Chapter 18.2.2

78.7K 1.5K 20
                                    

CHAPTER 18.2.2

TIMMY GIANNE's POV

Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin ni nanay habang nakasakay kami sa kotse. Papaano naman kasi ay pinasamahan kami ni Mommy sa bodyguard. Gayon pa man, kahit walang sabihin si nanay ay kuhang-kuha ko na sa mga kilos niya na dapat ko talagang ipagdiwang ang araw na ito kaya sobrang excited na akong makauwi sa aming lumang bahay.

"Saan ka pupunta?" sita ko pa sa bodyguard na balak pang pumasok sa bahay namin! Pinigilan ko ang inis dahil alam ko namang sinusunod lang niya ang utos ng aking magulang.

"P-papasok po sa loob..." taranta pang sagot niya sabay nagkamot ng ulo. "Pasensya na po, Señorita, sumusunod lang po sa utos."

"Ano bang ine-expect mo sa bahay namin? Kami lang ang nakatira dito! Bigyan n'yo naman ako ng kaunting privacy. Kung trabaho ninyo ang inaalala ninyo, ako na ang mananagot para sa inyo!" Galit-galitan pa ako kahit na hindi ko sigurado kung nakakatakot nga ba ang dating ko.

"S-sorry po, Señorita..." Yumuko siya at tahimik na bumalik sa kotse. Thank God at hindi naman na siya nangulit pa!

Agad rin namang isinara ni Nanay ang pinto at ini-lock iyon.

"Nasa kwarto mo si Xial..." pabulong pang sabi ni Nanay sabay sulyap sa hagdan papanhik sa pangalawang palapag.

"Thanks po, 'Nay..." sabi ko pa sabay yakap nang mahigpit. Alam kong hindi madali para kanya ang magsinungaling kay Mommy pero ginawa pa rin niya para sa akin.

"Sige na, mag-usap na muna kayo. Alam ko naman kung gaano mo na namimiss 'yun." Nakangiti pa siyang kumindat sabay banayad na tulak pa sa akin. Sobrang bait talaga niya. Wala akong masabi.

Kaya naman nagmamadali akong umakyat sa ikalawang palapag kung saan nandoroon ang kwarto ko. Agad ko ring natanawan si Honey na naghihintay sa may pinto!

Nagliwanag ang kanyang mukha pagkakita pa lang sa akin.

"Timmy!" Mabilis ang kanyang mga hakbang palapit at agad na isinarado ang espasyo sa pagitan naming dalawa.

"Xial!" Ibinalik ko ang yakap sa kanya at ibinaon ang aking mukha sa kanyang matipunong dibdib. Halos mapapikit ako sa sarap ng kanyang amoy. Namiss siya nang sobra-sobra!

"Honey..." malambing pang aniya habang hinalik-halikan ang aking buhok. Ramdam na ramdam ko rin ang pagkamiss niya sa akin. "I miss you. So. Damn. Much." Saglit niyang kinalas ang yakap sa akin at sa halip ay ikinulong ang aking mukha sa kanyang mga palad. "How are you?"

"I missed you..." Hindi ko napigilan ang maging emosyonal. "Ayaw nila akong palabasin ng bahay..."

"I've been trying to call you..."

"Kinuha ni Dad ang cp ko. Pinaputol rin niya 'yung landline sa kwarto ko," naiiyak pang pagsusumbong ko. "Ano bang gagawin natin?" Alala ko pang tiningala ang kanyang gwapong mukha.

Malalim lang siyang napabuntong-hininga at alam kong marami ring tumatakbo sa kanyang isip ngayon.

"Hey..." Pinatahimik muna niya ako sa pagsasalita sabay banayad akong hinila papasok sa aking kwarto. Nang nasa loob na kami ay agad din niya iyong isinarado at ikinandado. "Stop crying..." Pinunasan niya ang aking luha gamit ang kanyang daliri. Bakas sa kanyang mukha ang habag at pag-aalala.

"Mukhang galit na galit talaga sa'yo sina Dad, eh. Ano bang gagawin natin?"

"What if we elope?"

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon