SWAT 1: Stalker

7.2K 226 26
                                    

Alessandra's Point of View.

'Huwag kang sasama sa kaniya...mamamatay siya."

Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko sa aking nabasa. Hindi ko na kailangang alamin pa kung sino ang nagtxt. Siya lang naman ang makakayang magsabi ng mga ganitong bagay. Siya lang naman ang kayang takutin ako ng ganito. I h-hate it!

"Ey Sandra!" Muli akong nagbalik sa aking wisyo ng biglang tapikin ni Jiro ang kaliwang balikat ko.

"A-ah bakit?" Pinilit kong ngumiti para kahit papaano ay maitago ko ang takot na aking nararamdaman. Mukhang hindi naman niya nahalata dahil ngumiti din ito pabalik sa akin.

"Diba inaaya kitang ihatid ka sa bahay ninyo."

"H-huwag na Jiro! Ano ka ba! H-huwag na."

Agad akong nagpanic sa alok nito na ihatid ako. Ito nga ang sinasabi niya, hindi dapat ako sumama. Nagulantang pa nga ako ng hawakan niya ang kamay ko. Tumawa ito ng bahagya at tsaka binitawan na din kaagad.

"Bakit nanginginig yang kamay mo? Natetense ka ba sa akin? Crush mo ako noh?"

Agad ko namang itinago ang kamay ko sa aking likuran para hindi na niya tuluyang mapansin pa ang nanginginig ko ngang kamay. Ano ba naman iyan Jiro! Huwag mo nalang pansinin.

"Tara na! Ngayon lang naman! Sige na." Pagpupumilit niya sa akin habang nakangiti padin. Mabait na kaibigan si Jiro kaya hindi dapat siya madamay sa kabaliwan ng taong iyon.

"J-jiro kasi! Huwag na. N-next time!"

Hindi ko na alam kung paano ako napilit ni Jiro na sumakay sa kotse niya. Mayaman sila Jiro kaya naman kahit ano mang bagay ay nakukuha niya pero mabait naman siya. Hindi naman spoiled brat kagaya ng iba dito.

Bumalik ang takot ko kanina ng maramdamang nagvibrate ang cellphone ko. Hindi ko ito kinuha mula sa bulsa ko kasi baka pag nabasa ko iyon ay maisipan ko pang tumalon agad dito sa bintana nitong kotse ni Jiro. Napahinga nalang ako ng malalim. Kalma Alessandram, kalma muna.

"Hey Sandra! Okay ka lang ba? Mukhang ang layo na ng iniisip mo. Saang planeta ka na nakarating?" Napatingin ako kay Jiro na nasa tabi ko na nagdra-drive.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kaniya. Hayy sana nga sa pag-iisip ko dito ay makatakas na ako sa mundong ito. Life is just too hard for me. Na lahat ng ginagawa ko ay parang suicidal. Why? Bakit kailangang maging ganito? Can I just get a simple life? A peaceful one.

"O-okay lang naman. I-ikaw kasi, bakit mo pa kasi ako ihahatid." Pabulong na sabi ko at tumingin ulit sa bintana.

Tumawa lang siya sa aking sinabi. "Ako kaya si Jiro! And no one can resist my charm!" Proud niyang sabi.

Bumuntong hininga nalang ako. "E-ewan ko sa iyo."

Nadoble ang kaba ko ng bigla ulit magvibrate ang cellphone ko. Lord help me! Sana hindi siya ang nagtxt sa akin. Sana. At sana wala siyang ibang gawin. Ayokong may mapahamak pero talagang lapitin na talaga ako.

"Down to Earth Sandra, nandito na tayo" Itinigil niya ang kaniyang kotse sa tapat ng bahay namin na ako lang naman ang nakatira ngayon.

"S-salamat Jiro! S-salamat." Sincere kong sabi pero hindi parin talaga mawala ang takot ko.

Nginitian niya ako ng napakatamis at tsaka sumaludo pa sa akin. "You're always welcome!"

Bumaba na ako sa kotse niya. At nung umalis siya ay nagwave ako ng konti pagkatapos ay agad kong binuksan yung maliit na gate ng bahay at pumasok na sa loob. Bumungad sa akin ang pusa ko na si Jamie. Binuhat ko ito at hinimas-himas ang napakaputi at napakalambot na balat niya.

Stalker With A TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon