Chapter 13 (The Rule is Over)

7.3K 273 8
                                    

TRISHA'S POV ✏

Nagising ako sa liwanag ng araw. Today is thursday, I guess. Nag-inat inat na ako and did my morning routines. Binilisan ko ang bawat kilos ko dahil malelate ako kapag nagkilos pagong ako.

"Mauna na kayo" wika ko sakanila at sinuklayan ang aking basang buhok

"Matagal ka pa ba?" nag-aalalang tanong ni Athena

"Bakit late kang nagising?" pag-uusisa ni Danna

"I had training. Napasobra, kaya sumasakit katawan ko"

I have a muscle ache since I woke up. Ito ang nagiging dahilan kung bakit tinatamad akong gumalaw. Gusto kong lumiban ng klase ngunit hindi ko magawa dahil nakakahiya naman. Kumain muna ako saglit pagkatapos ay tumakbo na papuntang classroom.

"Im sorry for being late, prof" hinging paumanhin ko na agad niya naman akong tinanguan at hinayaang maupo na sa aking upuan

"Okay class I have an announcement" anunsyo nito

"Alam naman natin na malapit na ang battle of the schools. I just want to good luck the players and participants since hindi na tayo makakapagmeet kasi most of the time will be given to all of you to practice. Remember, you should ace the contest you are joining and should bring home the bacon." 

Nagsigawan ang halos lahat, pawang excited. 

Mabilis na umikot ang kamay ng orasan. Nang tumunog na ang bell ay mabilis kaming tumayo at lumabas ng classroom.

I was trying to search for Van but I didn't saw him. Napabuntong hininga na lamang ako at inayos ang aking magulong buhok. 

"Hindi niyo ba nakita si Van?" tanong ko dahil hindi na ako makapagtimpi

Natigilan sila sa kanilang paglalakad at agad na tinitigan ako. Ngumiting aso si Danna sa'kin na agad ko rin namang tinugunan ng irap.

"Kakausapin ko lang siya, I have something to tell him"

"And what is it?" pag-uusisa ni Ericka

"Something--"

"Something personal?" Athena asked

"Hmm" tanging nasagot ko 

"Taray ni Trisha ngayon! Sabog ang mukha, masakit ang katawan! At ngayon ay hinahanap si Van dahil may sasabihin!" panunuya ni Danna

"Don't start it," pagpigil ko. "Kailangan kong kausapin si Van"

"Don't tell us--"

"You two did something--"

"How could you-- Trish, did you--"

"We did what?" inosenting tanong ko sakanila. Ilang saglit pa ay nakuha ko ang kanilang mga titig. "It's not what you think, kakausapin ko siya tungkol sa rules dito sa school"

Dahil sa sinabi ko ay sabay sabay silang nagpakawala ng malalim na hininga na parang sinasabing relieved sila sa naging sagot ko. Sinabi ko sakanila ang plano kong kombinsehin si Van na ibalik sa dati itong paaralang ito. Sa dati kung saan, masaya at may freedom. Hindi katulad ngayon na parang Martial law!

"Balak niyong baguhin ang rules na ginawa ng four kings?" 

Napahinto ako saaking hakbang at kumalabog ang aking dibdib. Napalingon ako sa babae'ng nagsasalita. How did she know? did she eavesdrop? 

"Who are you?" 

Hindi pa niya nasagot ang aking katanungan ay agad na nagsalita si Danna sa aking likuran. "Sheena! It's nice to see you again"

School Clash (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon