17: The First Stalk

3.1K 128 8
                                    

Alessandra's Point of View.

"Teka nga bes! Bakit parang iniiwasan mo ako!"

Tumalikod ako para harapin si Jenalyn.  "Jenalyn, hindi kita iniiwasan. Gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon dahil sa nangyari kay Jamie." Pagdadahilan ko.

"Nang dahil lang kay Jamie?! Bes! Pusa lang yun! Ako, kaibigan mo. Alam ko namang iniiwasan mo ako eh."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Pusa lang? Hindi lang siya pusa lang Jenalyn! Siya ang mga pinagsasabihan ko ng mga bagay na hindi ko masabi-sabi sayo na kaibigan ko!" Nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagtaas ng boses ko.

"S-sandra---"

"Now tell me Jenalyn! Kilala mo si X hindi ba?!"

Hindi siya nakasagot sa tanong ko kaya naman natawa ako ng sarkastiko. I knew it! Magkasabwat sila ni X!

"S-sandra kasi--"

Nginitian ko siya ng puno ng pait. "Noon ko pa napansin Jenalyn."

"W-what do you mean?"

"Hindi ko lang talaga inaasahang totoo pala ang aking hinala noon palang! Nagbulag-bulagan lang siguro ako noon dahil alam kong kaibigan kita Jenalyn."

Napayuko siya at alam kong umiiyak na siya dahil sa mga malalakas na paghikbi niya. Tumulo ang luha ko pero agad ko itong pinunasan.

"Kasabwat mo ang taong nangpapahirap sa akin ng ganito Jenalyn. Ang tanga ko para mapaniwala mong kaibigan kita."

Tumalikod na ulit ako. "Our friendshit is over Jenalyn."

Pagkalayo ko sa kaniya ay pumunta ako sa likod ng school namin at doon umiyak ng umiyak. Ang kaisa-isang kaibigan ko, kasabwat ng baliw na iyon. Hindi ko matanggap.

~~~~~~~~~~~~~~~

Flashback.

"Bes nabobored ako. Wala pa naman si Freda, absent." Sabi ko kay Jenalyn.

Wala kasi yung teacher namin ngayon dahil may sakit daw. Si Freda naman absent, hindi ko alam kung bakit. Kami lang ni Jenalyn dito sa room namin ngayon dahil hindi ko trip lumabas. Mamaya mabully pa kami ng mga walang magawa.

"Oh? Eto oh! Hahaha. Magtawag-tawag tayo ng mga hindi natin kilala! Masaya yun!" Suggest niya kaya naman pumayag nalang ako. Wala namang mawawala, load lang ni Jenalyn. Hahahaha.

"Anong number ita-type ko?" Tanong ko kay Jenalyn. Kinuha niya sa akin yung cellphone niya at nagdial-dial.

Nung first try, cannot be reach yung number hanggang sa nagdial ulit si Jenalyn. Doon na may sumagot sa tawag.

"Hello?" Sagot ni Jenalyn at bumungisngis.

('Sino detuy?') Sagot ng nasa kabilang linya kaya natawa ako. Hahaha. Iba pa yung language nun.

"Hello sis! Ako si Tirta sis! Hindi mo ba ako naalala? Ako yung batch mate mo noon?" Pigil-tawa na sabi ni Jenalyn.

('Wrong call kansa ading. Taga-anu ka?')

Lalo akong natawa ng malakas. Hahaha. Yung wrong call lang yung naintindihan ko dun. Hahaha. Ilokano ata yung dialect nun.

"Ay wrong call? Ay oo sis! Wrong call ako! Sige bye hahahaha."

Pinatay na ni Jenalyn yung tawag. Nag-apiran kaming pareho at tumawa. Nagdial ulit siya at ibinigay naman sa akin yung cellphone niya.

"Uy nagriring!" Excited na sabi ni Jenalyn.

Stalker With A TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon