SWAT 7: X!

3.8K 163 8
                                    

Alessandra's Point of View.

"Noah bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya pagbukas ko sa gate namin.

"Aayain sana kitang pumunta sa mall." Deretso niyang sagot kaya naman napakunot-noo ako.

"Anong gagawin natin doon?"

"Ano bang ginagawa sa mall?"

"A-ah sorry! Busy ako." Pagdadahilan ko dahil alam niyo na, baka idamay pa siya ni X.

Oo, ilang beses na kaming nagkasama ni Noah pero hanggang ngayon ay hindi padin siya dinadamay ni X. Siguro ay dahil maimpluwensya at makapangyarihan ang pamilya nila Noah pero hindi padin dapat mapanatag ang loob ko.

"Ano bang ginagawa mo?" Kunot-noong tanong niya kaya naman napakagat-labi ako. Ano nga ba?

"P-pinapakain ko kasi si Jamie."

"Tsk. Yun lang? Busy ka na nun."

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ano ka ngayon Alessandra! Hindi ka kasi magaling magsinungaling! Argh!

"T-tuloy ka muna." Sabi ko at linuwagan ang bukas ng gate para makapasok siya.

"Nice pajamas Alessandra." Puna niya sa pajamas ko kaya naman napatungo ako. Pikachu pa naman yung design.

"H-hindi pa kasi ako naligo kaya--"

"Nasaan si Jamie?" Tanong niya kaya naman pumasok na kami sa bahay.

Nasa sofa si Jamie na kumakain kaya naman agad niya itong kinuha at hinaplos yung malambot at puti niyang balay. Mejo close sila ni Jamie eh. Pati nga nung natulog siya dito ay magkatabi daw sila.

"Hi kitty." Nakangiting bati niya kay Jamie kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kanila.

Buti pa si Jamie ngini-ngitian niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. Oo, ang aga aga pa kaya! Kaya naman hindi pa ako nakaligo.

"Nope. Balak ko sanang magbreakfast sa mall kasama ka."

"A-ah ganun ba?"

"Maligo ka na para naman makapunta na tayo."

"P-pero kasi---"

"Kung gusto mo, bago tayo pumunta sa mall ay dalawin muna natin si Jiro sa hospital."

Si Jiro, gusto ko sana pero...si X kasi. Kailangan ko muna siyang itxt. Nagpaalam ako kay Noah na pupunta lang ako sa kwarto ko at pumayag naman siya. Umupo ako sa kama ko at itinxt si X.

'X, gusto kong dalawin si Jiro.'

Sana naman ay payagan niya ako. Tatlong minuto ang lumipas bago nagvibrate ang cellphone ko. Agad ko namang binasa ang message.

'Is ten minutes enough mahal?'

Ten minutes? Okay na okay na yun para makita ko si Jiro. Napangiti ako at pumunta na sa banyo para maligo.

Bumait ata siya. Napailing nalang ako sa naisip ko. Of course hindi na magiging mabait iyon. Tss.

~~~~~~~~~~

"Jiro Corpuz po." Sabi ko sa nurse na kasalukuyang nandito sa nurse station.

"Jiro Corpuz? Sa Room 111 po siya. Sa left po yung way tapos deretso lang po."

"Salamat po!" Sabi ko at hinila na si Noah. Gusto ko ng makita si Jiro.

"Excited eh?" Tanong ni Noah habang hinihila ko siya.

"Ngayon ko lang madadalaw si Jiro eh." Kibit-balikat kong sabi.

Ilang minuto ang lumipas ay natagpuan na namin ang room ni Jiro. Malaki ang hospital na ito kaya naman mejo nahirapan kaming hanapin ang room niya.

Stalker With A TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon