TIMMY GIANNE's POV Cont.
Nagdiretso na muna ako sa kwarto namin para mag-toothbrush. Ang tagal naming hindi nauwian ang condo unit na 'to, pero mukha namang malinis. Siguro nilinis din ni Hubby kaya gan'un na lang ang pagod ng kolokoy na 'yun. Obvious naman kasi sa mga mata niya ang pagod.
Patapos na akong mag-toothbrush noon nang maramdaman kong pumasok siya sa kwarto. Siguro ay tapos na rin siya maghugas nang pinagkainan namin.
Naabutan ko siyang nakahiga sa bed at nakapikit. Mukhang napagod talaga. Kawawa naman.
"Are you done?" Agad din naman siyang bumangon nang maramdaman niya akong palapit.
"Yup..." Tipid akong ngumiti kasabay nang marahang pagtango.
"Sige, ako naman... right after ihahatid na kita," sabi pa niya bago dumiretso sa comfort room.
Naupo muna ako sa bed namin at nagmuni-muni. Agad ko ring napansin ang cellphone ni Hubby sa bed. Saglit akong sumilip sa may pinto ng comfort room bago damputin iyon. Picture agad namin ang bumungad sa akin. Naka-wallpaper iyon at kinikilig akong napangiti. Ang sweet... Kung hindi ako nagkakamali ay kuha namin ito noong nasa honeymoon kami. But wait, may message siya galing kay Marj? Ang makiring babae na 'yun! Ginugulo pa rin ba niya ang asawa ko?!
Napatiim-bagang ako nang mabuklat ang text.
Fr: Marj
I miss you... I hope one day, you'll learn to forgive me.. Sana rin sagutin mo man lang ang mga text ko sa'yo. Please...
Nagngingit akong nagtipa ng mensahe. Kulang na nga lang siguro ay masira ko ang touch pad. The nerve of this girl.
Fr: Xial
Lubayan mo na ang asawa ko! Btw, it's Timmy! Good bye!
Ang landi lang, huh! Naubusan na ba siya ng lalaki at ipinagpipilitan niya ang sarili niya sa asawa ko?! Kainis!
"So, how do you like my wallpaper?" Halos mapatalon ako sa gulat. Nahuli niya ako!
"Huh, eh..." Napalunok ako at tarantang ninitiwan ang cellphone sa bed. "O-okay lang..." Shit! Paano ko ba buburahin ang message ko kay Marj? Haist! "N-nagandahan lang ako sa u-unit mo," palusot ko pa.
"Really?" Bahagya pa siyang kumunot-noo. "Would you like me to buy you the same unit?"
"H-hindi na, 'no! o-okay lang..." Idiretso mo ang dila mo gaga!
"Okay..." Hindi naman na siya nagpilit.
Agad pa siyang tumalikod at naghubad ng polo. Okay, namiss ko ang ganoong view. Mukhang higit na nadepina ang kanyang mga muscles.
"Anong ginagawa mo?!" Wala pa sa sarili kong tanong habang pinagmamasdan siya sa kanyang ginagawa.
"W-what?" Kunot-noo siya na tipong gusto ring matawa. "Am I not allowed to change my clothes?"
"Oh... o-okay..." Ibig ko sanang batukan ang sarili ko. Ang bilis naman kasi ng takbo ng utak ko! Obvious bang gusto ko siyang makatabi ulit?! Pervert lang talaga!
"Bakit Hon? Would you like to make love before I take you home?" Nakangisi pa niyang tanong.
Nalalaglag ang panga ko at naghalip ng puwedeng isagot. Nablanko ako at ilang beses na ibinuka ang aking bibig pero walang salitang lumabas doon. At mas lalo akong natulala nang hubad barong lumapit sa akin ang loko. Bakit ba parang mas hot siya ngayon? Mariin kong kinagat ang aking labi nang gumalaw ang muscles niya sa tiyan.
"Ehermm..." Natatawa pa siyang umubo. Wala na yatang mas iinit pa sa pisngi ko ngayon. Like seriously, Timmy!
Nag-angat ako nang tingin at sumimangot.
"Feeling mo naman!" Umismid ako bago umirap. Hindi ko kayang i-deny na sexually attracted talaga kami sa isa't-isa. Doon nga kami nagsimula.
"Pero puwede rin naman..." nakangisi pa niyang sabi habang nang-aakit pa niya akong tinititigan. Nangse-seduce ba 'tong loko na 'to? Naningkit ang mga mata ko habang nakikipaglabanan nang tingin.
Nagtaas siya ng kilay bago ilapit nang husto ang kanyang mukha sa mukha ko. Halos gumapang ang init ng kanyang hininga sa buo kong katawan. Amoy na amoy ko ang kanyang hininga. Amoy toothpaste! Ang bango... Shit
"I missed making love to you," bulong pa niya sa tainga ko. Manipis pa niyang hinalikan ang aking balat mababa sa tainga at halos magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Pinigilan kong umungol sabay mariing kinagat ang aking labi.
"Ihatid mo na nga ako, k-kung anu-ano 'yang pumapasok sa u-utak m-mo..." Pinilit kong magsalita nang diretso kahit na parang naghahabol ako nang hininga. Parang wala namang paraan na makaiwas dahil halos mapahiga na ako sa bed. Ang mga kamay niya ay nakatukod sa magkabilang side ko.
Nang titigan ko siya nang diretso sa mga mata ay tuluyan na akong nanghina.
"I love you, Hon..." Yumuko siya at mapanukso akong hinalikan sa labi.
Kinabig ko siya sa batok at mas idiniin ang paghalik. Naramdaman ko ang pagngisi niya sa labi ko. Pinalalim niya ang paghalik at mas lalong dumiin ang kanyang harapan sa pagitan ko. Suminghap ako at ninamnam ang sarap ng kanyang halik. Namiss ko ang ganitong pakiramdam. Hinaplos niya ang aking pagitan at wala sa sariling sinalubong ang haplos niyang iyon. Kilalang-kilala niya ang aking katawan. Walang duda.
"S-sorry..." Hinihingal siyang biglang huminto. Seriously?! Anong drama nito?! "As much as I really want to make love with you, but my headache is killing me..." apologetic pa niyang sabi. Agad din siyang napangiwi at piniga ang pagitan ng kanyang kilay.
Umalis siya sa aking pagitan at nahiga nang diretso sa bed.
"Nagpagod ka kasi masyado," alala pang sabi ko sabay hilot sa kanyang noo. Mariin siyang napapikit sa hilot ko at nanghihinayang na ngumiti.
"Tsss.... wrong timing naman nito," nangingiwi pa rin niyang sabi. Mukhang sakit na sakit talaga.
"Maihahatid mo pa ba ako?"
Dumilat siya at tumango nang isang beses.
"Ayoko namang may masabi ang parents mo sa akin. Baka mas mahirapan akong suyuin sila kapag hindi ako umayos," sabi pa niya nang namumungay ang mga mata. Bumangon siya at agad ding nagbihis ng puting t-shirt at maong. Kahit ano namang isuot niya, ang gwapo pa rin.
"Let's go..." Inilahad niya ang kanyang kamay at wala namang pag-aalangang inabot ko iyon. Ikinulong niya ako sa kanyang matipunong braso habang pinapaliguan nang maninipis na halik sa mukha. "I love you..."
"I love you..."
Lumabas kami ng kwarto at kinuha sa kusina ang mga natira naming pagkain na ipapamigay namin sa steet children.
Hindi na rin naman kami nagtagal at inihatid na nga ako ni Honey sa mansion. Tamang may nadaanan rin naman kaming street children along the way at nasiyahan naman sila sa mga pagkaing pinaghirapang lutuin ng asawa ko.
"Pumasok ka muna..." imbita ko pa sa kanya pero bahagya siyang umiling.
"Some other time, maybe. Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko," mapait pa niyang sabi sabay banayad na pinisil ang aking pisngi. Kawawa naman ang Honey ko. Mukha kasing magkakasakit pa siya base sa hitsura niya.
"Okay ka lang ba talaga?" alalang tanong ko pa sabay hipo sa kanyang noo. Hindi naman siya mainit.
"I'm okay, sige na, pumasok ka na," malambing pa niyang sabi sabay pisil pa sa aking pisngi.
"Sige, ingat ka, huh."
"Thanks. I'll see you tomorrow?"
"Sure." Marahan pa akong tumango sabay matamis na ngumiti.
"I'm going... Bye..." Mabilis pa niya akong kinudlitan nang halik sa labi.
"Bye..."
Sinundan ko na lamang siya nang tingin hanggang paharurutin ang sasakyan palayo sa mansion.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU #Wattys2016
General FictionHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip ng kaibigan at doon nga niya nakilala si Timmy. Si Timmy na sa un...