SWAT 4: Save

4.2K 174 13
                                    

Alessandra's Point of View

"Bye Jamie~"

Kinawayan ko si Jamie at lumabas na ng bahay. Kinuha ko ang bike ko at pumunta na sa school. Nung time na pumunta ako sa bar ay ginamit ko itong bike ko pero hindi ko na matandaan kung bakit bumalik ito dito sa bahay kasi sabi ni Noah ay inihatid niya ako gamit ang kotse niya.

Sa bahay natulog si Noah nung gabing iyon dahil gabing-gabi na. Sa sofa daw siya natulog kaya naman nahiya ako. Si Noah? Si Noah Aventa?! Natulog sa sofa namin?! Hayyyy.

Ipinark ko sa labas ng school namin yung bike ko dahil baka mapagdiskitahan pa ng mga rich kid etong bike ko. Alam niyo na, kotse yung mga dala nila.

"Diba siya yung babae sa bar?"

Tumungo ako at dali-daling naglakad sa hallway. Bakit sila nakatingin lahat sa akin? I used to be invisible here.

"Well well well."

Napatigil ako ng may magsalita sa likuran ko. Hahayaan ko na sana ito at maglalakad na ulit ng bigla niyang nahawakan ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit. Teka ano to?

"What now bitch?" Natatawang tanong niya sa akin. Hinaawakan ko ang buhok ko dahil nakahawak padin siya. Nasasaktan na ako.

Hinarap niya ako at tama nga ang hula ko, siya si Francene. Kasama niya ang tatlong alagad niya na nakangisi ngayon dahil sa eksenang ginagawa nila.

"You instantly became popular my dear." Sabi sa akin ni Francene kaya naman napalingon ako sa paligid at lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa amin.

"Well naging popular lang siya dahil sa kalandian niya France. And popular ba ang maitatawag sa kaniya? Hahaha. Everybody hates her now." Sabi ng isa sa mga alagad niya na may yellow ang buhok.

"Hahaha. Malandi kasi. Si Noah ba naman ang linandi niya." Sabi naman ng alagad niyang may blue ang buhok.

"Now girl, tell me kung anong gayuma ang ginamit mo para mahalikan mo si Noah?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ng alagad niyang may green ang buhok.

Anong sinasabi niya? Kailan ko pa hinalikan si Noah?

Nagtakbuhan ang mga ibang estudyante ng magring ang bell. Lalong hinigpitan ni Francene ang pagkakahawak sa buhok ko.

"Die bitch! You should be ready." Ngisi niya at umalis na kasama ang mga alagd niya.

Kitang-kita ko pa kung paano sila magflip ng hair bago sila umalis. Napahinga ako ng malalim at napabagsak sa kinakatayuan ko.

So Im their next target? Hindi ba pwedeng mamatay nalang ako para hindi na maranasan ang mga ito sa akin? Bakit pakiramdam ko, ang unfair ng mundo?

~~~~~~~~~

"Bakit mo siya pinatid ha?!" Bulyaw ni Jenalyn sa pumatid sa akin.

Agad naman akong tumayo at hindi inalintana ang dumudugong tuhod ko. Inawat ko na si Jenalyn. Pwede siyang madamay na mabully sa ganitong ginagawa niya.

"Ano namang pake mo?" Masungit na tanong ng lalakeng pumatid sa akin.

"Aba gago ka ba!? Kaibigan ko ang pinatid mo!" Sigaw ulit ni Jenalyn kaya naman nakakakuha na kami ng atenyon.

"J-jenalyn tara na."

"Sandra naman! Bakit---"

Stalker With A TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon