SWAT 13: Dont fall

3.2K 145 14
                                    

X's Point of View.

"I l-love you X."

Wala siyang ideya kung gaano ako kasaya noon narinig ko iyon mula sa kaniya. Ang saya saya ko. Masaya ako kahit na alam kong....hindi naman iyon totoo.

Hindi totoong mahal niya ako. Joke lang siguro iyon dahil lasing siya pero kahit na, Jokes are half meant sabi ko nga.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang secretary ko. That damn Andrew! Tss. Makakatikim sa akin iyon. Pilitin ba namang sumayaw ang mahal ko.

"Hello boss?"

"Andrew Salvatye. I want him dead, now. Bastusin ba naman ang mahal ko." Sabi ko sabay tingin sa katabi kong mahimbing na natutulog.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Para siyang anghel na natutulog. Napadako ang paningin ko sa kaniyang bibig na mejo nakabukas pa. Pulang-pula pa ang labi niya.

Napalunok ako. Kaya ko namang pigilan ang sarili ko lalo na at mahal ko siya. May respeto ako kay Alessandra.

"Boss?" Natauhan ako ng bigla ulit magsalita ang aking secretary sa kabilang linya.

"I love her." Bulong ko habang nakatingin sa mahal ko.

"You do really love her boss. You do."

Pinatay ko na ang tawag at ilinagay ang cellphone ko sa aking bulsa. Pumunta ako sa banyo ng condong ito. Bago ang condo na ito at kabibili ko lang para sa mahal ko. Humarap ako sa salamin at tinanggal ang mask ko. Napabuntong-hininga ako.

Ang gwapo ko talaga.

Pagkatapos kong maghilamos ng mukha ay lumabas na ako ng banyo. Mahimbing paring natutulog ang mahal ko. Pumunta ako sa couch at naupo. Dito ako natulog kagabi.

Kahit pa lasing at tulog ang mahal ko, hindi pwedeng magkatabi kaming matulog dahil baka paggising namin, hindi ko na siya magawang iwan pa.

Tiningnan ko ang orasan ko. Kailangan ko ng umalis. Baka magising na siya.

"Paalam mahal ko." Sabi ko kay Alessandra at hinalikan ang noo niya bago ako umalis ng condo.

Paglabas ko ay isang lalake ang bumungad sa akin. Napakunot-noo ako habang siya naman ay nakangisi. Damn this shit.

"Tres."

"Bagong bili na condo para sa mahal mo?" Nakangising tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at maglalakad na sana palayo ng bigla siyang magsalita. "Nakalimutan mong isuot ang mask mo."

Natigilin ako. "Ano naman yun sa'yo?"

"Tsk tsk tsk. Baka mabuko ka niyan. Dumalangin kang hindi ko masabi kay Alessandra---"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Papatayin kita Tres, tandaan mo yan. Konting panahon na lang at masasabi ko na sa kaniya kung sino ako. Papatayin kita kapag inunahan mo ako."

~~~~~~~~~~~

Alessandra's Point of View.

"Tres?!"

Hawak-hawak ko ang puso ko ng magising ako, mukha ba naman niya ang bumungad sa akin. Nakangisi pa siya. Waaaah! Nagmu-mukha siyang manyakis lalo!

"Goodmorning Bhabes!"

Ano namang good sa morning kung mukha mo ang bumungad sa akin. Hayyy. Nagiging maldita na ako dahil kay Tres.

"Teka, bakit ka nandito?"

"Bhabes, hindi ba dapat ang tanungin mo ay kung bakit KA nandito?" Pabalik na tanong niya kaya naman napadako ang tingin ko sa paligid.

Nanlaki ang mga mata ko. Oh god! Nasaan ako? Mukhang pa namang mamahalin ang lugar na ito. Ang bango pa ng paligid. What the?! Nasaan ako?!

Stalker With A TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon