Published: August 12, 2013
Old A/N:
Maraming thank you pa rin po sa readers nito. Like i said before, kababawan lang ito. Predictable and simple. Kaya salamat po sa pagtitiyaga. Just sharing what I love doing. :) So, basa na! :)
********
CHAPTER 10
TIMMY GIANNE's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at tulad nang nakagawian, kung hindi sa condo ay sa bahay na lang ako tumatambay habang naghihintay sa pag-uwi ng aking asawa galing sa opisina.
"Hi, bes!" si Enchong. Wala yatang araw na hindi siya napupunta sa bahay tuwing mauuwi iyon.
"Hello, bes." matamis pa akong ngumiti.
"Tara, mall tayo. Holiday ngayon kaya wala akong pasok sa office." kayag pa niya.
"Okay, fine!" Hindi na rin naman ako nagdalawang-isip lalo pa nga't ilang araw na rin niya akong kinukulit. "Kaya nga hindi na rin ako nagpalit ng damit para ready to go!"
"Sinabi ko nga," nagkamot pa siya ng ulo sabay nguso sa kanyang suot. Obviously, kahit siya man ay good to go.
Hindi naman na kami nag-aksaya pa ng oras at mabilis kaming pumunta sa pinakamalapit na mall. Kaunti pa ang mga tao sa mga oras na 'yun kaya't mas masarap mamasyal.
"Ang tagal na rin nating hindi nakakalabas, a." nakangiti pa akong dinagil ni Enchong.
Kasalukuyan kaming nasa fast food at nagme-merienda.
"Oo nga, masyado tayong naging busy sa work." mapakla akong ngumiti at saglit na napaisip. Noong hindi pa kasi ako nagsasarili ng tirahan ay madalas kaming lumalabas ni bes. Marami na talaga ang nabago sa buhay ko simula nang magdesisyon akong pakasal kay Xial.
"Lumipat-lipat ka pa kasi ng tirahan. Ayaw mo namang sabihin sa akin." may paghihinampo pang himig niya. Alam kong naninibago siya sa akin dahil eversince ay open na ako sa kanya.
"Ano ka ba, seryoso ako sa job ko, 'no? At saka sobrang busy ko rin talaga. Wala na akong time 'di tulad nang dati." paliwanag ko pa. Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko siya pero nauunahan ako nang hiya lalo pa nga't hindi naman biro ang pinasok kong sitwasyon. Hindi ako sigurado kung maiintindihan ba niya. May mali sa paraan ko pero wala akong ibang choice. Kailangan ko ng pera.
"Ano ba kasi ang work mo na 'yan?" pangungulit pa niya.
"Nasa opisina nga ako. Um... advertising!"
"Really?" kunot-noo pa siya na tipong hindi pa rin kumbinsido. "Anong ginagawa mo d'un?"
"Huh?" napalunok ako at panandaling natigilan sa tanong lalo pa nga't wala naman talaga akong idea sa trabahong iyon! "Wala, boring! 'Wag nga natin pag-usapan ang trabaho! Eto talaga!" Hinampas ko siya sa balikat at gusto ko na lang ay lumubay siya sa kakatanong.
"Oh-kay..." matabang pa niyang sabi. Alam kong hindi siya kumbinsido sa mga pagsagut-sagot ko. Nagdududa siya at ramdam ko iyon sa paraan pa lang nang pagtingin niya.
"Tara na, mag-ikot na tayo. Bibili ako ng damit." kayag ko pa. Gusto ko lang ding iligaw ang takbo nang usapan. Mas lalo akong nagi-guilty kapag ang dami kong kasinungaling sinasabi.
Tumango naman siya at sumunod sa aking sinabi. Nakahinga ako nang maluwag at masayang kumapit sa kanyang braso.
"Ang laki na talaga nang ipinagbago mo..." puna pa niya habang mataman akong pinagmamasdan mula ulo hanggang paa. Ayaw pa rin talagang lumubay ng lokong 'to!
Pasimple kong hinapyawan ang aking sarili sa salamin ng boutique. He's right. Naka pink cropped top blouse, faded ripped skinny jeans and red Stileto. Malayo nga ako sa Timmy na nakilala niya noon. Ako man ay ibang tao ang nakikita sa salamin.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU #Wattys2016
General FictionHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip ng kaibigan at doon nga niya nakilala si Timmy. Si Timmy na sa un...