Chapter 11

635K 18.2K 8K
                                    

"BAKIT KA MALUNGKOT?"


Napatingala ako kay Lola Peach. Tumabi siya sa aking pagkakaupo. "Si Just Lander..." mahinang sabi ko.


"O, e ano?" Nagkamot siya ng mukha. "'Di ba magkasama lang kayo noong isang araw? Tinuruan ka niyang magmaneho. Aba, nakakagulat nga at ang haba ng pasensiya niya sa 'yo. Biruin mo iyon? Inubos mo ang lahat ng kotse niya sa garahe!"


Bigla akong napabuntong-hininga. "Eh kaso, Lola Peach, ikakasal na sya sa iba."


Napabuntong-hininga rin si Lola dahil alam niya ang mga nangyayari. Minsan lang talaga ay mukha siyang walang pakialam pero sa totoo lang, kinikimkim niya lang ang kanyang mga nalalaman. Sabi nga niya sa akin, mabuti na ang maging manhid sa paligid at sumunod na lang sa agos kaysa mas makagulo lang. Iyon daw ang motto niya sa buhay kaya magpasa hanggang ngayon ay buhay pa siya sa kabila ng kanyang malulupit na pagsubok na pinagdaanan.


"Hija, alam mo namang kahit barumbada ang lola mo ay hindi ka matitiis, di ba? Aba'y para ng ikaw ang anak ko sa haba ng panahon na inalagaan kita. Sa 'yo na umikot ang buhay ko." Iiling-iling siya. "Kung alam ko lang na mahe-hurt ka lang, sana hindi ko na hinayaang makita ka pa ni Ser sa kuwarto mo. Sana hindi ko na iniwang bukas ang kandado noon. Haist... wateber!"


Nagbalik sa alaala ko iyong nangyari noong isang araw. Doon sa gitna ng ulan ay bigla akong niyakap ni Just Lander. Ngayon niya lang ako niyakap ng ganoon. Napakahigpit na para bang wala ng bukas. Dahil doon naibsan ang sakit na nararamdaman ko. 


Subalit panandalian lang ay bigla niya akong iniwan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta matapos niyang sumakay ng natira niyang kotse. Karamihan kasi sa kotse niya ay naibangga ko na. Mabuti na nga lang ay may natira pang isa.


Pero ang nakakapagtaka ay ngayon lang siya umuwi pagkatapos non. Nang makasalubong ko pa siya ay hindi niya ako pinansin. Ano kaya ang nangyari? Nagalit kaya siya sa akin?


Biglang ngumiti ang gilagid ni Lola Peach."May naisip ako, hija."


"Ano po iyon?"


"Bakit hindi mo na lang kausapin iyong mapapangasawa ni Ser?"


...

Yes, in bed.
He's a dick.
I suck him.
Everyday.


Ito iyong mga salita na inilista ni Lola. Isinulat nya ito sa palad ko. Ito raw kasi iyong posibleng isasagot ko sa mga tanong ng babaeng mapapangasawa ni Just Lander kapag hindi ko ito maintindihan.


"You are Jack, right?" tanong ng babae sa akin.


Nasa sofa siya at umiinom ng tsa ng lapitan ko. Nakangiti ang mga labi niya pero parang malungkot ang kanyang mga mata.


Ang sabi kasi sa akin ni Lola Peach ay siya raw iyong mapapangasawa ni Just Lander. Ang kaso ay hindi ko naman sya maintindihan. Pero narinig kong binanggit nya iyong pangalan ko. Baka tinatanong nya kung ako nga si Jack kaya tumango ako.

His Indecent Proposal: Lander MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon