla ni Dean sa binitiwang salita ni Mei Ann, tama ba ang kanyang narinig? Sinabihan ng 'Pu*a at kabit ni Mei Ann ang matalik na kaibigan, biglang nagdilim ang paningin ni Dean at isang malakas na sampal ang pinadapo nya sa kaliwang pisngi ng asawa.

Tulala si Barry, hindi naman nakakilos agad si Dean. Aaminin nyang nabigla sya sa kanyang ginawa at hindi dapat na saktan nya ang asawa. Bago pa makakilos at makapagsalitang muli si Mei Ann ay umiiyak nang nagsalita si Ben.

"You're all bad! I told you already Ninang don't tell Mommy I'm here, Mang Carding promised and you made a promised I will spend an evening here pero tinawagan mo pa rin si Mommy, you can't keep your promise and I hate you."

"Ben..." naiiyak na sabi ni Barry at umakma syang lalapit sa inaanak pero umurong si Ben.

"And you Mommy..." baling ni Ben kay Mei Ann "Bad ka rin, mawawala ka tapos basta ka na lang babalik tapos gusto mo okay lang agad, gusto mo sunod lang kami ni Daddy sa'yo." Pinahid ni Ben ang luhang umaagos sa kanyang pisngi pagkatapos ay hinarap ang kanyang ama "And you Daddy, ikaw ang pinaka bad sa lahat, pinapaiyak mo si Ninang at si Mommy, nag-aaway sila dahil sa'yo. This is all your fault, BAD KAYONG LAHAT!" nagtatakbong palabas ng bahay si Ben at habang umiiyak ay sinasabing "I hate you all!"

Hinabol ni Dean ang anak, mabilis na kumilos si Barry para sumunod sa paghabol kay Ben pero mas mabilis si Mei Ann na pigilan sya.

"This is a family matter and you're no longer part of my family!" galit na sabi ni Mei Ann kay Barry at walang paalam o ni lingon-likod na sinundan sa labas ng bahay ang kanyang mag-ama.

*****

Pasensya na po kung maigsi lang itong chapter na ito, para naman po pare-parehas tayong makahinga. Masakit na sa dibdib ang mga pangyayari. Heheh!

Kidding, alam ko po naiinip na kayo, habaan nyo pa po ang pasensya, you've managed to survived 48 chapters already, konti na lang pong pagtitiis at mayayari na po natin ito.

Salamat po...#301 na po tayo sa romance, kalampagin pa po natin ang comment section pleaaaaseee!!!! Para update na hanggang acknowledgement! Char!!!!!!!

******

oL٭~

How Often Is Sometimes? (kilig, luha at saya ng umiibig book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon