Unbelievable (part 3)

3.9K 104 60
                                    




"What...did you...I'm not..." kandautal sa pagsasalita si Dean hindi sya makaapuhap ng tamang salita para isagot sa sinabi ng kanyang anak na si Ben na pakasalan na ang kanyang Ninang Barry.

Tulala naman si Barry habang nakatingin kay Ben, bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi. Napakamot sa batok si Dean ng makita ang reaksyon ni Barry. Sinupil muli ng biyudo ang kanyang ngiti pagkatapos ay patay malisyang bumulong kay Barry.

"Please close your mouth nagkakasala ako eh." Tapos ay tumikhim si Dean.

Nalilito namang pinukol ng tingin ni Barry ang biyudo ng kanyang best friend, nang marealized ng dalaga ang ibig sabihin ni Dean ay namula ang kanyang mukha.

"Ninang is blushing..." nanunudyong sabi ni Ben.

"Tigilan nyo na nga akong mag-ama." Kunwari ay nag galit-galitan si Barry pagkatapos ay kumuha ng isang turon at isinubo iyon. Para namang may kakaibang dating kay Dean ang paraan ng pagkain ni Barry ng turon.

"Masharap" sabi ni Barry na may laman pang turon sa kanyang bibig.

"Masharap?" nanunudyo ang ngiti ni Dean.

Kumuha naman si Nene ng sariling turon para kainin pagkatapos kumagat ay ginaya nito ang sinabi ng kanyang Ma'am Barry "Masharap nga."

Ganun din ang ginawa nila yaya at Aling Trining sabay sabi ulit ng salitang "masharap" at sabay-sabay na silang nagkatawanan.

***

Kinabukasan habang nanananghalian ay binilinan ni Dean si Aling Trining na sya na ang magluluto ng hapunan.

"Bakit, ayaw mo na ng luto ko?" parang nalulungkot na sabi ni Barry. Kasabay na syang kumakain ng mag-ama ngayon. Simula ng gabing ipinagkaloob nya kay Dean ang kanyang sarili ng walang agam-agam ay nagbago na ang hihip ng hangin.

Nabigla pa si Barry kinabukasan sa almusal ng mag-ama nang sabihin ni Dean na "Simula sa araw na ito ay sasabay ka na sa amin ni Ben sa pagkain." Authoritative pa ang boses ni Dean at parang naguutos kaya hindi na kumotra pa si Barry. At simula nga ng araw na iyon ay kakaibang Dean na ang nakakasama ni Barry, higit na kakaiba sa Dean na asawa ng matalik na kaibigan, he's more like the Dean Castillo she met nung lumaban sya sa essay writing contest nung college pa lamang sila ni Mei Ann.

"Of course not, I still love your cooking." Sabi ni Dean "It's just that may pupuntahan tayong dalawa mamayang gabi. Kaya bahala na muna si Aling Trining sa hapunan mamaya."

"Tayong dalawa?" nalilitong tanong ni Barry "Saan?"

"May party sa bahay ni Alfred eh kinukulit ako na isama daw kita." Sagot naman ni Dean.

"Uyyy, si Ma'am Barry." Biro ni yaya "Di ba nangligaw ho sa inyo si Sir Alfred." Patuloy na biro ni yaya.

Pinukol ng masamang tingin ni Dean ang yaya ni Ben, kinurot naman ng pino ni Aling Trining sa tagiliran ang yaya sabay bulong na "tsismosa ka talaga!"

"Next time Yaya ayokong basta ka na lamang sumasabad sa usapan namin."maawtoridad na sabi ni Dean habang pinapahid nya ng table cloth ang kanyang bibig.

"Yes Sir." Nahihiya namang tugon ni Yaya sa amo.

"At ayoko rin nang tinutudyo mo ang Ma'am Barry mo sa kung sino-sinong lalake." Diretsong nakatingin si Dean sa natatakot ng Yaya, napaka-intimidating naman kasi ng amo nilang lalake.

"Pasensya na ho Sir hindi na ho mauulit." Hinging paumanhin ni Yaya ngunit nanatili syang nakayuko.

"You should know your place Yaya." Medyo binawasan ni Dean ang pagiging authoritative "Hindi komo pamilya na ang turing namin sa iyo ay maaari mo ng biruin ang Ma'am Barry mo, I want you to show some respect dahil hindi kayo magkalevel ni Barry at ganun ka rin Nene...Aling Trining." Tiningnan ni Dean isa-isa ang mga kawaksi sa bahay.

"Dean..." awat ni Barry sa biyudo "Okay lang naman kung paminsan-minsan eh makipagbiruan sila Yaya, Nene at Aling Trining sa atin..." natigilan sa pagsasalita si Barry ng pukulin sya ng intimidating look ni Dean.

"Are you undermining my authority in this house?" kunot noong tanong ni Dean sa dalaga.

"Hindi naman sa ganon kaya lang kung kapamilya na talaga ang turing mo sa kanila bakit kailangang may limitasyon ang kanilang kilos at sasabihin." Pagtatanggol ni Barry sa mga kawaksi.

Napaunat ang likod ni Dean sa pagkakaupo, tama ba ang kanyang naririnig sumasagot ang dalaga sa kanya.

"I don't believe this!" disappointed na sabi ni Dean "So, okay lang sa'yo na bastusin ka ng mga katulong dito sa bahay?" medyo tumaas na ang boses ni Dean.

"Eh hindi naman pambabastos iyon eh..." nahihirapan nang magpaliwanag si Barry "alam naman ni Yaya at nila Aling Trining at Nene ang kanilang limitasyon, nagkataon lang na masyado ng palagay ang loob nila sa akin kaya nila ako nabibiro."

"At hindi palagay ang loob nila sa akin ganun ba?" halata ang iritasyon na umaahon kay Dean.

"Bakit nabibiro ka ba nila Aling Trining?" diretsong tumingin si Barry sa mga mata ni Dean. 

How Often Is Sometimes? (kilig, luha at saya ng umiibig book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon