Chapter 9 (My Hero)

8.2K 289 10
                                    

TRISHA'S POV ✏

Mabilis ang oras, hindi ko namalayang last period na pala ito sa araw na 'to. Tama nga sila, kapag hindi ka nagmamadali ay kusang mubibilis ang pag-ikot ng orasan.

"Trish hindi ka ba sasabay samin?" Athena

"Hindi na! Tataposin ko na muna 'to"

"Gusto mo samahan ka nalang namin dito?" Erika

"Yeah baka may multo rito" Danna

"Ayan ka na naman Danna, wag kasi masyadong nanonood ng mga Horror movies" palagi kasi siyang nanonood ng mga horror kaya ayan kung ano ano pinagsasabi

"Yeah yeah, ok babush! Hintayin ka nalang namin sa dorm" Sabi nila at tumayo na

"Ah nga pala! Ako na bahalang bumili ng kailangan natin" habol ko

"Ha? E may tataposin ka pa e? baka magabihan ka niyan? Kami nalang"

"Hindi na, patapos na rin naman ito kaya okay lang. Ako na bahala talaga"

"May pera ka?"

"Malaki pa naman ang laman nitong card ko"

"Sure ka diyan Trish?"

"Oo, antayin niyo nalamang ako sa dorm"

"Okay sige, mag-iingat ka"

"Salamat"

Pinagpatuloy ko ang pagsusulat ng mga pangalan sa listahan. Ako kasi ang naatasan na e-organize ang mga players ng school dahil paparating na ang School Tournament. Based on the rumors, Qing University and Cào University are big rivals. 

I checked the time and it's already 4:30 in the afternoon. Natapos ko na ang gawain kaya nag-inat-inat na ako and arrange my things. Im ready to leave. Pumunta akong locker para kunin yung listahan ng bibilhin ko at para ilagay roon ang papel na pinagawa saakin. Lumabas na ako at nagpuntang parking lot para humiram ng bisikleta. Today is a grocery day, hinahayaan ang mga studyante na lumabas upang bumili ng mga kinakailangan.

"Bumalik po kayo agad para hindi kayo makatanggap ng punishment" paalala saakin ng guwardiya

May curfew ang paglabas ng paaralan. Kapag lumagpas ka ay hahanapin ka at pagnahuli ka agad kang makakatanggap ng punishment. This school is really unique. 

"Fuck" bulong ko dahil na flat yung gulong.

'Ang malas naman! May nasagasaan ba akong matulis?! Tsk. Imposible na flat 'to nong nasa school pa dahil may maintenance naman.'

I decided na maglakad nalang habang tinutulak yung bike. Sagabal lang. Huminto ako pansamantala at saka hinanap yung mapa sa bulsa ko. Another malas! Naiwan ko yata sa locker!

"Excuse me, saan po rito ang tamang liko papuntang Supermarket?" tanong ko sa lalaki

Hindi pa kasi ako nakapuntang supermarket dahil ito pa ang unang araw kong nakalabas sa school simula nong nakapasok na kami. At isa pa nakaligtaan ko ang mapa na sanay gabay ko sa mga oras na 'to. Bakit naman kasi hindi ko yun inipit rito sa listahan ng mga bibilhin ko? Dalawa kasi ang liko rito.

"Ahm.. sige sasamahan nalang kita papuntang Langit" wika nong lalaki at ngumiti

"Po? Anong sabi niyo ho?" 

May edad na ang lalaking kausap ko. Tantiya ko ay nasa higit-kumolang 30 ang kanyang edad. Base sa kanyang tindig, at matured na mukha.

"Tama po ba ang pagkakarinig ko? Langit?" ulit ko sa sinabi niya

School Clash (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now