Chapter 4 (Brave)

9.9K 319 12
                                    

TRISHA'S POV

Nang tumunog ang mahiwagang bell ay agad ko ng dinampot ang bag ko at naunag lumabas ng room dahil ayaw kong makasabay at makita ang pagmumukha nong tarantadong baklang yun! nakakasira siya ng araw at mas lalong nakakasira siya ng kagandahan! ang aga-aga pa para mainis ako ng ganito at isa pa mas mabuting lumayo sa gulo!

"Trish! Trish!"

"Ano?!"

"Ohh easy! hindi kami ang kaaway mo"

"Alam ko!"

"Wag ka ngang sumigaw, nakakahiya ka e" pinalo pa ako ng mahina ni Danna

"Wag nga! naiinis ako sa gonggong na yun! gago lang amputa!"

"Watch your words Trish, baka may makarinig na Lecturer at iisiping wala tayong modo" pangangaral saakin ni Erika

"Yeah, yeah. But still! naiinis ako" gigil na wika ko

"Halata nga hihihi" wika ni Athena

"You're stressed, let's eat desserts. Yun ang mabisang lunas e" ani ni Danna saka ako hinila

"Pano naman yun makakatanggal sa inis ko, aber?"

"Baliktarin mo yung salitang STRESSED at DESSERTS. Kaya makakatanggal talaga yan ng inis dahil kasalungat e hahahha" humagalpak sa kakatawa si Athena

"Sweet taste promotes happiness, contentment, calmness, cheerfulness, love and satisfaction in the mind" mahabang wika ni Erika

"Here comes the genius!"

"Ginoogle mo?"

"Magsitahimik kayo! Sumasakit ang ulo ko sa kaingayan niyo e!" reklamo ko

"Hindi! Yun naman talaga ang nagagawa ng Sweet foods. Hindi niyo alam? hindi niyo alam? hahaha kawawa pala kayo e!"

"Ikaw na matalino Erika! Tara na nga sa Cafeteria at ng makakain na tong si Trisha."

Pumasok na kami sa cafeteria at laking gulat namin sa aming nasaksihan.

"Omo!" napatakip pa sa bibig na sabi ni Danna

"This can't be!" react rin ni Erika

Ang haba ng pila! At walang bakanteng upuan!

"Mabagal ba ang service rito at kay tagal makaserve?" inis na wika ko

"Don't worry, you have me. Magagawan ko to ng lusot. Everybody! Watch and Learn." nakangising wika niya at rumampa

"Hey boys, can we sit next to you?" maarte at seductive na wika ni Athena, sinabayan pa ng pagflip ng buhok

"No"

"Bawal"

"Kumain kayong nakatayo"

"Tabi nga mawawalan ako ng gana sayo"

"Orderan mo nalang ako ng pagkain roon" utos pa nong matabang lalaki

Parang na-glue si Athena sa kinatatayoan niya at hindi malaman kung ano ba ang dapat gawin kaya nilapitan namin siya at hinila palayo ron sa mga bastardo.

"Order ka na ron Trish at Athena, kami nalang ni Danna ang maghahanap ng mauupoan natin"

"Ah buti nga Erika naisip mo yan, sige sige"

"Okay" sagot ko at hinila ulit ang wala sa sariling si Athena

"Trish, p-panget ba ako? Kapalit-palit ba ako? Then why!!"

"Shut it Athena! Gutom ako. At saka yang linyahang yan kay Liza yan e tapos ikaw? nagmumukha kang Lisa e"

"It's okay maganda rin naman yun! Kailan mo pa nakilala si Lisa? Fan ka rin niya?" nakangiting tanong nito at mukhang excited

School Clash (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now