Chapter 5 (Surprise)

9.4K 298 12
                                    

Erika's Pov

"Bilis late na tayo" 

"Oo na, tara na" pagalit na sabi ni athena

Ang init naman ng ulo. Siguro may dalaw 'to. Alam naman nating lahat na kapag ang isang babae ay may dalaw ay talagang maiinipin.

"Huy? May dalaw ka ba?" Sabi ko habang hinahabol siya

"Kung maka huy akala mo wala akong pangalan! At isa pa wala akong dalaw!" inis na wika niya

Siguro hindi maganda ang gising ni Athena dahil ang init ng ulo niya haha. Mabuti pa ako at maganda ang gising ko dahil hindi ako napuyat kagabi.

"Magtutulala ka nalang ba diyan Trish? Sa tingin mo makakaabot tayo sa school habang nakatulala ka?" Athena

"Hahaha wag niyong gulohin si Trisha nag-s-spell ng cast yan para magteleport!" gatong ko naman habang humahagalpak

"Huy kapag si Trish magagalit magiging goku yan tapos magsu-super saiyan. Parang ganito Kamikamiwave!" sigaw pa ni Danna habang inaaction kung paano ginawa ni Goku yun

"Togeks! Walang kayo! kaya dapat don ay ikaw-ikaw-wave! hahahhaa" hagalpak ni Athena

"Ang co-corny niyo! ang badoy shit! hindi yun kamikamiwave! kundi kamehameha wave." pagtatama ko sa kanila

"Alam niyo? Mga pakyo kayo! Hito kayo ohhh, malaking fuckyouuu!" inis na wika ni Trish at binilisan ang pagbaba sa hagdan

Tumatakbo kami paakyat sa hagdan. Mas lalo akong nainis dahil sa dami ng hagdan rito. Kung sana ay nilagyan nila ng Elevator edi sana mabilis lang.

"Ayy tika! may nakalimutan ako sa locker, fuck! Una na kayo at susunod agad ako"

Ang malas naman dahil nakalimutan ko yung notebook ko. Kaya naman ay binilisan ko ang takbo ko papuntang locker at hinihingal na binuksan yun at dinampot ang mga gamit ko at mabilisang bumalik sa dinaraanan ko kanina at nagparkour pa ako kahit na nakapalda ako. Wala namang nakakita e hahaha.

Binuksan ko ang pinto at nakitang nagsimula na sila sa klase. 

"Sorry po" hinging paumanhin ko na agad namang tinanguan ng Lecturer at hinayaan akong maupo sa upuan ko

Habang nagdidiscuss yung teacher ay pilit kong iginagalaw yung hita ko dahil nakaramdam ako ng basa at malagkit. Shit! Don't tell me may dalaw ako?! This can't be! Kakatapos ko lang no'ng first week ng month na ito e. Baka bumalik yung dalaw ko? Ehh kainis! bakit ngayon pa?! pasimple kong nilagay sa hita ko ang kamay ko at saka inamoy kung anong amoy

Yuck kadiri! ang baho ng amoy! Amoy glue! 

'At sino namang hinayopak ang naglagay ng glue rito sa upuan ko?! Malaki siyang pakshit! ginigigil niya ako!'

"Shit! sinong naglagay ng glue sa upuan ko?!" Malakas at galit na galit na sigaw ko at napatayo pa ako

"Calm down Ms Erika"

"Sorry po Maam" hinging paumanhin ko at padabog na dinampot ang extra paper ko at pinahid don sa upuan at sa mga hita ko

"Paano mo nalaman na may Glue ang inuupuan mo?" Bulong ni Trisha

"Eh kasi nanlagkit yung paa ko sa upuan" 

Maikli kasi ang paldang suot ko at dahil narin sa kalikotan ko kaya naramdaman ko yun.

School Clash (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon