OLD A/N
group hug guys! can't wait sa new serye nilang dalawa hehe
GOD bless everyone!
about the epilogue thing chorva hehe eto na po tlaga yun. as in! haha oh well, thanks po ulit ng sobrang dami lalung lalo na po sa walang sawang magcomment, kahit pa walang sense yun the fact that u take an effort to say something, nakakapagpasaya po yun skin. so, thank you po tlaga! God bless po! power hug para sa inyong lahat! ;)
********
CHAPTER 20.3.3 (Finale)
TIMMY GIANNE's POV
Ilang days na rin kami ni Xial dito sa L.A. pero ewan ko ba, lately kasi hindi kagandahan ang pakiramdam ko. Madalas akong mahilo at palaging nanghihina.
"Honey," malambing pang tawag sa akin ng aking asawa habang yakap-yakap ako. We just made love at parang sobrang drained kaagad ako. Walang kasawaan ang taong ito! Puro iyon na lang yata ang naiisip niya.
"Hey..." bumaling ako sa gawi niya at ang sarap gumising sa araw araw na siya ang katabi ko.
"You look pale... may nararamdaman ka ba?" Hinipo pa niya ang aking pisngi. Worried agad siya.
"Huh? Okay lang ako. Pagod lang siguro." Mahigpit akong yumakap sa kanya ar agad na idinikit ang dibdib ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naging mannerism iyon. Pero ang sarap lang kasi sa pakiramdam na gan'un ako kalapit sa kanya.
"You keep doing that." Nakakaloko pa siyang ngumiti sabay baba nang tingin sa aming dibdib na magkadikit.
Napaawang ang labi ko at hindi ko naman naisip na mapapansin niya iyon lalo pa nga't madalas naman kaming magkadikit nang hubad.
"What?" Nagkunwari pa akong hindi naiintindihan ang ibig niyang sabihin. Gumapang ang init sa aking pisngi at pasimpleng lumayo.
"You keep brushing your breast to me. Gusto mo pa?" nakangisi pa niyang tanong sabay hapit sa aking baywang.
"Feeling mo naman!" deny ko pa sabay irap.
"But I like that," sabi pa niya sa higit na mas malaking ngisi. "That turns me on..."
"Sira!" Hinampas ko siya sa braso at idinikit ang ang mukha ko sa mukha niya. Magkadikit ang aming ilong at pati amoy niya ay gustung-gusto ko rin.
"I can't stay out of bed because of you," sabi pa niya habang hinahaplos haplos ang balat ko sa likod. Halos mapapikit ako sa sarap na idinudulot noon.
"Sisihin ako?" Muli akong umirap at agad na napangiwi nang maramdaman ang kirot sa aking sentido.
"You don't look really okay, Hon... Ano bang nararamdaman mo?" alalang puna ulit niya.
"Nahihilo kasi ako..." Hindi ko na rin maipagkaila. Para kasing gusto kong masuka.
"Naha-harassed na ba kita?" alanganin pang tanong niya habang matamang nakatitig sa aking mukha. Nakuha pa talagang magluko nito!
Pero sasagot na lang sana ako nang biglang humapdi ang sikmura. Nagmamadali akong tumayo at taka naman siyang napatitig sa akin.
"E-excuse lang, Hon..." nagmamadali ko pang sabi sabay dampot sa aking robe ko na nakakalat sa sahig. Masusuka na talaga ako!
Pagpasok pa lang sa banyo ay halos hindi na ako umabot sa bowl. Mahigpit akong kumapit sa sink dahil parang tutumba ako anomang oras. Ano bang nangyayari sa akin? Nasosobrahan na nga ba kami ni Honey? Three to five times a day... Sobra na ba 'yun?!
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU #Wattys2016
General FictionHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip ng kaibigan at doon nga niya nakilala si Timmy. Si Timmy na sa un...