CHAPTER 12.4.4
TIMMY GIANNE's POV
Halos maghapon kaming nagpapakasaya sa pagsu-swimming nang bigla akong lapitan ni Riche. Napalingon ako sa paligid upang hanapin si Xial. Pero hindi ko pa siya makita. Kukuha lang daw kasi siya nang maiinom namin.
"Kumusta na kayo?" bungad na tanong pa ni Riche sabay upo sa tabi ko.
"Okay lang," alanganin pang sagot ko lalo pa nga't hindi naman kami nagkakausap na dalawa kahit na noong nagta-trabaho pa ako sa club.
"You know what, Timmy, mukhang malapit na rin namang makuha ni Xial ang inheritance niya. Ano nang plano ninyo?" Mataman pa niya akong tinitigan sa mukha at hindi rin nakaligtas sa akin ang paghagod niya nang tingin sa maseselang bahagi ng aking katawan.
"Hindi ko pa alam," matabang ko lang na sagot.
"Hmmm..."
Nag-angat siya nang tingin at pasimpleng itinuro nang tingin ang direksyon ni Xial na noo'y kau-kausap si Marj.
"Do you know that Marj is Xial's one great love?" Seryoso pa niyang sabi.
Hindi ako nakakibo dahil parang nahuhulaan ko nang hindi maganda ang itatakbo nang aming pag-uusap.
"Dapat naman talaga noon pa magse-settle down na si Xial, but it so happened that Marj wanted to pursue her dreams abroad so, they ended breaking up instead," pagku-kwento pa ni Riche. "Xial was so broken-hearted and after that, natakot na ring makipag-relasyon nang seryosohan."
"Bakit mo ikinukuwento sa akin 'yan?" Kumunot ako at diretsong tiningnan siya sa mukha. Higit na mas gwapo si Riche sa malapitan pero mas malaki ang katawan niya kay Xial.
"All I am saying is, hindi pang matagalan ang feelings ni Xial for you. He wanted you in his bed. Iyon lang 'yun. Don't keep your hopes up 'coz you might end up broken-hearted."
"Mahal ako ni Xial..." Lumunok ako upang pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.
"Gaano ka kasigurado?" Nagtaas siya ng kilay bago muling balingan nang tingin sina Xial at Marj. "Look at them. They looked like they were still in love with each other."
Wala ako sa sariling muling tinitigan ang dalawa. Nagtatawanan sila at base nga sa kanilang pagtitinginan ay parang tama ang sinabi ni Riche. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang selos na namumuo sa aking puso.
"Besides, his parents will never accept you," walang preno pa niyang sabi.
Sa halip na sumagot ay isang matalim na tingin lang ang isinukli ko sa kanya.
"Kaibigan ka ba talaga ni Xial? Kasi kung kaibigan ka niya, wala kang ibang hahangarin para sa kaibigan mo kundi ang makita siyang masaya," matigas ko pang sabi bago tumayo mula sa pagkakaupo sa buhangin. Hindi ko na kayang tagalan ang pakikipag-usap sa kanya.
At kasabay rin nang pagtalikod ko ay ang pagtulo nang masaganang luha sa aking mga mata.
Nagdiretso ako sa aming villa at dire-diretsong nahiga sa bed. Hindi ko na lang namalayan na nakatulugan ko ang pag-iyak.
Pupungas-pungas akong bumangon at agad na iginala ang tingin sa kwarto. Wala pa ring bakas ni Xial.
Tiningnan ko ang aking sarili dahil natuyo na ang bikini ko sa aking katawan. Bumangon ako at tumayo mula sa bed. Kailangan ko na magpalit. Naghalungkat ako ng damit na puwede kong isuot at nagbanlaw muna sa banyo. Hindi ko akalaing nakatulugan ko talaga ang pag-iyak. Hindi man lang ba napansin ni Xial ang pagkawala ko?
Matapos kong makapag-shower ay nagsuot na lang muna ako ng beach dress na binili din ni Xial para sa akin. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong tawag dito pero cotton ang tela, halter style at hanggang bukong-bukong ng paa ko ang haba. Bumagay naman din sa slim kong katawan. Summer look din talaga dahil sa bulaklakang disenyo.
Matapos kong makapag-ayos nang kaunti ay lumabas na ako sa villa. Madilim na sa labas pero may mga ilaw naman sa palibot kaya hindi naman siguro ako mahihirapang hanapin si honey.
"Timmy!" Si Gerald!
"Uy," ganting bati ko rin naman nang nakangiti. Mas gumanda ang kutis niya nang mababad sa araw. Mamula-mula ang kanyang balat at mas lalo siyang gumwapo.
"Where are you going?" tanong pa niya.
"Hinahanap ko lang si Xial. Nakita mo ba?"
"Ay, oo, nagku-kuwentuhan sila ni Marj d'un sa gawing 'yun." Si Marj? Kumunot ako at sinundan nang tingin ang gawing itinuturo niya. Bigla akong kinabahan.
"Sige, puntahan ko lang."
"Samahan na kita," volunteer pa niya. Bakit ba ako kinakabahan?
"Sige..." Tumango ako at mas makakabuti nga sigurong kasama ko siya. 'Yung isipin lang na kasama ng asawa ko si Marj ay nawawala na ako sa sarili.
Hindi naman malayu-layo ang nilakad namin ni Gerald. Pero ewan ko ba, ni hindi ko man lang siya magawang kausapin. Mas gusto ko kasing makarating agad sa kinalalagyan n'ung dalawa.
"There they are." Itinuro pa ni Gerald ang dalawang taong nasa may dalampasigan. "Tara..."
Habang naglalakad kami palapit ay mas lalong lumakas ang kalabog ng puso ko. Napalunok ako nang matawan ang dalawang imahe ng taong sobrang lapit sa isa't-isa.
No, hindi sila ang nakikita ko. Impossible. Inalog ko ang ulo ko at mariing pumikit. Nang muli kong iminulat ang aking mga mata ay agad na naglandas ang luha sa aking mga mata.
"Tim..." Napatingin lang ako kay Gerald na alalang hinagod ang aking likod. Napahikbi ako at muling ibinaling ang tingin kay Xial na noon ay nakahiga habang nakapatong si Marj sa kanyang ibabaw. Naghahalikan sila.
"X-xial?" Parang gustong sumabog ng puso ko. Totoo ba itong nakikita ko? Sila?
"Timmy?" gulat pang nag-angat nang tingin si Marj. Sa reaction pa lang niya, alam kong hindi niya inaasahang makikita ako.
"H-hon?!" Ang gago... "Hon, I can explain this!" taranta pa niyang tinabig si Marj pero mas binilisan ko na ang galaw. Mabilis akong nagtatakbo palayo at hindi na pinansin ang maraming beses na pagtawag niya.
Pero gan'un na lang din ang gulat ko nang may biglang humablot sa aking braso. Naabutan pa rin niya ako.
"Hon, please," pakiusap pa niya pero wala na akong makitang paliwanag sa nakita ko kanina.
Pinilit kong makawala sa kanyang hawak at muling tumakbo palayo.
"Hon, please stop!"
Mahigpit na naman niyang nahawakan ang aking braso. Halos wala na akong makita dahil sa panlalabo ng mga mata ko sa luha. Pinilit ko ulit alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Wala akong ibang maramdaman kundi ang bigat sa aking dibdib. Ni hindi ko nga alam kung tumitigil ba ang luha ko sa pagpatak.
"Magpapaliwanag ako," sabi pa niya. "Listen to me first. Please..." Sumamo p niya pero bingi na yata ako sa paliwanag. Sapat na ang nakita ko. Sapat na.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na sampalin siya. Galit na galit ako dahil mahal ko siya pero niloko niya ako!
"I hate you..." iyon na lang ang salitang kaya kong bigkasin.
Gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata at noon na ulit ako kumawala sa kanyang hawak.
Nagtatakbo na ulit ako palabas sa resort na 'yun. At nang makita kong may paparating na bus, ay agad ko iyong pinara. Nakasakay na ako nang makita kong humahabol si Xial. Pero eto na 'yun. This is goodbye.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU #Wattys2016
General FictionHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip ng kaibigan at doon nga niya nakilala si Timmy. Si Timmy na sa un...