Chapter 27

632K 21.3K 7K
                                    


"JUST LANDER, totoo bang lumulubog ang araw bago magdilim?" Aviona asked as she was looking at the sunset. Nakatanaw kami sa malawak na karagatan kung saan tanaw namin ang papalubog na araw.

I nodded.

"Saan napupunta yung araw? Sa ilalim ng dagat?"

I glanced at her to see her brown eyes. Hindi ko siya kayang tingnan nang matagal. Ayaw ko rin titigan ang kanyang magandang mukha. Maybe because I was too afraid to lose her. Pero kailangan. Kailangang-kailangan na. 

I nodded again. "Oo. Lumulubog ang araw sa ilalim ng dagat."

Her eyes widened. "Sabi ni Lola Peach ay yari raw sa apoy ang araw. Kapag lumubog ito sa dagat, ibig sabihin ay mamamatay ang apoy nito?"

Amused akong ngumiti. "Oo. Kapag nawala ang apoy ay nawawalan din ng liwanag. Iyon ang dahilan kung bakit nagdidilim pagkatapos lumubog ng araw sa karagatan."

Napatingala sya. Mayamaya ay ay tila ba may pumasok sa isip niya. "Alam ko na! Kapag wala ng apoy ang araw ay nagiging buwan?"

Napapikit ako. "Oo, ganoon nga."

Napapalakpak sya. "Yay! Ang galing!"

Pagkuwan ay muli naming magkapanabay na pinagmasdan ang papalubog na araw. I believe that sometimes a man has to lie to his girl when he's upset and not in mood of answering.

I don't know how will I tell her that this might be the last day we're together. Parang hindi ko kayang mawalay sa kaniya, but I have to leave her. Sa ngayon kasi ay iyon lang ang alam kong paraan para mailigtas sya sa masamang pwedeng mangyari.

Iyon din ang paraan para maibalik sa kanya ang mga panahong nawala. Mga panahon at bagay na ninakaw ko mula noong napunta siya poder ko. Gusto kong mabalik iyon lahat sa kanya.

God, she's beautiful. Sa loob at labas, napakaganda niya. At ang tulad niya ay hindi dapat iniiwan. Sya iyong babaeng dapat inaalagaan.

Humarap sya sa akin and she pouted. "Just Lander, may itatanong sana ako sa'yo."

Namulsa ako. "Sige lang."

Sige lang, Aviona. Habang nandito ako... Lahat ng tanong mo, sasagutin ko. Dahil pagkatapos nito, alam kong mahihirapan na ako sa mga magiging tanong mo dahil siguradong sa susunod na magtatanong ka ay hindi ka na ganoon kainosente. Kapag tuluyan mo nang nakilala ang mundo, hindi ko alam kung maski ang hanapin ako ay gagawin mo pa...

Lumikot ang mga mata niya. "Alam mo ba kung saan ko makikita ang pag-ibig?"

I took a breath, deeply. "Hindi naman hinahanap yun. Kusang darating yun."

"Kusa kong makikita yun?"

Kinuha ko ang kaniyang kamay at inilagay sa aking dibdib. "Nararamdaman."

"Paano ko malalaman na natagpuan ko na nga iyon?" Nakatingala siya sa akin habang nakangiti. Sa tingin ko ay alam niya na ang sagot sa tanong, pero gusto niya lang talagang marinig mula sa akin.

"Close you eyes, Aviona." Utos ko sa kanya. "Pumikit ka."

Ginawa naman niya ang sinabi  ko.

"Kasing ganda iyon ng kalangitan at sinliwanag ng mga bituin. Kasing lawak ng karagatan at kalupaan. Kasing taas ng himpapawid at sin tayog ng kabundukan."

Ngumiti sya sa gitna nang kayang pagkakapikit. "Natagpuan ko na, Just Lander..."

"Oo, natagpuan mo na." Idiniin ko ang kaniyang palad sa aking dibdib. "Narito, Aviona." Maingat kong iniangat ang kaniyang mukha.

His Indecent Proposal: Lander MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon