Chapter 10 (Slave)

8.3K 262 11
                                    

TRISHA'S POV ✏

"Ah" angal ko ng nilagyan nila ng betadine yung sugat ko sa labi

"Betadine lang umaaray ka?! Samantalang yung mga palo nila hindi mo iniinda?! Bakit ba kasi sumasama ka sa mga ganoong tao?!"

"Erika it was an accident" I declared

"Aksidente?! Hindi! dahil pinalano na yun nong lalaking kinausap mo! Kung bakit ba kasi sobrang hambog mo!"

"Buti nalang andon si Van, ano?" nakangising wika ni Danna

"Matulog na tayo maaga pa tayo bukas" ani ni Athena, natapos na rin kasing gamotin ni Erika yung sugat ko.

Kinabukasan.

"Hey punta mo na ako sa Locker ko" paalam ko at nagpunta na sa locker, kinuha ko na agad ang ballpen ko at nilagay ko ang extra uniform ko. Pagkasarado ko, nagulat nalang ako dahil nakatitig si Van saakin!

"What?" Walang emosyong tanong ko

"Nakalimutan mo na ba ang utang mo saakin?"

"Ahh yun ba? THANK YOU" Sabi ko at nagpakyut

"Kailangan mo yung barayan"

"Ang alam ko mayaman na kayo kaya hindi na kailangan"

"Sa ibang bagay mo babarayan"

"Ohh sige ano ba yun?"

"You'll be my slave for 5 days"

"Ha?"

"Slave na kita whether you like it or you love it"

"Paano kung ayaw ko?" Lumapit siya saakin, unti unting nagkalapit mukha namin, kaya naman lumayo agad ako

"Hindi ko gagawin ang gusto mo. Hindi ko naman kasi hiniling na tulungan mo 'ko" 

"Utang na loob, Trisha" 

"Tsk. Oo na sige payag na ako, kailan ba magsisimula?"

"Today" 

Seryoso?!

"Punta tayo sa Library" sabi niya

"Anong gagawin natin doon?"

"Anong nasa Library?" inis na tanong niya sakin

"Mga Libro"

"May hihiramin akong libro doon kaya samahan mo ako"

Pagkapunta namin sa Library ay agad ng namili ng libro si Van. Grabi naman tong si Van ang daming makakapal na librong kinuha

"Lets go" aniya

"Huy teka, sino magdadala nitong mga Libro?"

"You"

Ha? Seryoso? Ako? Argghh

Grabi ang bigat 10 kaya yung dala ko tapos ang kakapal pa

"Ang bagal mo" reklamo ni Van

"Teka nga pakihawakan" sabay abot ko sa mga libro sakanya

"Oh ayan ikaw na magbitbit total sayo naman yan, oh tara na" sabi ko sakanya

"Hayysstt ang Bagal mo" reklamo ko sakanya, napahinto naman siya

"Teka nga bakit ako ang nagdadala nito?" nakakunot ang noong tanong niya

"Abay ewan ko"

"Inutos ko sayo to kaya ikaw na ang magdala ,total ako ang amo mo kaya ako ang masusunod" sabi nya at inilipat sa kamay ko ang mga Libro

School Clash (UNDER EDITING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ